// X A M A N T H A //
"Your bestfriend. Krystal Gem Ramos. I'm so sorry..."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay umalis na siya na parang wala lang man lang ang mga nangyayari.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Gusto kong sampalin si AJ kanina pero wala ako karapatan...minahal ko siya, nagmahal lang rin naman siya.
Pero hindi ako.
Napaupo na lang ako at ibinuhos lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Wala namang makakakita sa'kin dito dahil 9:00 pa lang ng umaga at busy sila sa kanya-kanyang klase.
Tumayo ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo. Isa akong Quendra. Wala siyang karapatan na paiyakin ang isang Quendra. Dumiretso ako ng lakad sa Cafeteria. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong puno ito ng messages ni Krystal.
Hindi ko alam pero hindi ko kayang magalit kay Krystal. Wala naman siyang ginawang mali eh. Ako ang may kasalanan. Kung noon,akala ko sa'kin siya nakatingin, kay Krystal pala. Lahat ng ngiti niya, para kay Krystal pala. Ang Sakit. Sa bestfriend ko pa talaga.
Bakit ba ako umiiyak? Crush lang naman diba? Love na ba to? Dahil kung love na ito, hindi na lang ako magmamahal, kung alam ko lang na ganito kasakit ang magmahal.
Naiyak na lang ako ng mabasa ang isang message ni Krystal sa'kin.
From: Krystal<3
I'm so sorry Xamantha na hindi namin nasabi na kami ni AJ. We don't want to ruin your happiness. But I guess it's completely destroy. Okay lang na hindi mo matanggap ang sorry namin ni AJ. Kristin and Airene knows about this. We're so sorry we hide the truth.
Napahagulgol na lamang ako sa nabasa. Diba dapat magalit ako kay Krystal dahil sa inagaw niya si AJ sa'kin? Pero wala naman siyang kasalanan, nagmahal lang naman siya. Nagmahal rin naman ako. Pero bakit ganito kasakit ang kapalit.
Imbes na sa cafeteria ako papunta, dumiretso na lang ako sa dorm room ko. Dorm mate ko si Kristin kaya hindi niya dapat ako makita na umiiyak.
Pagdating na pagdating ko sa dorm ko ay agad akong humiga sa kama ko. Binuhos ko na lahat ng luha ko. Gusto kong magalit pero hindi ko kaya. Tama. Matatapos lang to pag kumain ako.
Kinuha ko ang chips na nasa fridge at nanood ng kdrama. Kahit nakakatawa ang episode, hindi ko kayang tumawa imbes, naiyak na lang ako.
Wala akong masabihan lahat ng nararamdaman ko ngayon. Hidni ko pwedeng sabihin ang lahat ng nararamdaman kay Kristin at Airene, lalong-lalo na kay Krystal.
Hindi ko dapat sila iwasan. Masisira ang pagkakaibigan namin kung ganon. Ayaw kong masira ito dahil lang kay AJ. I will not let that happen. NEVER.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero nabigla na lamang ako ng magring ang bell------hudyat na lunch time na. Tumayo ako at inayos ang sarili. Nag liptint at pulbo. Ngumiti ako sa salamin at kinuha ang sling bag ko.
Lumabas na ako sa dorm at pumunta sa cafeteria para kumain ng lunch. Pupuntahan ko silang tatlo. Sasabay ako sa kanila.
Nakita ko silang kumakain sa pwesto namin. Um-order muna ako ng spaghetti at isang coke in can at dumiretso na sa kanilang pwesto.
"Xamantha!"
Sigaw nila ng makita nila ako. Ngumiti lang ako sa kanila at umupo sa tabi ni Kristin.
"Okay ka lang Xamantha?"
Tanong ni Krystal sa'kin. Gusto ng tumulo ng luha ko nang makita ko su Krystal pero pinigilan ko ito.
"I'm okay Krystal. Atsaka, I should be happy diba? Dahil may boyfriend kana. NBSB ka pa naman. HAHAHA!"
Napatawa kaming lahat dahil sa sinabi ko. Yes, Krystal is NBSB. Ako rin naman NBSB rin. Study first kasi ako.
"I'm so sorry Xamantha."
Umiling ako sa sinabi ni Krystal.
"Wala ka namang kasalanan Krystal. Nagmahal ka lang. Yun lang. Sa ating lahat, ako ang pinakatanga. Hindi ko man lang napansin na kayo na pala"
Sabi ko at sumubo na ng spaghetti. Napayuko na lang ako nang lumapit si AJ sa lamesa namin at binigyan ng bulaklak si Krystal. Kaya pala nagmamadali siyang umalis kanina.
Yumuko na lang ako at inubos na ang spaghetti na in-order ko dahil parang may plano talaga siyang makipagsabayan sa amin.
"Alis muna ako guys. Bye."
Sabi ko habang naglalakad na paalis. Dali-dali akong pumunta sa dorm at ni-lock ito. Nang makasigurong lock na ito ay napaupo na lang ako.
Sobrang sakit pa rin kasi eh. Ang tagal ko na siyang crush, yun pala inlove siya sa bestfriend ko. Like the heck?! sobrang sakit.
Umupo na lang ako sa sahig ta hinayaan na tumulo ang mga luha ko. Ayokong magmukhang kaawa-awa sa harap ng ibang tao. Isa akong Quendra. Matalino lang ako masyado para iyakan siya. Tama.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-iyak ko. Sobrang sakit na.
*****
YOU ARE READING
The Desperate
Short StoryMeet Xamantha Xyrel Quendra, a girl with a simple life. She's inlove with Andrei John Martinez. But little did she know, Andrei is inlove with another girl. Is she brave enough to fight for her one-sided love? ----- Category: General Fiction Status...