Prologue
"Bawat nilalang sa mundo, may kanya-kanyang pakinabang, iba't iba ang tungkulin, iba't iba ang pagkatao, iba't iba ang mga nais.... katulad ko, naiiba ako sa lahat, iba ang aking pagkatao. Isa akong Guardian of Love. Ang isang katulad ko ay malayang nabubuhay kasama ng mga tao sa mundo."
"Oi Lance! Tara na!" sigaw ng isang maputi, matangkad at medyo singkit na lalake.
"Siya si Yohan.. Siya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Siya ang itinakda. Ako ang gabay niya. Siya ang misyon ko...."
Chapter I: Destiny
♫♪ 'Cause you're my destiny ♫♪
Tumutunog na ang alarm ni Yohan. Ang oras, alas-sais ng umaga. Tulog parin sina Lance Gabriel Sy at Yohan Lee sa magkabilang kama sa kanilang kwarto. Isang cute na aso na mukhang pusa ang tumungo sa uluhan ni Yohan.
"ugh....." pagbukas ni yohan ng kaniyang mga mata, nakita niya ang kanyang alaga. "Dobu-ah, waeyo? (why)" dinilaan ni dobu ang mukha ni Yohan hanggang napansin niya na tumutunog na ang alarm ng kaniyang cellphone.
"argh!! Eotteohkeyo?? (Anung gagawin ko??) umaga na pala..." pagkapatay niya sa alarm ng kanyang phone. Tulog parin si Lance. Si Lance ang tipong mantika matulog na kapag naaarawan saka lang magigising.
Isang unan ang malakas na tumapon sa ulo ni Lance.
"oi! Lance!! Gising na ~ tara ligo ka na!" Kumunot ang noo ni Lance. Ibinukas niya ang isa niyang mata. "eeiiy.. mauna ka ng maligo" sambit niya sabay takip ng unan sa kanyang ulo.
"oh! OK" sagot ni Yohan habang nilalaro ang kanyang alagang si Dobu. "Dobu-ah, maliligo lang si hyung (kuya). Iwan ka muna rito ha. Dapat pagbalik ko nagising mo na si Lance. Arasseo? (Okay?), pakabait ka dyan aa. hehe". Nakatakip man ng unan, nakikinig parin si Lance kay Yohan habang kinakausap ang alaga.
"Crazy" Lance smiled before closing his eyes.
...
Pagkatapos maligo ni Yohan..
"Lance, ikaw na sunod!" Nakatayo si Yohan lampas sa pinto ng kanilang kwarto, kakatapos maligo at tanging dalawang tuwalya lang ang saplot sa katawan, isa sa may leeg at isa sa may bewang pababa. Hindi parin bumangon si Lance.
"Hoy!! Gising na! LIGO KA--" natigilan si Yohan. Tila naingayan si Lance. Bumukas ang kaniyang mga mata at bumangon sa pakakahiga at umupo sa kama ng may seryosong mukha. Nagulat si Yohan. Tila napikon niya si Lance. Tinitigan ni Lance si Yohan ng may nakakatakot na mukha. Hindi alam ni Yohan kung ano ang kanyang sasabihin nang biglang ngumiti ang poker face na mukha ni Lance.
"Wag kang mag-alala.." ngumisi si Lance "..kanina pa ako gising". Tuluyan siyang bumangon sa kaniyang kama, lumapit sa nagulat na si Yohan, sabay kuha sa tuwalyang nakalagay sa leeg ni Yohan na ginamit niya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok.
...
♪ DING-DANG-DONG♪ - tunog ng bell sa kanilang paaralan, ang Woollim Academy. Ito na ang sinyales na simula na mga araw nila sa paaralan.
"Ooooooh!" pagkagalak ni Yohan. "ang laki ng school na ito! Wooh!"
Lance smirked. "tumahimik ka Yohan." Itinapat at idikkit niya ang kanyang hintuturo sa mga labi ni Yohan.
"Eiish! Hindi ka talaga nakakatuwa!" sabi ng naasar na si Yohan. "Pero Lance" bulong ni Yohan. "Saan yung mga room natin? Hehehe" sabay kamot sa kanyang ulo.
"Room no. 13 first class natin, Building 3"
"Oooh! Halla!" chinecheck ni Yohan ang mga gamit niya. "nakalimutan ko yung I.D ko!"
Ngumiti si Lance. May hinugot sa kaniyang bulsa at ibinigay kay Yohan.
"I.D. Ko yan ah! Tinago mo no?!" suspetsa ni Yohan.
"Nagpapatawa ka ba?" Ngumiti si Lance. "Naiwan mo kaya yan. Buti nga at nakita ko"
"Eyy! By the way.. salamat bestfriend!" akbay niya kay Lance sabay tawa na parang nanloloko.
...
Sa loob ng Room 13, building 3..
"Mag uumpisa naman ang klase, first day palang naman, sana idismiss kami ng maaga" bulong ni Yohan sa sarili. Narinig ito ni Lance na nakaupo sa kaliwa ni Yohan. Siya ay sandaling tumitig kay Yohan. "Shhhhhhhhh"
"Excuse me?"
"Oh?" nagulat si Yohan sa biglang pagtanong ng isang babae sa kanya. Isang babaeng maladyosa ang ganda! Nice~ i love it!
"Bakit?" namumulang tanong ni Yohan. Ang ganda niya.
"May nakaupo ba dito sa tabi mo?" tanong ng babaeng kasama niya.
"Wa-wala" Magkatabi kami. Hindi ako makakaconcentrate nito. Walang pakialam si Lance sa nangyayare sa paligid. Umupo ang dalawa sa bakanteng upuan sa tabi at likod ni Yohan.
Pagkatapos ng klase..
"Excuse me" wika ng isang boses babae. Paglingon ni Yohan, iyong babaeng maladyosa ang ganda pala ang tumatawag sa kaniya. Si Emily ang pinakamagandang babae sa buong Academy.
"Oh, ano yon?"
"Ako nga pala si Emily, Emily Juliette"
"Yohan Lee" namula ang mga pisngi ni Yohan habang nakikipagkamay.
"Ito nga pala si Julieanne, ang bestfriend ko. Pagpasensyahan mo na mahiyain siya"
"Tumahimik ka nga Emily, hindi ako mahiyain!" She whispered to Emily.
"Oh Hello"ngiti sabay sabi ni Yohan.
"Hello" namula ang pisngi ni Julieanne. "Nice to meet you"
"Alam mo, crush ka ng bestfriend ko., na-LAFS ata sayo" bulong ni Emily kay Yohan.
"Ano yun?"
"Love at First Sight! Wahahaha" bulong ni Emily. Sa pagkacorny ng sinabi nia, napa "he-he-he" nalang si Yohan.
"Yohan!" tawag ni Lance. Lumingon sa kaniya ang tatlo.
"Sino sya? Ang gwapooooooo!" excited na tanong ni Emily.
"Siya si Lance, bestfriend ko"
Pagkatitig ni Lance kay Emily, nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi dahil sa kagandahang taglay ni Emily kundi sa kanyang nakikita. Sa paningin ni Lance si Emily ay nagliliwanag. Nakikita niya sa leeg ni Emily ang isang kwintas na may hugis pusong pendant. Natulala siya.
"Oi Lance, Okay ka lang?" tanong ni Yohan.
"Mukhang natutulala siya sa ganda ko. Hehehe" biro ni Emily.
Siya ang Destiny! Hindi ako maaring magkamali. Nakatitig parin si Lance kay Emily.
"Sorry pala sa kaibigan kong ito ah, tahimik masyado, hindi mahilig magsalita" sambit ni Yohan.
"Okay lang, kakameet lang naman natin, nahihiya lang siguro siya" nakangiting sabi ni Julieanne kay Yohan.
"Eiiiiiii! Kenekeleg ako" asar ni Emily.
"Wag ka nga dyan Emily!"
Hindi ko dapat mapalayo ang Destiny. Ito na ang pagkakataon! "Tara kain tayo, nagugutom na ako" suggest ni Lance. Nagulat sina Yohan, Emily at Julieanne.
"CALL!" sigaw ni Yohan.
"Okay lang para naman mas makilala ko pa kayong dalawa. Kayo palang nakikita kong gwapo sa school na to." Sabi ni Emily.
"Nakakahiya ka Emily, umarte ka naman na naaayon sa ganda mo" biro ni Julieanne.
"Ayaw mo sumama??" pagalit na sabi ni Emily.
"Gusto ko" namumulang sagot ni Julieanne.
Sa wakas Destiny, nahanap na din kita. Seryoso ang mukha ni Lance.
********
Ano kaya ang Destiny na tinutukoy ni Lance? to be continue..

BINABASA MO ANG
Last Romeo and the Guardian of Love
RomanceMain Cast: Yohan Lee (Lee sungyeol), Lance Gabriel Sy (Kim Myungsoo), Emily Juliette (Kim Taeyeon) and Julieanne (Bae Suzy) The story about a Guardian of Love, who disguised as a human, in his journey of helping Yohan, the human he became bestfriend...