CHAPTER 18

54 21 0
                                    

The greatest pain that comes from love is loving someone you can never have.

TAMIA WAYNETTE

CHAMPIONSHIP NA! Last day of intrams. At ngayon na lang ulit ako pumasok! Haaaayyyy! Wala naman kasing mawawala kung papasok ako o hindi! Tsk!

Nasaan naman kaya si Raddgged? Mula nung monday ay hindi ko man lang siya kinausap! I didn't bother her, hindi ako nagreply sa mga texts niya at hindi ko sinagot lahat ng calls niya. It's stupid, I know! She's my best friend and I should've talk to her 'bout my problems but I keep my mouth shut! I miss her already!

I texted her asking where she is. Maya-maya lang ay nagreply siyang nasa garden daw siya. Ano namang gagawin niya roon? Mabilis kong tinungo ang lugar at nakita ko siyang nakahiga at TULOG! Antok na antok huh?

"Ehem!" Kunwaring ubo ko. Minulat naman niya ang isang mata at tiningnan ako, matapos yun ay pinikit ulit ang mata't nagpanggap na tulog.

Haaaayyy!

"I-I'm sorry!" Usal ko. Hindi naman 'to nagpatinag. Huhuhuhu! Galit ba siya? Malamang tsk! Kaibigan ko siya pero hindi ko man lang siya nagawang hingan ng tulong sa mga panahong lulong ako sa lungkot!

"R-Raddgged kausapin mo'ko" pakiusap ko rito.

"What do you want?" Pormal na tanong nito.

Galit siya!

Lumapit ako at humiga sa tabi niya. Bumuntong hininga naman ako at malungkot na tinanaw ang langit.

"Galit ka ba?" Tanong ko.

"May dapat ba akong ika-galit?" Balik tanong niya.

"Wala" agad na sagot ko. Hindi makapaniwalang bumangon siya at gulat na tumingin sa'kin. Nakakatawa dahil nanlalaki pa ang mga mata niya.

"Abnormal ka ba? Hindi ka nagparamdam sa'kin! Hindi ka nag re-reply sa mga text ko! Hindi mo'ko kinausap! Hindi mo'ko hinarap nung pumunta ako sa inyo! Tapos ano kamo? Ha! Wala kang kwenta Tamia! Wala kang kwentang kaibigan!" Sigaw nito habang hinampas hampas pa ang katawan ko.

Masakit ah!

"Aray aray! Aray masakit! Joke lang naman eh!"

"Joke? Joke lang? Abnormal ka ba? Nakuha mo pa talagang mag joke?" Inis na singhal nito.

"Nahihiya lang kasi ako sa'yo" sagot ko at ngumuso sa kanya.

"Sa'kin ka pa talaga nahiya ah? May sapak ka ba talaga?"

"Sorry na! Hindi na mauulet!"

"Aba dapat lang! Bakit balak mo pa bang masaktan ulet dahil kay Zac?"

"Hindi ah! Tapos na ako diyan!"

"Dapat lang! Sasakalin talaga kita kung hindi kapa okay! Aba eh, ilang araw kang naglamay tapos hindi ka pa magiging ok! Hindi mo na nga ako hinayaang paglamayan yang puso mo eh!"

Lamay? Patay na ba puso ko?

"A-anong lamay? Tsk! Ano palagay mo sa'kin? Namatay?"

THE OTHER GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon