Last Romeo and the Guardian of Love Chapter VIII

39 1 0
                                    

  CHAPTER VIII: Follow Me

  

  “Lance!”

  “Oh?” Nagluluto si Lance. Nakaupo si Yohan sa may sala, ilang metro lang ang layo sa kusina, nagbabasa ng komiks.

  “Kami na ni Emily!” sinara niya ang komik book. “dahil dun, hindi na tuloy kami nakapasok sa last subject natin kanina.”

  “Okay. . May notes ako diyan..”. sa wakas naging sila din.

  “Alam ko namang papahiramin mo ako eh~ maaasahan ka talaga bestfriend!” Hindi umimik si Lance. Nagpatuloy sa pagsasalita si Yohan.

  “Kumain kami ng masarap na icecream! Chocolate flavor~ waaah.. Sa susunod Lance ililibre kita doon! Hmm. Pero parang nakita kita kanina, kasama mo si Julieanne..” Patuloy lang na nagluluto si Lance. “Andoon ka ba kanina? Ayieeeeeh.. Julieaaaanne~ “ asar ni Yohan.

  “Lance, kanina ka pa walang imik dyan ah..” hindi parin umiimik si Lance. “Oy Lance.. Siguraduhin mong masarap yan ah.. Wala akong tiwala sa luto mo.. ”

  “Prito lang ‘to, kayang kaya ko to..”

  “Eh kung magpadeliver nalang kaya tayo!”

  “Deliver nanaman. Tipid tipid din..”

  “Eh kung kumuha ako ng tagaluto natin?”

  “Wag na! Tsaka hindi ako sanay ng may ibang kasama dito sa bahay.” sagot ni Lance.

  DING-DONG!! Tunog ng kanilang doorbell.

  “Sino yon?” tanong ni Yohan. “Lance, may inaasahan ka bang darating?”

  “Wala naman, ‘kaw ba? Baka naman nagpadeliver ka?”

  “Hindi aa! Sino kaya yun?”

  “Check mo Yohan, susunod ako. Patapos na ‘to”

  Chineck ni Yohan kung sino, lumabas siya ng bahay. Dumeretso sa gate at binuksan ito. Pakabukas niya, isang lalaking maputi, matangos ang ilong at medyo singkit ang nandoon.

  “Yohan! Long time no see!” ngiti ng lalakeng iyon.

  Nagulat si Yohan. Hindi siya nakapagsalita. “Yohan! Sino yan?” Sabi ni Lance pagkalabas ng pinto. Pagkakita sa lalake, nabigla din si Lance. Nanlaki ang kanyang mga mata.

  “Oh? Ba’t gulat na gulat kayo? Ganyan ba trato niyo sa mga bisita niyo?” wika ng lalake. Yohan and Lance came back to their senses.

  “Oh Kevin! Ikaw pala! Ba’t andito ka? Kelan ka pa andito?” tugon ni Yohan.

  “Sinong pinunta mo dito? Sinong nagpadala sayo rito?” dugtong ni Lance.

  “Wait wait wait~ Calm down. Calm down.” sagot ni Kevin. “Kakarating ko lang, interview na agad.. Pwede bang pumasok muna ako sa bahay niyo?”

  ...

  Sa bahay nila Emily...

  “Anung kakainin natin?” masayang tanong ni Emily. Sila ay nasa sala, nanunuod ng TV.

  “Kahit ano, tingnan mo nalang sa ref kung anung pwedeng kainin..”

  “Sige” Masayang tumungo sa ref si Emily. Kinuha niya ang mga kakailanganin at tumungo sa kusina.

  “Emily.. ”

  “Oh?” sagot ni Emily habang siniswitch-on ang stove.

  “Ba’t hindi kayo pumasok sa last subject kanina?” tanong ni Julieanne.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Romeo and the Guardian of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon