Last Romeo and the Guardian of Love Chapter IV

46 1 0
                                    

CHAPTER IV: Man In Love

"When a man is in love, he wants to stay by her side.. When a man is in love, he want to give everything in his life to her. There's so much he wants to do for her.." wika ni Lance. Yohan looked at him. 

"He will do everything with just one expectation, her heart..." dugtong ni Lance habang ibinaba ang kanyang gitara, tsaka lumapit at umupo sa kama ni Yohan. Tinitigan niya ang kaibigang si Yohan. "Even if he losses ten to gain one, he will give all he has as if today is the last day.. So he won't regret." pagtatapos niya. 

"para hindi magsisi.. You're right. Kailangan kong gawin ang lahat. Lahat ng meron ako.. " Tinitigan ni Yohan ang kanyang cellphone... 

Sa isang park, nakaupo si Emily sa isang swing, nakatingala sa langit. Tumunog ang cellphone ni Emily. May tumatawag. ♫♪♫♪. Hinugot ni Emily sa kaniyang bulsa ang kanyang cellphone. YOHAN IS CALLING... Nag-isip pa si Emily kung sasagutin niya hanggang sa pinindot niya ang Answer button. 

"Emily!" Hindi nagrerespond si Emily. "Emily. Okay ka lang? Nasaan ka?" 

"Park---" 

... 

Tumatakbong hinanap ni Yohan si Emily sa park. Tila nabuhayan siya ng loob nang makita niya itong nakaupo sa isang swing. Andiyan ka lang pala. Makikita sa mukha ni Emily ang kalungkutan. 

"Emily!" Tumingin si Emily ngunit hindi siya bumati. Hingal na hingal na lumapit si Yohan. Ibinaba ni Emily ang tingin sa lupa. "Drinks?" sabay abot ni Yohan ang Pepsi kay Emily. Nabigla si Emily sa inaabot na isang malamig na pepsi can ni Yohan. 

"Nagulat ka ba?" Umupo si Yohan sa swing na katabi ni Emily. "Favorite ko yang inumin pagmalungkot ako.. Alam mo ba na ang mga carbonated drinks ay isang weak acid.. Pero feeling ko, isa yang strong acid.. tinutunaw niya lahat ng kalungkutan ko." nakangiting sinabi ni Yohan. Makikita sa mukha ni Emily na nakatingin kay Yohan ang tanong na 'bakit niya ito sinasabi?'. 

"Kwenento ni Lance ang mga nangyare.." dagdag ni Yohan. Nabigla si Emily, siya'y yumuko. "Wag kang mag alala Emily. Okay lang.. Wag ka ng mahiya sa'kin" 

... 

Sa bahay nila Yohan, habang nakatingin mag-isa si Lance sa labas ng bintana ng kuwarto habang hawak ang alagang si Dobu. ?? Baby just can't Let you go ?? nagri-ring ang phone ni Yohan, naiwan ito ni Yohan dahil sa pagmamadaling pag-alis papunta kay Emily pagkatapos niyang tumaawag sa kanya. Pagkakuha ni Lance sa phone ni Yohan nabasa niya: Julieanne is Calling... 

"Hello Yohan?" sabi ni Julieanne pagsagot ni Lance sa kanyang tawag. "Nandiyan ba sa inyo si Emily? Nag aalala ako sa kaniya.. Wala pa kasi siya hanggang ngayon." Hindi umiimik si Lance. "Hello..? Hello?.. Yohan, andyan ka pa ba?" 

"Don't worry. Sigurado akong okay lang si Emily." sagot ni Lance. 

"Sino ito? Lance ikaw ba to?" 

"Oo" 

"Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi pa siya umuuwi, ang alam ko kasi kumain kayo.. Hindi naman nalalate ng uwi si Emily eh.. Ngayon lang kasi nangyare to" 

"Kasama niya ngayon si Yohan kaya wala kang dapat ikatakot" 

Natulala si Julieanne nang marinig ang pangalan ni Yohan. "Si Yo-han? Magkasama sila ni Yohan?" walang buhay na reply ni Julieanne. 

"May Problema ba?" Hindi umiimik si Julieanne. Ibinaba niya ang hawak na phone. "Hello.. Julieanne? Okay ka lang---" toooot! End call. 

... 

"Wag kang mag alala Emily. Okay lang.. Wag ka ng mahiya sa'kin" wika ni Yohan sabay tingin kay Emily. Tuluyang lumuha ang mga mata ni Emily. Lumapit si Yohan sa swing kung saan naupo si Emily. Niyakap niya si Emily. "Iiyak mo na lahat my-- friend.. " kahit masakit sa'kin.. I'll be your resting place that will never cool down.. 

Last Romeo and the Guardian of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon