Tula(Minsan)

33 1 0
                                    

Minsan di ko maiwasang isipin ka!
Lalo nang ika'y tuluyang lumayo na
Wala na bang pag-asa, na ika'y magbalik ka?
Pasensya, ngunit alam kong hindi na talaga

Pag-ibig ko sayo'y totoo
Dama ko rin ang pag-ibig mong seryoso
Ngunit mga salita mo'y labis na mapang-uto
Napaniwala mong pag-ibig ay totoo

Lumipas man ang mga araw
Ika'y hindi mawawala, kahit na ako'y pumanaw
Sadyang sayo lang nakatanaw
Ang aking mga matang ubod ng linaw

OH! Sinta, minahal mo nga ba ako?
O pina-ikot lang sa mga palad mo?
Mga binitawang salita, nakabaon na sa aking puso
At hindi na mabubura nang kung sino

Ni minsan hindi ako lumingon sa  iba
Dahil sinabi mong ika'y babalik pa
Ako naman tong tanga na iyong napaniwala
Sa mga salita mong nakakasawa....

RANDOM QUOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon