CHAPTER 15

77 32 0
                                    

TAMIA WAYNETTE 

"Mahal kita!"

"Bakit kasi kinareer mo ang pagiging tanga..."

"Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako?..."

"Bakit ikaw pa 'yung nagustuhan ko?.."

"Ako na lang! Ako na lang please!..."

Humahangos na napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Hindi ako makahinga. Ang hirap!

"Tamia! Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang usal ni Raddgge.

Habol hiningang luminga-linga naman ako sa paligid. Parang may hinahanap. Nasaan ka ba?.... Mali!... Sino ka ba?

"Sinong hinahanap mo?"

'Yung nagsasalita sa panaginip ko!

"Bukod sa 'yo, sino pa ang tao rito?"

"Ha? Wala?"

"Bago ako magising walang ibang tao rito bukod sa 'yo?" Naniniguradong tanong ko rito.

"Wala nga. Walang tao rito maliban sa 'kin" mabagal na usal ni Raddgge. Pinaiintindi sa 'kin ang salitang kanyang sinambit. "May problema ba? May nawala ba sa 'yo? Tayo lang kasi ang tao rito. Magmula ng matulog ka hanggang sa paggising mo!"

Panaginip!

Napailing na lang ako sa kawalan. Sino ka ba? Sino ang nagbibitaw ng mga linyang 'yon sa panaginip ko? Wala akong matandaang may nagsabi sa 'kin ng mga salitang 'yon. Hindi kaya napanood ko 'yon sa mga pelikula? Eeeekkkk! It's driving me crazy!

"Hoy! Tinatanong kita!"

"Ha? A-ano? Huh... Wa-wala. Wala 'yon, anong oras na nga pala hehe?"

"15 mins left before time" sagot nito. Nagsimula na niyang ayusin ang gamit niya. Tumayo na ako at nauna ng maglakad.

"Woy! Aba maghintay ka naman! Tinulugan mo na nga lang ako kanina eh!" Asar na usal nito sa 'kin. Psh.

"Bilisan mo!"

"Oo na! Oo na! 'Di makapaghintay eh! Kutusan kita eh!" Asik nito. Gumaganon pa eh!

Mabilis kaming nakapanhik sa loob ng classroom namin. May toyo kasi ang teacher namin dahil kapag tinoyo siya ay nagma-mark talaga siya ng late kahit 1min ka lang na malate.

Wala pa naman siya no'ng dumating kami, pero ilang minuto lang ay dumating din agad siya. Wala na siyang sinayang na oras at nagdiscuss na.

Ang bigat ng talukap ng mga mata ko. 'Yung boses ng teacher ko ay parang musikang pampatulog. Hinihipnotismo kami nito na ipikit ang aming mga mata at ipahinga ang aming utak.

Arrgggghhhh!

Natapos na naman ang klase niya sa'min na wala akong naintindihan. Puro lang ako take down notes at saka na lang magse-self study! Goodluck sa'kin!

"Goodbye class! See you on tuesday. Don't forget your assignment ok?"

Whhaaatt? May assignment? Jusko, hindi ko alam yun ah!

"Goodbye Ma'am. See you on tuesday." Sagot ng mga kaklase ko. Tch!

"Yeeeeesssssss! Tara na guys! Excited na 'ko!" Malakas na sigaw ni Daniel nang makalabas si Ms.

Halata nga!

Ngayon na kasi kami pupuntang amusement park! Nakakaexcite dahil ngayon lang ako aalis kasama ang barkada. Lumapit na ako kay Raddgged na nag-aayos ng gamit niya.

THE OTHER GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon