My Insane Lover

407 13 0
                                    

"My insane lover"

Property of yhinyhin.

Maxene Pov's

Unang araw ng pasok ko sa isang kumpanyang pinag aplayan ko noong nakaraang lunes. Bagong sapatos, bagong bag at bagong damit ang isinalubong ko sa kanila. Natuwa naman sila sa akin, good shot para sa isang baguhan. Dagdag pa ang pagkamasayahin at joker ko na talagang nagpahuli sa mga ngiti ng mga boss ko at kapwa empleyado.

May isang tao lang ang umagaw sa atensyon ko. Ang lalaki na nasa kabilang opisina. Nasa isang kumpanya lang kami pero dun sya naka assign sa pre-production. Sila yung mga nagpaplano, sila ang researcher at ang lahat ng proposal sa kanila nagmumula.

At sa opisina naman namin, kami ang nagsasagawa ng mga naisip nila kapag ito'y na aprubahan na ng production manager namin. Bale dito ako na assign, kame lagi ang nasa field.

Gwapo sya, makinis, tisoy, kutis mayaman at may pagkasuplado din. Hindi sya basta ngumingiti, bilang ang ngiti nya sa isang araw. At hayun ang kinaiisan ko sa kanya.

Imbis na maganda yung araw ko kapag nakikita ko sya nasisira lang. Okay sabihin na lang natin na crush ko sya pero na turn off ako sa kanya ng isang araw nakita ko sya, nakita ko kung paano siya lumandi ng isang babae. Kung paano niya akitin ang mga ito.

Para sa akin kadiri, hahalikan nya ang kamay tas lalambingin at ibang boses ang kanyang gagamitin na para bang nang aakit. At ang masama pa di lang sa iisang babae ginagawa nya yun kundi dun sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya.

"Tss, poging-pogi sa sarili" yun na lang nasabi ko ng minsang maabutan ko syang lumalandi ng isang babae at sa harapan ko pa mismo.

Naiinis ako sa kanya kasi bukod sa mahangin sya eh madalas nya pa akong sinusungitan at pinapansin mga mali ko daw ng di man lamang nya inaalam kung ano ba talaga ang nangyare? Tas ang lakas ng loob nyang isumbong ako sa boss ko na humahawak sa akin. Ang KAPAL nya, kung ayaw nya naman sa akin ok lang iiwas ako sa mga daan na tatahakin nya.

Kaya ganun na ang routine namin. Di ko sya pinapansin at lalong wala akong balak ngitian sya. Actually kumukulo ang dugo ko sa kanya sa tuwing nakikita ko sya tsk, isa syang tinik sa lalamunan ko at sa mga pangarap ko.

Hanggang sa dumating ang araw, ang araw kung saan pinagdadasal ko na sana di magkrus ang trabaho namin.

Friday the 13th ba ngayon at nangyare to sa akin.

Dahil siya ang researcher kailangan nyang hagilapin kung anuman yung nasa utak niya. Tsk aalis siya at kailangan niya ng makakasama na sanay sa field. Palibhasa busy ang iba kung mga kasamahan kaya ako ang pinasama ni Boss. Oh mahabaging langit bakit ako pa.

"Ano matagal ka pa?" sungit nya sa akin.

"Pasensya na po ha, boss eh kung tumutulong ka sana sa pagdala ng mga gamit na ito eh di mapapadali sana tayo" prangkang sagot ko. Nakakainis kasi. Ako na nga nagbuhat ng mga tripod, camera at may bag pa tapos sya d man lang ako tinulungan. Dumiretso agad sa kotse.

"Ako yung mag d-drive diba? Kaya bilisan mo." Ang hangin nya talaga sobra. May bagyong paparating at hindi ako handa.

Hindi na ako sumagot pa. Dahil baka lumala lang mahirap na baka masira ang lakad.

Hindi ako umupo sa unahan, ayokong makalapit sya.

"Oh bakit diyan ka umupo? Ano ipapamukha mong driver mo ako?"

"Huh?!"

"Lumipat ka dito ayokong magmukhang driver" mukhang galit sya kaya lumipat na lang ako ng walang sinasabi.

Unang interview, successful naman. Pero nandoon pa din pagsusungit niya, na syempre sinusuklian ko din naman ng kasungitan. Siya nagsisimula at tinatapos ko lang.

Nakakapagod ang buong magdamag. Pabalik na kami ng opisina para i-save yung mga nakuhanan namin.

"Nakuhanan mo ba yung pag-iyak ng babae?" tanong niya habang nag d-drive. Medyo nag aagawan na din ang liwanag at dilim.

"Oo, kaya lang dalawang anggulo lang ang nakuha ko." malumanay na sagot ko dahil na din sa pagod.

"Bakit dalawa lang? Pag ganyan dapat madami, ano ba naman yan. Marunong ka ba talaga huh, nagkamali 'ata si boss ng pinasama sa akin. Akala ko pa naman maayos kang magtrabaho."

Takte ano yun. Pumipintig sa tenga ko ang mga salita na sinasabi niya. Tama na sobra na siya. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Ginaganito ba niya ako dahil sa hindi ako hot, maganda at simple lang manamit. Napaka unfair nya. Di pa nga niya ako kilala pero grabe na siya kung manghusga sa akin.

"It's over, nakakainis ka na ah, kilala mo ba ako para husgahan ng ganyan? Pasalamat ka at napapayag ako ni boss. Dahil sa totoo lang ayaw kitang makatrabaho. Masyadong mataas na ang lipad. Antaas na din ng tingin mo sa sarili mo." tas hininto nya yung kotse.

"Ah ganun pala, tignan mo nga yung sarili mo. Kabago-bago mo pa lang - " pinutol ko ang iba pa niyang sasabihin dahil di ko na kaya.

"Ayoko na! Ayoko ng marinig mga panlalait mo sa akin."

"Sige you can go!" ano daw?

"What do you mean?" di ko naunawaan sinabi nya?

"I said you are free to go, kung naiirita ka sa akin then go" pinapaalis ba niya ako sa sasakyan? Takte sinusubukan ng hinayupak na ito ang pride na meron ako ah.

"I hate you!" bumaba ako at bago ko pa isara yung pinto muli akong nagsalita.

"Naiinis ako sayo, nakakainis ka!" at padabog kong isinara yung pinto. Ilang sandali lang pinaharurot na niya yung kotse. Takte umalis nga, maxene kalma lang for sure babalikan ka nun. Umupo muna ako sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at wala masyadong dumadaan at di ako nagmumukhang pulubi.

Di ko alam kung naiiyak ako dahil sa nangyari sa akin o dahil naiiyak ako kase di niya talaga ako binalikan. Hudas talaga yung lalaking iyon. Halos 20 min na ang nakakalipas mula ng umalis sya. Sigurado na ako umalis na talaga siya at iniwan akong magisa dito.

Nagpasya akong maglakad habang naghihintay ng dadaan na taxi. Mabuti na lang mahilig akong maglagay ng pera sa medyas yun kasi ang turo ni mama para in case na may emergency ay may mahuhugot ako. Mabuti na lang at sinunod ko sya. Naiwan ko kasi sa kotse yung bag ko.

Tatandaan ko talaga ang araw na ito, ang araw kung saan pinagmukha niya akong inutil at pulubi. Nakakainis siya mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. Magrereklamo ako, magrereklamo ako!!!!

Humanda ka, Mark Jeoffrey Arcega!

My Insane Lover (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon