chapter 1- job offer

14 0 0
                                    

"tawagan ko nalang po kayo"ngiti sa akin nung babae at nginitian ko rin siya pabalik bagsak balikat kong isinarado yung pintuan at nagpakawala ng hininga hayss.. pang pitong kompanya ko na ito lagi nalang 'tawagan ko nalang po kayo' ang hirap mag hanap ng trabaho lalo na't ang init.

Pagkalabas ko sa building ng in-applyan ko pumunta muna ako sa tindahan para bumili ng chichirya kahit papaano may laman laman naman yung tiyan ko at bibili narin ako ng ice tubig.

"Pabili po!"pagtawag ko sa tindera.

"Pabili po!"pag ulit ko sabay katok ng piso sa bakal para naman marinig nung nagtitinda

"Pabileee!"wala parin sunod-sunod kong kinakatok yung piso sa bakal

"Andali lang!"ahh kaya pala may ginagawa  Malay ko ba na may ginagawa siya di ko naman alam

"Ano yun?"pag pasok niya sa tindahan habang pinupunasan yung kamay niya sa damit hmm.. naglaba pala siya

"Lima nga pong pompoms saka isang ice tubig"saka ko kinuha sa pitaka ko yung baryang natitira sa akin may 50 pesos pa naman ako

"Magkano po?"tanong kay ate

"7 pesos"saka inabot ko na yung barya sa kaniya pagkatapos nun umalis na siya at ipinagpatuloy na yung paglalaba niya binuksan ko muna yung isang pompoms sabay lagay sa bunganga ko ayokong kamayin kase yung cheese nun napupunta sa kuko ko..paano na kaya ako andami kong bayarin nababaon na ako sa utang tas yung bayad pa sa kuryente pati tubig tapos yung bayad pa sa bahay nak namang buhay to..nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni ng mag vibrate yung cellphone ko sa bag

*Trish calling*...himala napatawag yung best friend ko tagal narin naming di naguusap simula nung maka-graduate kami.

"Uy musta na?"Sabi ko sa kanya habang patuloy parin ako sa kinakain ko

"Ok lang ikaw?..tagal na nating di naguusap ah"napatawa nalang ako Doon sa sinabi niya

"*Sigh* I'm not okay"malungkot kong Sabi sa kanya

"Bakit?"tanong niya sa akin *sigh* bumuntong hininga muna ako bago ako magsalita

"Kase hanggang ngayon naghahanap parin ako ng trabaho kase kailangan ko ng makapagbayad sa utang sa kuryente pati tubig pati narin sa bahay nababaon na nga ako eh"narinig ko siyang bumuntong hininga

"May io-offer kase ako sayong trabaho"biglang umaliwalas yung mukha ko

"Talaga?!"di ko makapaniwalang tanong sa kaniya

"Yep pumunta ka sa bahay ng maaga mga 7 dito ka na rin mag breakfast"sabay end niya sa tawag namin mygosh totoo? Magkakatrabaho na ako? Sa wakas makakapagbayad narin ako kaso...malaki kaya sweldo? Di bale na nga lang at least nga may trabaho na ako eh

Tinapon ko na yung mga kinain ko at umalis maglalakad nalang ako pauwi para naman exercise at makatipid hehe tinignan ko yung  orasan ng cellphone ko 4:57 pm na pala mag fi-five na malapit na palang lumubog si haring araw Kaya kailangan kong makauwi sa bahay pero feeling ko may mali..may mali talaga bat parang nagbago yung daanan? Bat puro building yung dinadaanan ko? Don't tell me...lumapit ako Doon sa naka salubong ko.

"Hmm..manong pwede pong magtanong?"tanong ko sa kanya

"Ano Yun hija?"tanong niya sa akin pabalik

"Ah..eh... Ano pong Street to?"kase di ko talaga feel eh feeling ko maling st. Yung nalikuan ko

"Evangelista Street to ineng"sabay ngiti niya bago pa siya umalis
*Shookt* maling st. nga ako kaya bumalik uli ako sa dinaanan ko men! 5:18 na kailangan ko nang makauwi kase delikado dito kaya palakad na takbo ang ginawa ko bwiset!..bwiset!..ba't hindi ko napansin yun kakaisip kase ng kung ano-ano eh kaya ayan namali pa ng daan..kumaliwa ako at dineretcho ang daan kase puro building yung nadadaanan ko mali na ata ako ng lugar na nilakadan mag bya-byahe na nga lang ako sayang effort ko sa paglalakad medyo pagabi na rin.

Sumakay na ako ng jeep at tumingin sa kalsada sayang lang talaga yung paglakad ko nanakit tuloy paa ko medyo marami kami dito sa jeep tinignan ko yung orasan sa cellphone ko 6:00 na bilis naman ng oras ika nga nila time is gold biglang huminto yung jeep may sumakay na dalawang lalaki oh my hollyshit mga holdaper to siguro malapit-lapit na rin yung babaan ko baka kase mahold up ako mahirap na 43 nalang pera ko tapos ipang babayad ko pa tapos kukunin nila edi wala na akong pera.

"Hold up po!"nagulat ako sa sinabi ko  imbes bayad po Yung nasabi ko hold up po putek!  nakatingin sila sa akin ghad! Kunin nyo na ako gosh nakakahiya
"Hehe...bayad po"pagkatapos nun bumaba na ako lupa kain muna ako nakakahiya! Nakakahiya! Talaga.

Pag pasok ko sa bahay humilata agad ako sa kama nakakapagod pero agad rin akong bumangon kase masama daw yun..di pa pala ako kumakain 35 nalang pera ko agad akong lumabas kahit gabi na kahit delikado lalabas parin ako basta ang importante makakain ako.

"Ate tinola nga po"turo ko doon sa ulam na tinola

"Dine in?"tanong sa akin nung ate

"Opo"saka ako umupo at hinihintay nalang yung pagkain ..pagkalapag nung pagkain tumayo ako para kumuha ng spoon and fork pagkatapos bumalik na rin ako sa kinau-upuan ko kanina at nagsimula na akong kumain.

*Burrpp!*...sa wakas busog na rin tumayo ako at nagsimulang umalis

Medyo malapit lang naman dito yung bahay ko kaya di naman nakakatamad mag lakad saka malapit lang bilihin dito

"Tsk...kahit mag sumbong ka pa sa pulis wala kaming pake"rinig kong sabi nung lalaki ano kayang meron? Saka sumbong sa pulis? Huh?..

Nagtago ako sa gilid total gabi naman na di naman siguro ako mapapansin net--

(0.0) hala may ipis!! anong gagawin ko?! Alangan namang lumabas ako edi nakita ako nung lalaki

"Shoo...shoo..."pagtaboy ko doon sa mga ipis syempre mahina lang para di marinig nung lalaki..kaso lalo silang nagwala huhuhu ba't ba naman kase ako nandito edi sana nakauwi na ako sa bahay at wala nang pino-problema edi sana natutulog na ako ng mahimbing ngay---

"What are you doing huh?"wag kang titingin kundi mayayari ka

"Tinataboy ko lang po yung mga ipis"sabay tayo ko na hindi pinapakita mukha ko at humakbang ng apat para may distance ako sa kanya

"Okay sabi mo eh"sarcastic niyang sabi na parang di niya ako pinaniniwalaan

Saka ako humakbang na mala Michael Jackson pero lakad na hakbang ikakaliwa ko sana kaso nakita ko yung lalaki duguan at p-patay na!

"P-pinatay mo ba siya?"nginig kong tanong sa kanya Alam kong nasa likod ko parin siya at naka ngisi sa akin

"What if I said yes? Anong gagawin mo?"what?! Nanghihina yung tuhod ko parang gusto ko ng lumahod dahil sa gulat parang gusto kong umiyak

"Natahimik ka ata?  Haha poor girl"unti unti akong naglakad papalayo sa kanya ayoko! Ayokong madamay

Palakad na takbo ang ginawa ko hanggang sa naging takbo na malapit na ako sa bahay ko kaso may nararamdaman akong may sumusunod sa akin baka yung lalaki kanina

Naglakad ako pero sa bawat lakad ko pinapakiramdaman ko yung sumusunod sa akin. Lalagpasan ko muna yung bahay ko baka malaman niya kung saan ako nakatira. Buti nalang at gabi na tagu-taguan pala gusto mo ah..hmm! Sige madali lang naman ako kausap.

Naglakad ako ng mabilis at lumiko ako pagpunta ko sa kanto at tumakbo ako at mabilisang nagtago.

"Sabi na eh..yung lalaki nga"habang nagtatago ako I knew it siya nga..unti unti akong naglakad papalayo iikot ulit ako sa kabilang kanto tumakbo na ako kase mage-eleven  na kailangan ko ng matulog kase maaga akong gigising..

Paliko na ako sa street ng bahay ko at naglakad na. Pagkarating ko sa bahay  binuksan ko agad yung pinto at kaagad na sinarado  at naglakad ako  papunta sa kama saka humilata at tuluyan ng nagpikit ang aking mata hanggang sa makatulog na.

×××××
A/N

WahhHhh sorry guyss di pa po kase ako marunong magsulat ng story

Pero try ko parin yung best ko payt!payt! Payting!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The pretentious womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon