Chapter 10

19 5 10
                                    

Prom night. All the students are excited for this night to come. All their gowns and tuxedos are ready. The venue has been set. Of course, this night should be memorable.

But not Serena. She's not planning on going anywhere except for her part-time work in the convenience store. Mas okay na 'yun para may sweldo. And even if she can afford renting a gown, ayaw niya pa rin. Walang magbabantay sa lola niya.

"Prom? Ena, pumunta ka na. Part 'yun ng highschool life mo. Sige ka, baka pagsisihan mo 'yan," Nanay Sara said while displaying bottles of liquor for her store.

"Oo nga, apo. Pumunta ka na. Kaya ko pa naman," sabi naman ng Lola niya.

Buong araw na siyang pinipilit ng kanyang Nanay Sara at Lola niya na sumali sa prom night. Nandito kasi sila sa tindahan ni Nanay Sara kasi mag-isa na naman ito at gusto niya ng makakausap.

Nakikinig lang si Serena sa kanilang dalawa habang nag-aayos siya sa mga junkfoods at canned goods. Nagdidisplay kasi sila ngayon ng mga paninda.

"Ako ang bahala sa Lola mo, Ena. At ako na rin ang bahala sa gown mo. May kumare akong bakla 'dun sa town square na nagpapa-rent ng mga gowns," Nanay Sara said.

Nanay Sara is close to their hearts. At malaki din ang utang na loob ni Nanay Sara sa Lola niya. Para na kasing kinupkop ng Lola ni Serena si Nanay Sara noong mga bata pa sila dahil maagang namatay ang parents ni Nanay Sara. Nanay Sara treats her Lola as her mother, and Serena treats Nanay Sara as her mother as well. Kaya kapag walang mag-aasikaso sa Lola niya ay nandiyan siya palagi.

She really thanked God for having Nanay Sara at their side.

"Siya nga pala, kamusta na kayo 'nung pogi? Kayo na ba?" Nanay Sara asked and gave her a teasing look which made Serena blush.

Even that 'thing', Nanay Sara knows kasi palagi naman silang nagkukwento ng Lola niya kaya pati yung love life ni Serena ay updated siya.

"Ay kita mo oh! Namumula ang pisngi! Kayo na?" Tanong niya ulit. Serena looked at her lola, hoping she could save her from the hot seat pero tumawa lang ito.

"Alam mo, botong-boto ako sa binatang iyon," sabi ng Lola niya and Nanay Sara giggled.

"Oo nga! Ang gentleman niya!" She said. Uminit na naman ang mukha ni Reese at umiwas ng tingin sa kanila.

Noong Christmas kasi ay bumisita si Alex sa kanila and gave them a gift. Tuwang-tuwa si Nanay Sara sa kanya and even offered him to stay at their house for the night. Pero pinauwi agad ni Serena si Alex since magcecelebrate pa sila ng mommy niya sa Christmas.

"Speaking of Alex," Nanay Sara giggled again habang may tinuturo gamit ang nguso niya.

Serena's heart pounded as she scanned the place, and saw him smiling at her while holding a box of cupcakes.

"Good afternoon po," sabi ni Alex at nagmano kina Nanay Sara at sa Lola ni Serena.

"Pagpalain ka ng Diyos, Apo," her Lola said

Serena's eyes widened and her jaw dropped when she realized something. Hindi pa siya naliligo.

Alex is smiling at her from ear to ear. He knows na hindi pa siya naliligo.

"Oh my gosh," she mumbled at dali-daling umuwi sa kanila na nasa tabi lang ng tindahan and left the three of them laughing.

              "Eh ayaw niyang pumunta. Pilitin mo nga," she heard Nanay Sara said as she made her way back to the store.

"Oh andyan na pala siya," napalingon silang lahat sa kay Serena na nagsusuklay pa sa kanyang buhok. Napatigil naman siya when she saw Alex.

He looked so good in a simple plain black v-neck. And damn those dazzling eyes. Nahuhulog na naman siya. Agad siyang umiwas ng tingin at tinabihan ang lola niya.

RunawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon