WAKAS

398 9 0
                                    

JANE POV

" Alam mo yung gagawin mo kapag binuksan nya na yung ilaw." Utos ko kay Janeah na labing apat na taon na ngayon.

" Yes ,mom." nakangiting sabi nya.

Ilang sandali pa ay may kaluskos na narinig malapit sa pintuan.

Siguro ay nandito na sila.

"Bakit ang dilim? " rinig kong tanong ni Jarex sa ama nya.

Binuksan ni Jarex ang ilaw kasabay nito ang pagputok ng mga confetti.

" Congratulations! " bati ng lahat.

May naka sambit na gintong medalya sa leeg ni Jarex. Katunayan na nanalo sya sa isang swimming competition sa school nila.

Nakangiting umiiling si Jarex.

" Mom, do you really have to do this? "tanong nya.

Napanguso naman ako.

" Of course, honey bunny. You won so we have to celebrate it. "

Hindi naman sya sumagot.

Hinubad nya yung medalya sa kanyang leeg at isinuot ito sa akin.

Napangiti naman ako sa ginawa nya.
Nakakataba ng puso lalo na kung yung anak mo ay sumasali sa mga paligsahan tapos may uwi na medalya para sayo.

Hinawakan ko ang pisngi nya.

" I'm so proud of you. " nakangiting sabi ko.

"Thanks mom" he said.

Nag simulang kumain ang lahat.

Nag usap sila tungkol sa naging competition.

Nandito ang mga kaibigan namin at ang mga anak nila pati na rin ang mga magulang namin.

Sa kanilang mag kapatid si Jarex ang sporty pero mahina sa academics samantalang ang bunso naming anak na si Janeah ay sumasali sa mga regional quiz bee pero ayaw sa mga sports..

Naka upo sa tabi ko si Jaxiel habang ang iba ay nag kakasiyahan.

"Ang bilis ng panahon. "sabi nya sabay nag buntong hininga.

Napatingin naman ako sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko.

" Parang kailan lang kinakarga natin sila. Gumagapang pa lang sila sa sahig. "sabi nya.

" Para namang sinasabi na ang lalaki nila. "sabi ko habang pinag mamasdan ang mga anak na namin na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nila.

" Jarex is already 20. Malay mo may nililigawan na sya. Same as Janeah, Fourteen years old is not bad. Baka nga may manliligaw na yan...or crush. " sabi nya.

" And so? God Jaxiel, bata pa sila. Hindi pa pwede yang mga yan hanggat wala silang pinapakita na college diploma. "may diin na sabi ko.

" Hindi ko pa kaya na may ipapakilala na sa atin si Jarex na may nanghihingi na ng kamay ni Janeah. "sabi ko ulit.

" Ikaw nga, You're just 16 when you had a crush on me. "nakangising sabi nya.

Napairap ako sa kawalan.

Mahina naman syang tumawa.

" Anong nakakatawa? "iritadong tanong ko.

" Malay mo lang naman."

"Kanina nang matapos yung game. Dumeretso kami ni Jarex sa locker room. Guess what? Pag kabukas nya ng locker tumanbad sa amin yung mga love letter. Nahulog mismo ito sa sobrang dami.Mas marami pa yon kesa sa mga natatanggap ko nong highschool. Kaya wag ka nang magulat kung may mag padala na dito ng mga regalo galing sa mga admirers ng mga anak natin. "natatawang sabi nya.

Crush To LoverWhere stories live. Discover now