He change everything

92 9 0
                                    

        Ilang linggo na niya ako sinusuyo, nakikita ko naman sa kaniya ang pag babago na hinahanap ko. Kaya medyo natutuwa na din ako sa nangyayare sa kaniya. Oras na siguro para mapatawad ko siya.

        "Pinapatawad na kita"

        "T-talaga, salamat maxene! salamat!" niyakap niya ako pero agad akong bumitaw sa kaniya.

        "Umaasa ako na hindi na mangyayari iyon."

        "Asahan mo Maxene, tandaan mo ito simula ngayon p-protektahan na kita, at di ko hahayaan na muli kang masaktan o may manakit pa sayo."

        Muli niya akong niyakap, mas nagulat ako sa sarili ko dahil this time di na ako pumalag. Dahil siguro naramdaman kong totoo ang mga sinasabi niya. May pakiramdam ako na ligtas ako sa mga bisig niya. Wala akong paliwanag sa mga nangyayare sa akin ngayon. Basta't ang alam ko lang panatag na ako kasama ang tao na sa simula pa lang ay kinaiinisan ko na ng sobra pero ngayon parang...

        Napag aaralan ko na siyang unawain at tanggapin. Lumipas pa ang mga araw ng mag paalam siya na pormal siyang manliligaw sa akin. Pina alam din niya ito sa lahat ng staff at empleyado ng kumpanyang pinapasukan namin. Para daw aware ang lahat at wala ng magpapakita ng motibo sa kaniya ganun din sa akin. Madami nga ang nagulat sa sinabi niya. Pero lahat sila tinutukso lang din kami. Okay lang din sa akin dahil totoo naman.

        Nagpaalam din siya sa magulang ko ng dumalaw ito sa bahay. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa akin sa amin ni Joeffrey. Sinong mag aakala na ang lalaking playboy, suplado at hambog na katulad niya ay mahuhulog sa isang katulad kong di maganda, suplada, simple at mainitin din ang ulo. Dito namin napatunayan na "The more you hate the more you love". Ang akala ko sa mga novels lang nangyayari ito o di kaya sa mga teleserye. Pag-ibig nga naman.

        Pinalipas ko pa ang mga buwan hanggang sa sinagot ko na siya. Pormal na magkasintahan na kami. Siya ang una kong boyfriend at umaasa ako na siya na din ang huli.

.

.

.

.

.

WAKAS???

My Insane Lover (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon