CHAPTER 4

76 23 0
                                    

TAMIA WAYNETTE

Isang linggo muna ang aming pinalipas bago namin pag-usapan ang aming proyekto sa P.E. Jessica insisted to do the script since siya rin naman daw ang leader, we agreed to her beside ginusto naman niya iyon, nag-offer na lang kami ng tulong if kailangan niya.

Nandito kami ngayon sa Activity Center para pag-usapan ang mga gagawin. Ise-set na rin daw ang mga actor sa role para sa sabado magshu-shoot na lang.

Seriously, ang tibay ng teacher namin. Parang nakakainis na!

"Ok. Idi-discuss ko muna sa inyo yung flow ng story natin, so ganito yun. Si Amy ang bidang babae, she has a bestfriend named Camille. Mag bestfriend na sila since grade school then one day Amy met Charles. Nagkagusto si Amy kay Charles at alam yon ni Camille. May banda sina Amy at Camille while Charles is a dancer. Ginawa ni Amy ang lahat para mapansin siya ni Charles pero 'di ganon ang nangyari, Charles fell for Camille and confessed to her. Nagalit at lumayo si Amy kay Camille at sa banda, nagalit din si Camille sa sarili dahil mayroon din siyang gusto kay Charles. Tuluyan ng lumayo at nagalit si Amy sa dalawa, hindi naman siya matiis ni Camille. Lumayo si Camille kay Charles and chose Amy over him. Sinuyo ni Camille si Amy pero nagmatigas ito. But after a month of thinking and reflecting, bumalik sa dati sila Camille and Amy. Nagkasundo na rin sila Amy , Camille and Charles. Tinanggap na ni Amy na hindi siya ang gusto ni Charles. At si Charles naman tinanggap na hindi niya mapapantayan si Amy kay Camille." Mahabang kwento ni Jessica.

"Sinong nakatuluyan ni Charles?" Tanong ni Macjrrl

"Wala. Naging magkakaibigan lang silang tatlo." Sagot ni Jessica.

"Ha? Eh nasan dun yung LOVE CONQUERS ALL?" Naguguluhang tanong ni Grace.

Oo nga paano 'yon naging love conquers all kung wala namang nagkatuluyan?

"Hindi naman kasi porket 'love conquers all' kailangan may magkatuluyan na at may happy ending. Happy ending naman sila ah? Naging magkakaibigan silang tatlo. Ang love conquers all dun ay yung nabalik nila Amy and Camille yung friendship nila at napatuyan nilang dalawa na mas mahal nila ang friendship nila, ang isa't-isa kesa sa kakikilala lang nila. Napagtagumpayan nila yung pagsubok sa pagkakaibigan nila dahil mahal nila ang isa't isa. At na pagtagumpayan din nilang tatlo ang hamon ng pag-ibig, mahal ni Amy si Charles kaya mas pinili niyang lumayo at igive-up ito. Ganon din sila Camille at Charles, mahal ni Camille si Amy kaya ginive-up niya yung taong mahal niya para sa kaibigan niya, si Charles naman dahil mahal niya si Camille nirespeto niya ang desisyon nito. Napatunayan nilang tatlo na mas mahalaga yung taong mahal mo, yung nararamdaman nila kesa sa nararamdaman mo. At kaya nilang isakripisyo ang sariling kasiyan para sa taong mahal nila." Mahabang paliwang ni Jessica.

Ang galing! Ang ganda ng story, sabagay hindi lang naman couples ang pwedeng maging happy ending.

"So, sino si Amy, Camille and Charles?" Tanong ni Julia.

"Anong gusto niyo, mag-a-assign o may mag-vo-volunteer?" Tanong ni Jessica.

"Mag-assign na lang" ani Daniel

"Oh sige. Tamia ikaw na lang si Amy tutal gumaganap ka naman sa mga theater." Ani jessica.

"Eh? Pero--" Tatanggi pa sana ako pero hindi na ako nito pinatapos sa pagsasalita. Agad akong tumingin kay Raddgged upang humingi ng saklolo. Help me!

"No buts! Para 'to sa project natin"

Grabe! Napagkaisahan ata ako run ah? Wala na rin akong nagawa kun'di ang tanggapin ang naiatang sa akin. Nakangisi naman na si Raddgged ng tingnan ko. Asar!

"Lindsay ikaw na si Camille." Ani Jessica kay Lindsay, tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

"Si Charles naman ay si ..."

"Si Zac na lang!" Malakas na singit ni Leith kay Jessica.

What? No! Ay yes! Ay hindi, no pala! Tumingin ang lahat kay Zac kung tatanggapin ba nito ang role, sobrang bilis nang tibok ng puso ko! Gusto ko na ayaw kong tanggapin niya dahil alam kong hindi rin ako makakapag-focus sa pag-acting dahil sa kan'ya.

"Sige sure." Sagot nito. I'm doomed!

Paano na 'to? Paano ako haharap sa kan'ya? Whooo! Naramdaman kong siniko ako ni Garnet, hindi ko na lang siya pinansin dahil baka may makahalata sa'min. Epal talaga amp!

"Dennis, Clever, Ackesha at Matthew. Kabanda kayo nila Tamia" muling ani Jessica

"Daniel, Mariz, Gerald, Sasha at Lynda. Co-dancer ni Zac."

Nagpatuloy pa sa pag-a-assign si Jessica. May mga mauulit daw na mga gaganap dahil kulang sa tao, pagkatapos mag-assign ay binigay na sa'min yung script nang makapag-kabisa na.

Pagkatapos ng mga ilang paalala ni Jessica ay lumabas na kami sa AC dahil tapos na rin ang meeting, uwian na rin kaya deretso na kami pauwi.

Feeling ko hapong-hapo ako ngayon! Waaa! This is so freaking hell! I'm act! With him! In front of him! Damn!

"I'm excited!" Bulalas ni Raddgged na bumungisngis pa! Naano 'to?

"Problema mo?" I asked frowning. How dare her fell happy while I am here, problematic and stressed!

"It's gonna be fun! I'm excited na sa movie natin"

"You're that excited? Are you my friend or what? Kakainis ka ah!"

"HAHA! The story sounds familiar" she stated while looking directly at me. Luh! She even cupped her jaw as if thinking for something.

"Iniisip mo bang nag plagiarized si Jess--"

"Nah! Not sounds familiar pala, but a bit familiar. I has this friend na same story conflict, hindi ko pa lang alam kung ano ang magiging end" then smiled playfully. Creepy, Raddgged! Tsk!

Pumunta muna kami ni Garnet sa Locker area para kunin ang mga libro ko. May assignment kasi kami ngayon sa ilang mga subject. Assignments, projects, problems. Sucks!

"Mia look" tawag sa'kin ni Garnet sabay turo sa kinaroroonan ni Zac.

Naglalakad sila Zac palabas sa gate, nakaakbay ito kay Abbie. Tsk! Kahapon ang nakakandong sa kan'ya ay si Emily ngayon ang kaakbay niya si Abbie! Hanep!

Napailing na lang si Raddgge at ayun na naman siya sa paulit-ulit niyang sinasabi 'Yan ba? Ha?' Paulit-ulit siya na parang sirang plaka!

"Eh anong magagawa ko?! Kahit gustuhin kong hindi magkagusto sa kan'ya at piliting pigilan ang nararamdaman ko, wala eh! Ganon pa rin! Ganon pa rin, gusto ko pa rin siya!" Maktol ko kay Raddgged. "Alam ko namang walang pag-asa pero pinili ko pa ring magpakatanga! Magpakatanga sa pagmamahal sa kan'ya kahit alam kong imposible. At tsaka 'di ba wala namang masama sa pag-asa? 'Di naman bawal ang umasa!" Dugtong ko pa.

"Oo nga! Walang masama sa pag-asa pero 'di ba mas pinahihirapan mo lang ang sarili mo? Mas binibigyan mo lang ng dahilan ang puso mo para masaktan?" Tanong nito sa'kin.

Naiintindihan kong nag-aalala lang ito sa'kin dahil kaibigan ko siya, hindi ko rin siya masisisi. Pero sana maintindihan niya rin ako.

Hindi na ako umimik pa dahil baka magtalo pa kami. Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman ito sa'kin.

Kahit imposible gagawin ko pa rin! Aasa pa rin ako Zac! Kahit masakit! At kahit nakakatanga na!

THE OTHER GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon