Chapter 7 | Welcome to Jigoku

105 5 1
                                    

NANDITO pa din kami sa bahay ni Charlotte sa Grove Woods. Binalaan ko siya na hinding hindi kami aalis ni Fawn sa bahay niya hanggat hindi niya sinasabi kung sino nga ba talaga siya at dahil nga matigas si Charlotte, tatlong araw na kaming namamalagi sa pamamahay niya. Nahahalata ko rin na sobrang nag-iingat siya sa mga kinikilos niya kasi nga nandito kami. Kahit naman nakakatatlong araw na kami dito ni Fawn, hindi pa din ako nakakaramdam ng kahit anong pagkabagot siguro dahil na din masaya akong kasama si Charlotte. Speaking of Charlotte, kanina pa siya nababaliw mag-isa sa kwarto niya.

"Nicholas." Pag tawag sakin ni Fawn habang ngumunguya siya ng ubas.

"Oh?"

"Ano ba ginagawa ni Charlotte dun? Silipin kaya natin?"

"Hindi ko din alam."

"Hindi kaya gumagawa siya ng ritual? Hindi kaya isa siyang mangkukulam?"

Natawa ako sa sinabi ni Fawn. Si Charlotte, mangkukulam? Hindi naman siguro.  "Tara, tignan natin kung anong ginagawa niya." Agad naman lumipad si Fawn papuntang balikat ko.

Dahan dahan kong binubuksan ang pinto ng kwarto ni Charlotte.

"Fawn, ikaw nalang kaya muna pumasok?" Bulong ko sa kanya.

Sumimangot si Fawn at umupo sa balikat ko. "Sabay na tayo, mag-invisible ka kaya."

Nginitian ko si Fawn. "Oo nga noh! Ba't hindi ko naisip yan?" Walang pag-alinlangan agad kong ginawang invisible ang sarili ko at pumasok agad agad sa kwarto ni Charlotte.

What the fuck? Sabi ko sa sarili ko at nag-tawanan nalang kami ni Fawn. Tama nga ako na hindi gumagawa ng ritual dito si Charlotte sa kwarto niya, ang ginagawa niya kumakanta at sumasayaw. Parang baliw lang.

"Don't act like it's a bad thing to fall in love with me..." Pag-sabay niya sa tugtog. Hindi ko alam kung anong kanta to dahil wala naman akong hilig sa ganyan. Dahil na nga din invisible ako ngayon, pinatay ko yung radio.

Nagulat si Charlotte sa nangyari at napatingin sa pintuan. "Kulas, alam kong ikaw ang dahilan ng kababalaghan na 'to. Labas na dyan." Inis niyang sinabi.

I quickly turned the invisible mode off.

"What's up?" Pang-aasar ko sa kanya. Si Fawn naman tinatawanan siya kaya lalong nainis si Charlotte.

"Panira kayo!"

Tinawanan ko siya. "Pasensya na, akala kasi ni Fawn gumagawa ka ng ritual. Akala niya mangkukulam."

Tinignan ng masama ni Charlotte si Fawn. "Mangkukulam talaga, ha?"

Umupo ako sa kama ni Charlotte. Tinarayan naman niya ako. "Paupo lang e."

"Bakit kasi hindi pa kayo umalis na dalawa dito sa bahay ko? Wala naman kayong makukuha sa'kin."

"You know what, ang unfair mo." Seryoso kong pag-kasabi.

"At saan naman nang-gagaling yan pinagsasabi mo?"

"Sinabi ko sa'yo kung sino ako, ikaw hindi mo magawa ipagtapat sa'kin kung sino ka. Alam mo naman na kailangan kita para sa mission ko."

"That is the exact reason kung bakit hindi ko sinasabi sa'yo kung sino ako. I don't want to get involve with your so called mission."

"Why not?"

"Because I have my own duty."

Tumayo ako at nilapitan siya. "Pwede tayong mag-tulungan!"

Hindi siya sumagot, nakipagtitigan lang siya sa'kin. Hindi ko alam kung binabasa ba niya ang isip ko ngayon pero sana kung ganun nga, sana malaman niya na mapagkakatiwalaan din ako.  Biglaan naman kami nakaramdam ng yabag, hindi 'to basta basta yabag lang.

"Ano yun?" Kabado kong tanong.

"Ang mga nagato lang ang nakakagawa ng yabag na yan!" Halata ang pag-panic sa boses niya.

Hinawakan ko si Charlotte sa kanan niyang kamay.

"Anong gagawin mo?"

"Mag-iinvisible tayo!"

Kumalas siya sa'kin.  "Hindi kailangan." Pumalakpak siya ng anim na beses. Nagkatitigan nalang kami ni Fawn sa ginawa niya. At dahil dito nakarinig nanaman kami ng isang malaking huni at bigla din bumukas ang bubong ng bahay ni Charlotte.

"Putangina." Napamura ako sa nakikita ko ngayon. Bumalaga ang isang malaking dragon pagkabukas ng bubong ng bahay.

Hinala ako ni Charlotte paakyat para puntahan yung dragon. Sa bilis nang pangyayari hindi ko namalayan na nakaangkas na pala kami sa dragon na nakita namin kanina at nililipad na niya kami.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Charlotte.

"Ayos lang ako." Matamlay kong sagot. Pinagmasdan ko lang ang dragon ng mabuti. Hindi ako makapaniwala na nag-eexist pa din pala sila sa Earth.

Sinitsitan ako ni Fawn na nasa balikat ko pa din pala hanggang ngayon. "Tignan mo yung nasa batok niya." Bulong nito.

Isang kakaibang apoy na tattoo ang nakalagay sa batok ni Charlotte. Tamang tama, magagamit ko 'to sa pagtuklas kung sino nga siya.

"Kumapit kang mabuti." Ginawa ko ang sinabi ni Charlotte.

Mabilis na lumipad pababa 'tong dragon na inaangkasan namin. Hindi na din ako natakot sa bilis nitong lumipad dahil sanay na naman ako sa ganito. Sa planeta naming, madalas din akong umaangkas sa mga dragon pero syempre mag-kaiba ang dragon namin sa dragon na nandito sa planetang Earth.

Ibinaba kami ng dragon sa isang kapatagan.

"Salamat sa pag-ligtas samin, Kauru." Nginitian ni Charlote ang dragon, lumuhod naman ito bilang sagot sa kanya at lumipad na paalis.

"Kauru?" Tanong ko sa kanya.

"Pangalan niya yun." Nag-lakad na siya at sumunod nalang kami ni Fawn.

"Nasan ba tayo?"

Huminto siya sa pag-lalakad at humarap sa'min. "Welcome to Jigoku."

"Jiguku?"

Ngumisi siya at sumagot. "Hell."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Agent X94Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon