"What is LOVE?" "Love is when a puppy LICKS your face. Even after you left him ALONE all day.."
Ang LOVE ay yung kahit alam mong ayaw sayo ng tao na yun eh pinipilit mo pa din yung sarili mo sa kanya. kahit alam mong wala siyang nararamdaman para sayo.
Sabi nga nung mga ibang nagmamahal "basta't masaya ka, ako'y masaya na.."
pero diba parang unfair yun. yung taong mahal mo masaya na sa iba. at hindi ikaw yung pinili niya tapos sasabihin mo masaya ka na din! haha ang mga tao nga naman talaga eh no. tss.
"minsan parang tanga lang, kasi nga TAO LANG.."
masaya ka na dahil masaya siya sa iba? pero deep inside nasasaktan ka..
Pinipilit mo lang maging masaya. pinipilit mo lang sa sarili mo na makaka-hanap ka pa ng iba, na makakalimutan mo din siya.
Pero ako iba yung taong nakilala ko. meron siyang tinatagong kalungkutan. buong buhay niya hindi niya makalimutan yung nakaraan nila. after mawala ang tao na yun sa buhay niya hindi na siya nagmahal ng iba. nag focus nalang siya sa trabaho niya at sa kalungkutan niya.. oh diba parang tanga lang
"Paano mo nga ba mapapalitan ang isang taong nasa alaala na lang niya.. hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang babaeng pinaka mamahal niya.. sa madaling salita hindi pa siya nakaka moved on kahit ilan taon na ang lumipas.. paano ko nauwi sa ganito? sa isang taong pasikreto mong minamahal pero alam mo sa sarili mo na kahit kailan hindi ka niya magugustuhan dahil sa isang taong hindi niya makalimutan.."
-Rojean
"Oo, hindi ko nga siya makalimutan. nananatili lang siya sa alaala ko. at siguro hanggang dun na lang yon. wala na din naman akong magagawa eh. siguro dadating din yung panahon na makakalimutan ko siya.." at dumating na nga yata yung time na yun (-_- ) tss. nung nakilala ko ang babaeng to, gumulo ulit yung tahimik kong mundo. gumulo sa paraan na naging makabuluhan at sumaya ulit yung buhay ko ng dahil sa kaniya..
hindi ba niya alam na napaka ingay niya? hindi ba niya alam na masyado siyang madaldal? yung kahit ayaw mo na ipagpipilitan pa din niya yung gusto niya..
hindi ba niya alam na gustong-gusto ko yung kinukulit niya ko.. hindi ba niya alam na sumasaya ko pag nandiyan siya? hindi ba niya alam na nalulungkot ako pag wala siya? hindi ba niya alam na sobrang ganda niya..(lalo na sa paningin ko)
hindi ba niya alam na nagseselos ako lalo na sa bestfriend niya.. hindi ba niya alam?
na MAHAL ko na pala siya..
-Raizen
BINABASA MO ANG
When I met this GIRL
Romance"Paano mo nga ba mapapalitan ang isang taong nasa alaala na lang niya.. hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang babaeng pinaka mamahal niya.. sa madaling salita hindi pa siya nakaka moved on kahit ilan taon na ang lumipas.. paano ko nauw...