MY SWEET REVENGE
Maxene Pov's
Ako talaga ang napasama ng iwan ako ng hambog na lalaki na iyon. Kaasar, isang linggo akong nagkasakit mukhang kinulam pa ako nun ah. Pero okay lang magaling na naman ako. Kaya lakas loob akong pumasok sa office. Alam naman ng mga boss ko ang nangyare sa akin kaya okay na din yun. Kaya lang sayang yung sahod ko. Hinanda ko na naman yung sarili ko if ever na makita ko ang Jeoffrey na iyon.
Pero para akong na tameme nung magkasalubong kami sa hallway ng office. Dahil di ko man lang siya nabulyawan at nasigawan. Para kasing umurong yung dila ko. Kaya dinaan ko na lang sa irap. Nakita ko naman na medyo na asar siya kaya masaya na din ako. Pero nakakainis talaga di ako nakapaghiganti.
Mas mabuti na din siguro ito ayoko na kasi magkaroon sa kanya ng koneksyon. Kaya ginagawa ko ang lahat para magmukha akong busy kahit anong paraan basta wag lang ma assign at mapasama sa kanya. Siya kasi ang researcher of the month naging successful kasi yung una niyang na researched kaya hayun mabenta sya kay boss at medyo bine-baby na din. Kainis siya gusto niya siya lagi ang bida.
Nasunod ko naman ang mga plano ko, ang mag paka busy makaiwas lang sa kanya. Di na nga ako halos lumalabas ng office kahit lunch nagbabaon na lang ako para di lang siya makasalubong sa hallway. Pero minsan talaga kailangan niya pumasok sa office para mag abot lang ng mga proposal niya kaya nakikita ko siya pero i try my best na wag siyang lingunin kunware di ko siya nakikita. Na i-set ko na sa utak ko na isa siyang invisible. Oo tama kaya medyo naging payapa buhay ko.
Pakiramdam ko naman the more na iniisip kong wala siya sa paningin ko the more ata siyang naiinis. *evil laugh*
"Maxene, i-abot mo muna ito kay jeoffrey pasuyo na lang wala pa kasi yung assitant ko." nagulat ako sa inutos ni boss.
"P-p-pero-" di na ako naka angal boss siya eh.
"Pasuyo na lang wala pa kasi April eh" tas bumalik na ulit siya sa ginagawa niya, busy talaga si boss ngayon.
Umalis ako ng silid na iyon ng naka nganga di ko alam ang gagawin ko, hawak ko pa din ang isang envelope na kailangan kong i-abot ng personal sa hambog na lalaking iyon.
"Ah Mi-Mich pasuyo naman" habol ko sa isang ka officemate ko ng makasalubong ko ito.
"Pasensiya na maxene, nagmamadali din ako may hinahbol pa ako eh, pasensya na talaga" at naglakad na ito palayo sa akin.
"Patay na talaga ako nito" dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto ng opisina kung saan naroon si Jeoffrey.
Halos magdadalawang minuto na akong Nakatayo sa pinto, naisip kong tumingin muna sa aking wrist watch.
"Teka lunch time na pala, mamaya ko na lang iibigay." akala ko makakalusot na ako ngunit pagtalikod ko may nabunggo ako, may tao pala na nasa likuran ko.
"Aray!" muntikan na akong ma out of balance. Pero mas ikinagulat ko kung sino itong nasa harapan ko.
"Oh saan ka pupunta? Matuto ka ngang makiramdam sa paligid mo para di ko mukhang tanga" naku namimintig na naman yung tenga ko sa mga sinabi niya.
"Ano bang pake alam mo?" sarkastika kong tanong.
"May pake ako!" ano daw? nagulat ako sa sinabi niya o nagkamali lang ako ng dinig.
"Ha? P-pake?" takte bigla akong nautal
"May pake ako - dahil sabi ni boss na sayo na daw yung envelope na kailangan ko. Kaya ibigay mo na ng matapos ko na agad."
Ahhhhhh, gusto kong sumigaw. Nakakahiya, naiinis ako sa sarili ko bakit ba ganoon yung pumasok sa isip ko. Whaaaaaaa!
"Hoy! *snap finger* ano pede ko na bang makuha yung envelope?" takte nakakahiya na talaga nagmumukha na akong ewan. Ah di ako papayag na magmukha ako syunga sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
My Insane Lover (One Shot)
Teen FictionMinsan ang pagibig bigla mo na lang mararamdaman sa isang tao na hindi mo naman inaasahan. Isang pakiramdam na bigla na lang susulpot. Ang mahirap lang ay kung hindi mo ito matanggap kaya minsan nakakagawa tayo ng isang masamang bagay para patunayan...