Tula(Bakit?)

30 0 0
                                        

Bakit ka nangako?
Na ako'y hindi mo iiwan?
Gayong hindi mo naman mapanindigan
Ang iyong mga binitiwan

Bakit mo nagawang magmahal ng iba?
Gayong ako'y naghihintay ng matiyaga
Bakit mo nagawa ito?
Gayong ang tanging alam ko ay mahalin ka ng purung-puro

Bakit mo sinabi na ako pa rin sa puso mo?
Gayong nakahanap ka nang ibang gusto
Bakit ayaw mo paring aminin ang totoo?
Na ako'y wala na talaga sa puso mo

Kung alam ko lang na magmamahal ka ng iba
Hindi na sana kita minahal pa
Kaya ako ngayo'y takot ng umibig,
Dahil puso ko'y nasaktan at napagod na..

RANDOM QUOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon