Tula(Dakilang Tanga)

44 0 0
                                    

Matagal na tayong magkakilala
Pagkakaibigan nati'y si ko inakala
'Di mo lang alam aking nadarama
Tuwing tayo'y magkasama

Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan
Sa tuwing nakikita kitang luha-an
Apektado ka parin ba sa iyong nakaraan?
Hindi ka makapag move on kung patuloy mong balikan

Gusto kung malaman kung may natira pa bang pagtingin
Kung handa ka na bang ako naman ang iyong ibigin
Naalala ko pa ang ating pinag-usapan
Magdamag nating kulitan at asaran

"BESS" pa ang ating tawagan
Tinutukso pa tayo ng ating mga kasamahan
Isang araw, sinimulan ko sa biro ang usapan
Tawa ka ng tawa sa aking kakornihan

Sinabi ko sayo may sasabihin akong seryoso
Salamat at umayos ka at nagtino
Sabi ko "Pwede ba kitang ligawan?"
Natahimik ka at biglang tumawa ng lubusan
"Joke ba yan?" sabi mo,
"Hindi seryoso ako" sagot ko.
Biglang napawi an ngiti mo at tunay na nagseryoso
"Pwede hanggang magkaibigan muna tayo?" direktang sagot mo

Bakit ko pa ba ginawa iyon?
Alam ko naman na gusto mo pang balikan ang iyong kahapon
Ano ba ang meron siya na wala ako?
Bakit hindi mo kayang mahalin ang tulad ko?

Sinaktan ka niya ngunit hindi kita kayang saktan
Sinaktan mo ako ngunit hindi kita susukoan
Sa tuwing lumalapit siya sayo
Ang sakit-sakit into sa puso

Matuto ka naman lumingon sa likuran mo
Makikita mo ako, ang tunay na nagmamahal sayo
Mahal kita, mahal mo siya, forever natin wala na
Kaya tawag nila sa akin "DAKILANG TANGA."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM QUOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon