KABANATA 12

215 10 0
                                    

  JANE POV

Nagising nalang ako sa kama dito sa dorm . 

Pagbangon ko palang pakiramdam ko ang sakit ng ulo ko. 

 'Baka panaginip lang' sabi ko sa sarili ko at nag buntong hininga. 

 Nag ayos muna ako nang sarili ko bago lumabas ng kwarto.

 " Buti naman gising ka na, bilisan mo mamaya aalis na tayo" sabi ni Lalaine. 

 " Paano nga pala ako nakapunta dito ?alam ko nasa park ako nun"Tanong ko sa kanilang dalawa.

 "Eh ano pa nga ba hinatid ka ni Blake dito. Badtrip pa nga sya eh nakita ka daw nyang pasan pasan ni Jaxiel kaya kinuha ka nya .Haba ng buhok mo bebs" Sabi ni Lalaine na may halong pang- aasar .

 So di panaginip yon ? Ibig sabihin totoo yung kiss?Bigla naman akong namula sa naisip ko . 

 " Jane may sakit ka ba? " tanong ni Venice sabay hawak ng noo ko at leeg.

 "O My God , ang init mo . Lalaine thermometer please" natatarantang utos nya kay Lalaine.

 Ganun din si Lalaine tarantang kinuha yung thermometer sa cabinet at binigay nya ito kay Venice.

 Linagay ko na ito sa tenga ko at inantay na tumunog. 

 "37.5, bakit ka kasi lumayas kahapon at nag pa-ulan alam mo bang sobra kaming nag - aalala" sabi ni Lalaine at bakas sa mukha nya ang pag - aalala.

 "Hwag mo nang pag sabihan . Kumain ka na Jane at mag punas nalang ng katawan mo " sabi naman ni Venice.

 Ngumiti ako sa kanila.

 "Thank you kasi may kaibigan akong katulad nyo. Sorry kung pinag - aalala ko kayo , di na po mauulit.Promise."

Lumapit ako sa kanila ,yinakap ko sila at hinalikan sa pisnge .Smack lang.

 "Eww bad breath " nandidiring sabi ni Venice pero naka ngiti .

 " Mag toothbrush ka nga dun" kunwaring inis na sabi ni Lalaine.

 Tumawa ako at sinunod ang sinabi nila . 

 Ano nalang kayang gagawin ko kung wala akong kaibigan katulad nila.

 Pag katapos kong magpunas at mag toothbrush. 

Inilagay ko nalang sa bag yung gatas na galing sa ref at tinapay na inihanda nila sakin, na dapat almusal ko kasi wala akong gana.

 "Oy ,oy ano yan. Di pwede yan kumain ka ." Saway ni Lalaine.

 "Pero aayos - -- " putol na sabi ko. 

 "Kami na mag - aayos ng gamit mo . Basta kumain ka nalang dyan .okay? Sabi naman ni Venice .

Ngumiti naman ako at ibinalik ko yung tinapay at gatas .

Nag simulang kumain.

Nang matapos na akong kumain at ready na din sila.Sasakay na sana ako sa van pero may pumigil sakin. 

 Jaxiel????

 "Sakin ka sasama " malamig na sabi nya.

 "Pero---" putol na sabi ko.Bigla nya nalang kinuha yung dala kong bag at nilagay sa passenger seat. 

 Sumakay na sya sa driver seat at ako naman sa front seat. 

Inayos nya naman yung seatbelt ko ,bago yung sa kanya . 

 Napatingin lang ako sa kanya . Habang sya seryoso sa pag dra -drive.

 "Pwede bang mag radio?" Tanong ko sa kanya.

Crush To LoverWhere stories live. Discover now