Prologue

966 29 7
                                    

Prologue 

"Wanixdam! (Fuck you!)" Galit na sinabi ni Agent X94 sa kanyang kausap na taga kanyang planeta rin. Nag-uusap sila gamit ang salitang "Wakura" ang salitang ginagamit sa planetang Watport, ang planetang kung saan nanggaling si Agent X94.

"Nian to?! (What did you say to me?!)" Hindi niya pinansin kung anong tinanong ng kanyang kausap mula sa kabilang linya dahil sa inis niya dito. Naiisip niyang sana hindi nalang niya sinagot ang tawag ng kanyang kalahi mula sa kanilang planeta. 

Nakaramdam siya ng kung ano man sa kanyang likod kaya agad siyang humarap dito. Nakita niya ang kaibigan na si Xavier na tawa ng tawa. Naisip na lang ni Agent X94 na baka naweiweirduhan nanaman sa kanya ang kaibigan, kaya ganito ito kung makatawa. 

"Zentradi! (I need to go, I'll talk to you next time!)" Agad niyang ibinaba ang tawag. 

"Problema mo?" sambit niya sa kanyang kaibigan na si Xavier.

Patuloy pa rin sa pag-tawa ang kaibigan. "Tol, ano nanaman nahits mo at ganyan ka nanaman mag-salita." 

Tumingin siya sa kanyang cellphone at ngumiti. "Weeds lang, tol. Gusto mo?" 

Tinapik siya ni Xavier. "Gara mo, tol. Ano nga yan pinagsasabi mo sa kausap mo? Para naman 'tong others."

Nag-isip siya kung anong bansa ba ang kanyang pwedeng sabihin para maging palusot sa kaibigan. "Italian yun, Xavier. Taga Italy kasi tatay ko diba?" Hinihiling nalang niya na maniwala ang kanyang kaibigan kahit hindi naman talaga kapani-paniwala ang sinabi nito.

"Ah! Turuan mo nga ko mag-salita ng Italian minsan." Napakauto-uto naman nito, naniniwala talaga siya sa sinabi ko? Agent x94 thought.  Mag-sasalita na sana siya ulit kaso biglang may sinabi si Xavier.

"Sht. Kita mo yun?!?! Sht! Yung kotse mabilis umaandar pero walang driver! Son of a bitch! Ang lupit!" Maligalig na sinabi ni Xavier. Lalo itong namangha ng pumarada sa kanilang harapan ang nasabing sasakyan at bumukas ang pinto mag-isa. "Woah, that was cool." sambit muli nito.

Tumingin si Xavier kay Agent x94. "Tol, alam kong may naimbento ng mga sasakyan na kayang umandar na walang nag-dridrive pero hindi naman ganyan kabilis at katindi." Tinapik lang niya ang kaibigan at ngumiti.

Nag-lakad siya palapit sa sasakyan at sumakay.

"Tol, sa'yo to?!" Tanong ni Xavier.

Tumango siya at sumakay. "Tara, sakay!" Agad sumakay si Xavier. Sobra ang pag-tataka nito dahil halatang ang kanilang kotseng sinasakyan ay hindi pa nalalabas sa kahit anong bansa. Naisip nalang niya na baka sa sobrang yaman nila Agent x94 kaya nakapag-pagawa ng ganitong uri ng sasakyan.

"San tayo punta, pre?" Namamangha pa rin si Xavier sa kanilang sinasakyan. Hindi sumagot si Agent x94 at may pinindot na button upang makalipad ang kotseng sinasakyan nila.

Walang nasabi si Xavier kundi napanganga nalang dahil sa kanyang nakikita.

DINALA nya si Xavier sa Watport at kapag balik nila sa planet earth walang kaalam alam 'to sa lahat na nangyari.

"Haba ng tulog ko, tol. Ano nangyari?" Tanong ni Xavier.

"Di ko alam, tumawag lang sa'kin si Keeno para ipasundo ka. Lasing na lasing ka e." Tinawanan  niya ito.

"Seryoso?" Lagot ako nito sa nanay ko. Xavier thought.  

Walang kaalam-alam si Xavier na nakapunta na pala siya sa ibang planeta na napakalayo sa Earth. Bago sila umuwi ng Earth, inalis muna ni Agent x94 ang alaala ng kaibigan tungkol sa mga nasaksikhan nito sa kanilang planeta kaya naman mistulang nag ka-amnesia si Xavier. 

--------------------------

Agent X94Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon