Nagiging maganda na ang takbo ng buhay ko. Lahat ng binibigay sa akin na project ay nagagawa ko naman kaya tuwang tuwa yung boss namin dahil syempre tiba tiba din siya dun. Kung tatanungin niyo relasyon namin ni Jeoffrey ganun pa din. Di ko siya ningingitian kahit dumaan pa siya sa harapan ko. Pag naman magsasama kami sa trabaho ganun pa din ako tahimk pati na din siya. Nasanay na din siguro ako na laging kami ang partner in crime.
Dahil nagiging famous na ako sa office kilala na ako ng karamihan. Hanggang sa makilala ko si Tristan. Ngayon ko lang siya napansin pero matagal na pala siya dun nagta-trabaho sa iba lang din siya na assigned o sa ibang department. Napasama siya sa rotation, isa sa mga rules ng office. Kaya na assigned siya sa pagsama sa mga field. I find him cute and funny. Kaya medyo pinapansin ko siya, mukha naman siyang mabait eh.
At ang pinaka magandang nangyare sa buhay ko ay nung malaman kong siya yung makakapareha ko at hindi yung Jeoffrey na yun. Haaay blessing in disguise. Infairness masaya siyang kasama at masaya din naming natapos yung project namin. Maganda siyang kapareha yun ang natitiyak ko. Bumalik na kami sa office para mai-save na ang mga files na nakuhanan namin.
Masaya na sana ako kasama si Tristan, naglalakad sa hallway at nagaasaran ng makasalubong namin si Jeoffrey. Nakita ko na naman ang nakasimangot niyang mukha, ang lakas makasira ng araw ko.Takte magkakilala pala ang dalawa nagkamustahan sila at sumabay pa sa paglalakad namin ang loko. Kaya lang di ako papayag.
"Ah Tristan, sige ikaw na lang ang magdala dun ha. I have to go may lakad pa ako."
"Ganun ba? Oh sige Bye"
"Bye" tumalikod na agad ako at naglakad palayo.
_____________________
Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan.
Araw ng martes.
Muli akong binigyan ng assignment ng production manager namin. Hindi si tristan ang nakasama ko. Kaya balik ulit sa dati, si Jeoffrey tahimik ganun din ako. Magkaibang magkaiba sila ni Tristan dahil pag kami ang magkasama ikaw mismo ang magsasawa sa kaingayan namin.
Mabuti na lang at natapos na din namin agad yung trabaho. Medyo may kalayuan din ang lugar na pinuntahan namin sa may Iba, Zambales. Kaya mahaba-haba ang byahe. Nakisabay sa byahe namin ang malakas na ulan.
"Simpleng malandi ka din no?" nagulat ako sa sinabi niya, bakit siya biglang nagsalita ng ganun.
"Excuse me?"
"Akala mo di ko alam na nilalandi mo yung kaibigan ko. Ang lakas din ng loob mo no. Ang lakas ng loob mo na paikutin ako lokohin at paasahin"
"How dare you? Wala akong maintindihan sa mga sinabi mo, Jeoffrey ayokong makipagtalo sayo dahil nagsasawa na ako." maya-maya ay hininto niya yung kotse sa kalagitnaan ng ulan.
"Pinagloloko mo ba ako? kung si Tristan naibilang mo na sa mga naloko mo pwes ako hindi." nakaramdam ako ng kaba sa mga titig niya sa akin para bang ang nakilala kong Jeoffrey noon ay mas lumalala pa ngayon. At mas lalo akong natakot ng pwersahan niyang hinwakan ang kamay ko at inilapit niya sa akin ang katawan niya.
"Teka Jeoffrey ano ba? Anong ginagawa mo. Nasasaktan ako. Ano ba di na ako natutuwa."
"Di pumasok sa isip ko na gagawin mo sa akin to. But you gave me no chance" napasigaw na ako ng inilapat niya ang labi niya sa labi ko. Mapangahas, dama ko ang pwersa sa ginagawa niya. Galit? Galit nga ba yun, iyon ang di ko tiyak. Nagpupumiglas ako.
Di ko lubos maisip na kaya niyang gawin sa akin iyon. Ipinagpipilitan niya ang kanyang sarili sa akin. Hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na maitulak ko siya ng buong lakas ko. Napaigtad siya sa bintanang nasa likuran niya. Ako naman ay dali-daling tinanggal ang seatbelt at lumabas ng kotse. Di ko na pinansin ang malakas na pag patak ng ulan sa akin. Ang nais ko lang mangyari ay lumayo sa lugar na iyon. Dahil alam ko hindi na iyon ang Jeoffrey na nakilala ko mas higit pa siya dun. Bale wala na sa akin ang lamig na dulot ng ulan.
Kahit wala akong makita ay nagpatuloy ako sa pagtakbo, umiiyak naghahanap ng pag asa na sana panaginip lang ang lahat. Wala akong makitang sasakyan na dumadaan unti unti na din nawawala ang aking pagasa. Hanggang sa naabutan niya ako hinatak niya ako palapit sa kaniya. Muli akong nagpumiglas sa abot ng makakaya ko na naging dahilan para kami ay tumumba at mahiga ako sa gitna ng kalsada.
Humahagulgol na ako. Ayokong sa ganitong paraan mawawala ang pag ka birhen ko. Nakaupo siya sa akin habang ako'y nakahiga at basang basa na kami pareho ng ulan. Pinatong niya ang sarili sa akin. At muli kong nakita ang mga mata na yun. Ang mga mata ng galit. Ano kaya ang nangyare sa kanya at bakit sya galit na galit?
Ang matapang kong pagkatao ay biglang naglaho. Nakahawak siya ng isang bato at akmang ihahampas niya sa akin. Nakita ko ang pwersa na ibinigay niya sa bato para ihampas sa akin.
"Huwaaaaaaaaag!"
Napasigaw na lang ako sa kaba at takot. At tinakpan ang mukha ko ng dalawa kong kamay. Ito na ba ang katapusan ko? Bakit siya pa. Bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon. Ako ba ang may kasalanan ng lahat.
Hanggang sa wala pa din akong naramdaman na kahit anong sakit. Inalis ko ang kamay ko at tinignan siya. Ang batong hawak hawak niya ngayon ay dahan-dahan ng bumababa. Saka lang ako nakahinga ng maayos. At humagulgol ng malakas kasabay ng sunod-sunod na kulog.
"Sorry! Maxene sorry"
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Para akong bata na di kayang patahanin ng isang ina.
"Shhhhh Wag ka ng umiyak please. Tahan na I'm sorry" pero mas lalong pinalakas nito ang pag iyak ko.
"Patawad Maxene, di ko na gagawin iyon pangako." Hinalikan niya ang noo ko at patuloy sa pag hingi ng sorry. Ang kaninang takot na naramdaman ko ay para bang biglang napalitan ng isang pag-aalala, ng comfort na mula sa taong nagdulot ng takot sa akin kanina. Ewan ko biglaang nagbago ang lahat. Naging mahinahon na din siya sa kanyang pagsasalita.
Saksi ang ulan sa naganap kanina. Hindi namin pareho maipaliwanag kung bakit nag kaganun kanina, basta nangyare na lang ng hindi inaasahan.
______________________________
Namamaga pa din ang aking mga mata sa pag-iyak habang nakatalukbong sa akin ang kaniyang Long sleeve na nakalagay sa kotse. Isinuot niya ito sa akin at siguro bilang isang babae naabot ko na ang kahinaan ko kaya di na ako pumalag pa. Nasa loob na kami ng sasakyan. May naka stock siyang mga damit kaya nakapagpalit siya at ibinigay nga niya sa akin ang isa. Pinatay din niya ang aircon ng sasakyan. Unti unti na din tumitila ang ulan.
"Maxene, sana mapatawad mo ako. Nagseselos lang ako kay Tristan dahil mas pinapansin mo siya kaysa sa akin. Alam ko di madali sayo ito pero kahit matagal maghihintay ako sa kapatawaran mo." patuloy niyang pag mamaka awa sa akin. Pero nawala na siguro ako ng lakas para makipag bangayan at ang mga sinabi niya ang muling dahilan para bumagsak na naman ang mga luha ko, nakasandal pa din ako sa bintana at nakatingin sa labas. Habang suot at yakap ang damit na nagbibigay sa akin ng pansamantalang init.
"Uuwi na ako" yun lang ang nasabi ko. At umalis na kami sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan nagpabago ng lahat.
________________________________
Pagkatapos ng mga pangyayare na iyon sa buhay namin. Madami na ang nagtataka kung bakit palagi na akong sinusuyo ni Joeffrey. Pero nung una naiilang na ako sa kanya. Wala akong pinag sabihan kahit isa tungkol sa nangyare sa amin ng araw na iyon. Gustuhin ko man na magalit sa kanya, di ko alam kung bakit di ko magawa. Gusto ko siyang kasuklaman pero iba na ang ipinapakita niya sa akin. Ibang iba na di na siya katulad noon, mahilig na siyang ngumiti. Di ko na din siya nakikitang nakikipag harutan sa iba, kung meron man na lalapit sa kaniya di na niya ito masyado binibigyan ng pansin. Para bang ang nangyare ay sa akin na nakatuon ngayon ang lahat ng kaniyang atensyon. Ang naiisip ko lang, siguro sinusuyo niya ako dahil sa nangyare.
BINABASA MO ANG
My Insane Lover (One Shot)
Genç KurguMinsan ang pagibig bigla mo na lang mararamdaman sa isang tao na hindi mo naman inaasahan. Isang pakiramdam na bigla na lang susulpot. Ang mahirap lang ay kung hindi mo ito matanggap kaya minsan nakakagawa tayo ng isang masamang bagay para patunayan...