// X A M A N T H A //
Today, fate played a trick on me. Ewan ko ba bakit ako na lang lagi. Ako na nga yung laging nasasaktan! ako na lang lagi yung nag-aadjust! Ako na lang lagi ang nag-eeffort!
Pero siyempre joke lang 'yon. Pati yong paglaro ng tadhana sa'kin. Nakita ko lang naman ang long-time crush ko! oh yeah! diba? I'm so happy! sino ba naman ang hindi sasaya kapag nakita mo ang crush mo diba?
Nasa covered court ako ng school campus dahil napag-isipan ng group leader namin (which is me) na dito magpractice para sa upcoming event ng campus.
Since nasa Section A kami, kami ang inatasan na magperform. Hinati kami sa tatlo and fortunately, Hiphop ang naka-assign sa amin! At sino ba ang hindi sasaya? Ako ang president ng Dance Troupe dito sa campus! Malaki itong chance para makita ng crush ko ang dancing skills ko! Oh Ha!
Palaging nasa covered court ang crush ko dahil sa pagiging student athlete niya. Diba? ang sipag niya? Ang rami ko pang alam tungkol sa kanya. Hehe ^__^
In-off ko na ang cellphone ko na naka-connect sa isang bluetooth speaker na pinanggagalingan ng sounds namin. Tumingin muna ako saglit kay Andrei.
Kung naitatanong niyo kung sino si Andrei, si Andrei John Martinez ang nag-iisang love of my life. AJ is his nickname. Oh diba? ang ganda ng nickname, gwapo rin kasi siya eh ^__^
Uminom muna ako ng tubig galing sa tumbler ko bago umupo sa bleachers dito sa gym. Kasalukuyan ko siyang tinitigan habang nagjo-jogging. Ang cute talaga niya! owemji!
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. Kinuhanan ko siya ng pictures. May isang memory card ako na nakalaan talaga sa kanya. Lahat ng laman nito ay puro talaga tungkol sa kanya. Pinag-iponan ko talaga ang pambili neto.
"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi ka ba talaga nagsasawa jan kay AJ? Puro ka AJ don, AJ dito! psh!"
Reklamo ng bestfriend kong si Kristin. Actually, apat kaming magbabarkada. Si Krystal, Kristin at Airene. Mga Dyosa kami bes kaya wag kami! HAHAHA. Peace!
Hindi ko ka grupo si Krystal at Airene dahil naka-assign sila sa Ballroom. HAHAHA. Hindi ko maisip na sasayaw si Krystal ng ballroom! 'Yon? Sasayaw ng ballroom? HAHAHA! Boyish kaya 'yon! HAHAHA.
Tiningnan ko muna ang gallery ko na puno ng pictures ni AJ. Tumili ako nang tumili hanggang sa pinagtitingnan ako ng mga tao sa covered court dahil sa lakas ng pagtili ko. Pati nga si AJ tiningnan ako kaya nag-blush ang lola niya.
Nag peace sign ako at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa covered court. Sinapak ako ni Kristin kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano bang problema mo?"
Sabi ko sa tonong naiirita. Kinuha ko na ang bag ko at tumayo. At tsaka ang lola niyo mga bes! tumingin pa sa direksyon kung saan si AJ! Hindi ko kayang pigilan eh!
Sinundan pala ako ni Kristin! at nakisabay sa paglakad ko. Nabigla na lamang ako nang hilahin niya ako papunta sa cafeteria ng campus.
"Hoy! Kristin! bitawan mo nga ako! Ayokong pumunta sa cafeteria okay? busog ako!"
Napatawa si Kristin dahil sa sinabi ko at huminto sa gitna ng corridor. Napaluhod siya dahil sa pagtawa niya. Psh. Kailan pa ako nagkaroon ng abnormal na bestfriend? Ay tama! ngayon! Ngayon ako nagkaroon ng abnormal na bestfriend!
"HAHAHA sinong may sabi na pupunta tayo sa cafeteria? HAHAHHA"
Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi ni Kristin habang tumatawa pa rin.
At saka ko pa narealize na sa kabilang wing pala papunta ang cafeteria, at papunta kami sa auditorium kung saan nagpapractice sina Krystal at Airene.
Sheyt.
-----
Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria at kumakain ng lunch. Kasama namin ni Kristin ngayon sina Airene at Krystal.
"Balita ko sasali si AJ sa performance."
Halos maibuga ko lahat ng pagkain na nasa bibig ko dahil sa sinabi ni Airene. Like the heck?! si AJ?! sasali sa performance?
"Saan siya na group?"
"Parang sa hiphop."
Halos mabugbog ko na si Kristin na nasa tabi ko dahil sa sagot ni Krystal sa akin. Owemji! kailangan ko ng mag practice ng mga bagong steps para ituro sa kanila! I'm so happy!
"Hoy Xamantha! Hindi pa naman sure na sasali siya! narinig ko lang naman 'don sa auditorium!"
Sigaw ni Airene kaya napayuko ako. Masaya na sana ako eh kung hindi niya lang yon sinabi. Kj talaga to si Airene. Hindi ko nga alam kung bakit naging ka tropa ko 'to.Bumalik sila sa kaniya-kaniyang pagkain kaya kumain na rin ako. Sobrang tahimik ng mesa namin. Hindi ako sanay.
"Guys, punta tayo sa rooftop! maaga pa naman oh!"
Sabi ni Kristin. Tumango na lang ako at tumayo na. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa rooftop. Sa rooftop kami palaging pumupunta pagkatapos naming kumain. Kumbaga, nagpapahangin. May mga upuan naman 'don kaya pwede lang na 'don ka kumain.
Pagbukas na pagbukas ni Krystal sa pinto ay bumungad agad sa amin ang malamig na hangin. Ber months na ngayon kaya malamig-lamig na rin.
Umupo kami kung saan ang pwesto namin. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukan na matulog nang may tumawag sa pangalan ko.
"Ummm, Ms. Xamantha?"
Pamilyar ang boses na yun ah? Binuksan ko kaagad ang mata ko at bumungad sa akin ang papakasalan ko----- charaught! Tinawag kasi ako ni AJ!
Tumayo agad ako at inayos ang buhok ko na nililipad ng malakas na hangin.
"Yes?"
Sabi ko sa pacute na tono. Act normal Xamantha! Act normal! Pinilit kong wag magpa cute and I succeed.
"Pinapatawag kayo ni Mrs. Fernandez"
Tumango ako at ngumiti. Kinuha ko agad ang sling bag ko at ngumiti sa mga katropa ko. Ngumiti sila na parang kinikilig kaya pinanlisikan ko sila ng mata at agad silang bumalik sa mga ginagawa nila kaya napatawa ako.
Pagtingin ko sa likod ko ay nakita ko si AJ na hinihintay pala ako. Sheyt! baka kanina pa siya naghihintay. Bumaba na siya kaya sinundan ko na lang siya.
Sheyt! ang saya ko ngayon!
*****
YOU ARE READING
The Desperate
Short StoryMeet Xamantha Xyrel Quendra, a girl with a simple life. She's inlove with Andrei John Martinez. But little did she know, Andrei is inlove with another girl. Is she brave enough to fight for her one-sided love? ----- Category: General Fiction Status...