KABANATA 16

226 11 0
                                    

JANE POV


Ilang sandali lang napagpasyahan na namin na bumalik sa opisina..


Agad naman sumalubong samin tatlo si Jaxiel kasama na naman itong babaeng to. 


" OH SHIT  " tili ni Brenda


Dahil nandito lang naman sa harapan namin ang ultimate crush nilang dalawa ... Or i should say ultimate crush naming tatlo.


"Jaxiel , san ka mag lulunch?" tanong ni Trisha sa kanya.


" Diba inutusan kitang ipa photo copy yung mga papers na nasa red folder" sabi sa akin ni Jaxiel at di nya pinansin si Trisha.


" Huh??" takang sabi ko ,wala naman akong natandaan na nag utos sya na ipa photocopy ko yun


" Anong huh?? Di mo natatandaan ? " lumapit sya sa akin at inakbayan papuntang sa office nya , at dahil sa ginawa naman nya nagulat ako .


" Shhhh.... Hwag kang kiligin . ginawa ko lang yun para maka iwas kay Trisha." bulong nya sakin at naka ngising pumunta sa opisina nya.


" Wait Jaxiel , - - - - " putol na sabi ni Trisha


Okay lang sakin na ganito , ako ang way ni Jaxiel para maka iwas kay Trisha.


Napakagat naman ako sa lower lip ko sa sobrang kilig . Dudugo pa yata ito dahil sa sobrang diin . OMG I don't care ,basta ako na akbayan ako ni crush.


" Akala ko ba walang something sa kanila . bat may akbayan na nagaganap?" pag tataray ni Keriana sa likod.


" I told you Besh , Jane and Jaxiel look good together. Di katulad ng isa dyan ,Trying hard makuha ang attention ni baby Jaxiel ko" sabi naman ni Brenda.


Pero ramdam ko ang matalim at nakakamatay na tingin ni Trisha mula sa likod.


Ha maglaway ka sa inggit.


Pag karating na pag karating namin sa Office nya . Binato ni Jaxiel ang isang red na folder sa lamesa . Kinuha ko naman ito at binuklat . puro examples ng mga Cartoons Characters.


" Anong gagawin ko dito?' takang tanong ko sa kanya.


" Tapon mo na yan" seryosong sabi nya habang binabasa ang mga proposal .


Naka suot ngayon si Jaxiel ng long sleeve white polo at naka salamin yung parang kay Harry Potter . Siguro kahit sinong babaeng makakita na ganyan sya naku maiinlove sya .



" Hoy, mamaya mo na ako pag pantasyahan. gawin mo muna inuutos ko." masungit na sabi nya.


" Asa ka naman pag pantasyahan kita " mataray na sabi ko.


" Really ?halos lumuwa na yang mga mata mo at bumaha ng laway mo sa opisina ko" masungit na sabi nya habang nakatingin sa mga papel.


" Ha ? ano naman pinag uutos mo kamahalan? ." sarcastic na tanong ko. at nag bow na parang prinsesa sa disney .


Di ko alam kung close ba kami o kung gaano kami ka close.


 Kung mag usap nalang kami parang kaming mag tropa lang.


Sanay na ako dyan wala namang araw na di ako aasarin nyan eh .


" Sabi ko pakitapon lahat ng nasa red folder na yan" sabi nya habang pinipirmahan ang mga papel na nakatambak sa lamesa nya.

Crush To LoverWhere stories live. Discover now