// X A M A N T H A //
Papunta kami sa faculty room ni AJ dahil pinapatawag daw kami ni Mrs. Fernandez, ang homeroom adviser namin.
Nasa likod lang ako ni AJ dahil ayoko namang kapalan ang face ko at tumabi sa kanya. Pinagtitingnan nga ng mga babae si AJ at ang iba naman ay nagpapacute. Psh. Akin lang si AJ!
Nakita namin si Mrs. Fernandez na nakaupo sa kanyang upuan dito sa Faculty Room agad kaming dumiretso doon dahil siya naman talaga ang sadya namin doon.
Hindi ito ang first time na nakapasok ako sa Faculty Room. I'm the top 1 in the whole Grade 12 kaya lagi akong pinapatawag dito; it's either may ipapagawa ang mga teachers sa akin or papasalihin nila ako ng mga interschool contests.
I'm also the editor-in-chief of the campus' school paper. I love writing essays, poems and stories. Nahinto lang 'to nang ma-inlove ako kay AJ.
Si Mrs. Fernandez ang adviser namin sa School paper kaya malakas ang kutob ko na tungkol 'to sa school paper.
"So Mr. Martinez and Ms. Quendra. So, as you can see, I'm calling the both of you para sabihin na magtutulungan kayo para sa isang project."
Bungad na salita sa amin ni Mrs. Fernandez. I acted shocked. Dapat hindi halata diba? ayokong magpahalata no? lol.
"Mr. Martinez, I want all the details including the small details, and give it to Ms. Quendra."
"Yes Mam."
"And Ms. Quendra, I want you to assign our team for them to write articles about those details Mr. Martinez will give."
"Yes Mam."
"Okay, you can go back"
Yun lang yun? akala ko pa naman magtatagal kami. -_- Gusto ko pa sanang makita si AJ eh! Sobrang cute niya kasi! At gwapo. Hihi.
Didiretso na sana ako papunta sa rooftop ng makasalubong ko silang tatlo na pababa na. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang 12:30 na pala at 1:00 magsisimula ang klase namin.
"Halika na Xamantha. Malapit na magala-una."
Sabi ni Kristin sabay hila sa'kin. So ibig sabihin 30 minutes kami maghihintay sa classroom? psh! ang tagal kaya nun!
"Dun muna tayo sa gym! May 30 minutes pa naman eh!"
Sabi ko sabay bawi ng kamay ko kay Kristin. Ang sakit kaya ng pagkakahila niya promise! -_-
"Psh. Sabihin mo na lang, gusto mo makita si AJ! Eh kasama mo nga yun kanina! Hindi ka pa ba nagsawa?"
Sabi ni Krystal in a bored tone. Nag-pout na lang ako at sinundan sila. Yes, talo na naman ako. Baka kung ano pa sabihin nila.
Pero totoo naman yung gusto ko siyang makita eh. Hihi.
Biglang nag-beep ang cellphone ko kaya pinahinto ko muna sila at tiningnan ang phone ko. Kinabahan ako ng makitang unregistered number ang nag-text sa akin. Praning na kung praning. Kinakabahan kong binuksan ang text message neto.
+639*********
May ibibigay ako na details sa'yo bukas. Si AJ 'to. Kung tinatanong mo kung pa'no ko nakuha tong number mo, binigay to sa'kin ni Mam Fernandez. 'Wag kang assuming.
Napatili ako ng malakas ng mabasang si AJ pala ang nagmessage sa'kin! Owemji! Pero nang mabasa ko ang huling sentence ng text niya ay napapoker face ako.
Epic fail.
Gusto ko nang umuwi! Sana makapagtime-travel ako dahil didiretso na ako bukas! HAHAHA!
-----
Tadaaaa!!! Ngayon ko na kukunin ang details kay AJ! owemji! I'm so excited. Pinaghandaan ko talaga 'to bes! Naglip gloss ako, nag school shoes (minsan kasi rubber shoes ang gamit ko, baduy ko no?) nagpa braid ako kay Krystal, at higit sa lahat, nag foundation ako. Hihi. Minsan kasi pulbo lang, okay na ako edi iba ang araw na 'to eh.
Excuse ako sa class ngayong araw dahil nga sa may kukunin ako, atsaka editor-in-chief naman ako so no worries.
Dumiretso agad ako sa gym kung saan plano namin ni AJ na dito magkita para ibigay niya sa akin ang mga details.
At ngayon rin ako magco-confess ng pag-ibig ko sa kanya.
Yes, you're right. I will confess. Wala namang mawawala diba? atsaka, he have the rights to know my feelings towards him kaya excited na ako masyado.
Nakita ko si AJ na nakaupo sa isa sa mga bleachers sa gym at may hawak na folder. Dali-dali akong naglakad papunta sa kanya. Baka kanina pa to naghintay. Baka naturn-off na.
"Ikaw pala Xamantha"
Nakangiting sabi ni AJ sa akin. Gumanti ako ng matamis na ngiti. I practiced my smile kanina. Hihi. Bored kasi ako kanina so I try na mag practice ng smile.
"Eto pala ang mga details. Sa sports pa lang yan. Wala pa akong nakuha galing sa iba."
I scanned the papers he gave to me. At napahanga niya ako dahil kumpleto lahat ng sports na sinalihan ng aming School last interschool sports fest. Ang galing niya!
"Thank you AJ, You're the best!"
"Thank you! Fighting!"
"Yes, fighting!"
Nakangiti kong sabi. This conversation is sooooooo sweet. Kinikilig ako!
"Sige, alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh"
Tumango ako at nagsimula na siyang umalis. Pero naalala ko ang sasabihin ko sana sa kanya. Patay.
"Ummm, AJ..."
"Yes?"
"May sasabihin sana ako sayo."
Sabi ko nang nakayuko. Bakit parang kinakabahan ako?
"Ano yon?"
"Ummm... A-AJ... C-crush kita..."
Nakayuko kong sabi. Napakagat ako sa labi ko pagkatapos ko yon sabihin.
"I'm so sorry Xamantha, I can't love you the way you love me"
Nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Ang OA ko naman! Pinunasan ko agad ito at tiningnan siya sa mata at nakangiti.
"Okay lang naman. Crush lang naman kita eh"
"Sorry, but I'm inlove with someone else"
Ngumiti lang ako sa kanya. Ayokong makita niya ang breakdown ko. I'm a Quendra. Kilala ang Quendra sa school na ito dahil lahat ng mga Quendra na nag-aral sa paaralan na ito ay nagiging top 1. I'm a Quendra. I shouldn't cry just because of him.
"Kanino ka pala inlove?"
Nagulat ako dahil sa lumabas na mga salita sa bibig ko. Bakit ko 'yon sinabi? lalo lang ako na masaktan! Diba dapat layuan ko na si AJ dahil sa sinaktan niya ako? pero ba't ganon? di ko kaya.
"Your bestfriend. Krystal Gem Ramos. I'm so sorry..."
*****
YOU ARE READING
The Desperate
Short StoryMeet Xamantha Xyrel Quendra, a girl with a simple life. She's inlove with Andrei John Martinez. But little did she know, Andrei is inlove with another girl. Is she brave enough to fight for her one-sided love? ----- Category: General Fiction Status...