EPILOGUE

54 12 1
                                    

TAMIA WAYNETTE

"Congratulations, Tamia!" Bati sa'kin ni Mama at Papa. Today is our graduation. Finally, I finished my secondary. Tertiary, here I come!

"Salamat Ma, Pa. Para po ito sa inyo!" Mahigpit na yumakap sa'kin si Mama.

"Isang baitang na lang, anak. Mararating mo na ang tuktok ng bundok!" Opo, isang baitang na lang at makakaakyat na ako sa taas. At pagbubutihan ko para hindi ako madapa at mahulog.

"Aba'y tama na iyan, baka magkaiyakan pa kayo. Lumalamig ang pagkain!" Ani papa. Humiwalay ako kay mama at siya naman ang niyakap ko.

"Si papa nainggit" pang-aasar ko. Natawa naman si mama at tinapik sa likod si papa.

"Pwede namang sabihing gusto rin niya ng yakap eh!" Gatong din ni mama. Sumimangot lang si papa at nilayasaan kami sa sala't pumasok sa kusina. Mahina na lang kaming nagtawanan ni mama.

"Ma, bihis lang po ako" paalam ko't pumasok sa kwarto ko.

Its been months. Wala pa rin akong naririnig mula kay Leith. Buset yung lalaking yun! Nagdaan ang pasko at bagong taon na hindi man lang ako binati! Tapos ngayon namang graduation ko, hindi pa rin nagpaparamdam! Hmmp!

Namimiss ko siya! Hindi ko sigurado kung bakit pero namimiss ko siya. Naiisip ko rin na baka isang araw magugulat na lang ako nasa harap ko na siya ulit. Noong pasko at bagong taon, panay ang titig ko sa labas ng bahay namin. Baka kasi pumunta siya at binisita ako. Pero natapos ang mga araw na yun ng bigo ako. Walang Leith na dumating at lalong walang Leith na nagparamdam!

Sabagay, sino ba naman ako para pag-aksiyahan pa niya ng oras 'di ba? Ang babaeng gusto niya? Tsk! Wala akong narinig nung araw na yun! Wala akong nalaman at hindi ko rin alam na nag-uusap sila nun ni Zac at nabanggit ni Leith na gusto niya ako! Bingi ako nung araw na yun, hindi nag-pa-function ang pandinig ko ng maayos!

Waaahhh! I want to see him! Kahit saglit lang, kahit isang minuto lang. Gusto ko ulit marinig ang boses niya at gusto kong makita ang mukha niya! God, please!

"Tamia? Anak bumaba ka na at may bisita ka!" Napatanga ako sa sinabi ni mama. Bisita? Can it be... Leith? Oh! God please! Sana si Leith! Please! Please!

Nang makabawi sa gulat ay agad akong lumabas ng kwarto. Nagulat pa si mama dahil madaling-madali ako. Tinakbo ko ang sala at duon nalaglag ang panga ko sa nadatnan.

"Hey! Tamia, congratulations!" Magiliw na bati sa'kin ng mga kaibigan ko. Bakas ang tuwa sa mukha nila.

Lumagpak lahat ng pag-asa ko! Sino bang niloloko ko? Hindi makakapunta si Leith dahil nandoon siya sa ibang bansa! Bansa ang pagitan namin, hindi lang basta lugar! Ang layo namin sa isa't-isa!

"Tahan na Tamia! Hindi man makarating si Leith, alam natin lahat na proud na proud siya sa'yo!" Boses ni Raddgged ang gumising sa diwa ko. Agad kong pinunasan ang mga luhang nagmalabis sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako! Tsk!

"Wala man siya, nandito naman kami ah? Nakakatampo ka! Sinupresa ka namin tapos iba naman pala ang hinahanap mo!" Angil ni Clever na ikinatawa ko.

"Bakit kasi nandito kayo? Wala akong ipapakain sa inyo!"

"We know. Kaya nga nagdala na kami ng pagkain. Alam namin ang patakaran mo. Kung sino ang bisita, sila ang magdala ng kakainin nila! Tsk!" Ani Zac na ikinatawa ko.

"Halina na kayo rito mga bata, nakahanda na ang mga pagkain" tawag ni mama sa'min. Nagmadali agad sila Dennis at Daniel sa kusina. Tsk!

"Makikita mo rin siya ulit Tamia. Maybe not now, you have a lot of days, then one of those days, you two will meet again!" Ani Zac na inakbayan pa ako. Napangiti naman ako rito.

Yeah! Marami pang bukas ang darating. Hindi ko alam kung bakit ako maghihintay, kung tama bang hintayin ka at kung may hinihintay ba talaga ako. But I'll hold on to you, when the right time come, I'm just here, waiting for you!

THE OTHER GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon