Chapter 4

7 1 0
                                    

// X A M A N T H A //

Nagising na lang ako na nakahiga sa kama ko. Masyado ba akong napagod kakaiyak kahapon?

Nakita ko si Kristin na natutulog nang mahimbing. Tumayo ako nang dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay pero malas nga naman, nahulog pa ako sa sahig dahilan para magising si Kristin.

"Jusmeyo Xamantha. Psh. Wag kasi tatanga-tanga."

Sabi ni Krystal dahilan para maiyak ako.

Wag kasi tatanga-tanga

Wag kasi tatanga-tanga

Wag kasi tatanga-tanga

Edi ako na ang dakilang tanga. Oo! Ako na! AKO NA YUNG NAG-ASSUME NA MAY PAG-ASA PA AKO SA KANYA PERO WALA NA PALA!

Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang umiiyak pa rin at nakaupo sa sahig.

"Xamantha, tumayo ka na. Xamantha. Xamantha."

Binalewala ko lang si Kristin at pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iyak. Sobrang sakit na.

Gusto ko lang naman na mahalin niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Oo! Desperada na kung desperada! Pero wala akong pake! Hindi ba masyadong unfair na ako lang ang nasasaktan? habang siya ay masaya at malayang nagmamahal?! Hindi ba masyadong masakit tingnan?!

"Gusto ko lang naman na mahalin Kristin eh... Pero bakit ganito sila kalupit? Diba dapat mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya? Dapat diba pag mahal ko siya, dapat mahal niya rin ako? Give and Take lang Kristin. Masyadong masakit tingnan na malaya at masaya silang nagmamahalan habang ang isa naman ay nagdudusa. Hindi ba masyadong brutal yon? Oo! Desperada ako! nagmahal lang naman yung tao eh! May mali ba sa pagmamahal?!"

sabi ko kay Kristin sa gitna ng paghagulgol ko. Umupo rin si Kristin sa sahig kasama ko at niyakap ako. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Sobrang sakit na kasi.

"Wala Xamantha, Wala. Walang mali sa pagmamahal. May rason kung bakit nasasaktan ka ngayon. Oo, hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon Xamantha dahil hindi ko pa nararanasan yan. But please. Please. Please remember, I will always be with you. Just call me Xamantha. Wag mong solohin ang problema mo. okay? just cry hanggang sa maging magaan na ang pakiramdam mo. Crying is the best way to heal your pain."

Gaya ng sinabi ni Kristin, umiyak lang ako nang umiyak. I don't know kung ilang oras na ako umiiyak. I don't give a damn kung ilang oras na akong umiiyak. Maghihintay ako kung kailan wala ng luha ang tutulo ulit galing sa mga mata ko.

-----

Nandito ako sa library at naghahanap ng mga librong babasahin. Napag-isipan ko kasing magbasa na lang kaysa sa umiyak buong araw. Namamaga rin ang mga mata ko kaya nakakakuha ako ng atensyon ng iba. Like I don't give a damn.

May isang libro na nakakuha ng atensyon ko. Mag sticky notes ito at sobrang rami pa. Kinuha ko ito at binasa ang mga sticky notes na nakapilit sa bawat page ng libro.

"I Love You Krystal"

-AJ

Yan lang halos ang nakasulat sa mga sticky notes. Krystal loves reading history books kaya sigurado akong nabasa na niya ito.

Pero bakit kailangan ko pang makita? Kung alam ko lang sana na may nakasulat na I Love You Krystal dito, edi sana hindi ko na lang to kinuha. Pero nangyari na eh.

Out of nowhere, ay bigla na lamang may tumulo na luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan at binalik ang libro sa lalagyan nito.

Lumabas na ako sa library at dumiretso na lang sa cafeteria. Umorder na lang ako ng isang coke in can at ininom ito ng diretso. Ganito ako kapag nasasaktan. Coke in can lang katapat then oks na. Pero bakit ganon? Kahit naka inom na ako ng Coke hindi pa rin ako okay? Hindi na ba gumagana ang coke sa'kin?

Biglang nag-beep ang phone ko at nakita kong may unregistered number na nagtext. In-open ko ito at binasa.

From: +639*********

Pumunta ka sa café na katapat ng school natin. May ibibigay ako na bagong details.

-AJ

I forgot na may trabaho pala kaming kailangan gawin, at kasama ko doon si AJ. Paano ako makakamove-on neto kung palagi ko na lang siyang nakikita diba?

Nagsimula na akong maglakad papunta sa café na katapat mg school namin. And there I saw AJ sipping a coffee and holding a folder.

Pinaupo niya muna ako bago binigay sa akin ang folder. I scanned the content. Okay lang.
"Ayoko ng magtagal pa rito. Goodbye."

Sabi niya sa'kin ng nakangiti. Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapahinto siya.

Tumayo ako pero hindi pa rin binabawi ang kamay niya. Tumingin ako sa mga mata niya. Mata sa Mata.

"I just want you to stay..."

*****

The DesperateWhere stories live. Discover now