Chapter 1 | THAT ONE SIN

666 21 4
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ah." Malamig na tanong niya sa babaeng mag-isa sa gubat na kanyang kinaroroonan.

Tinignan siya nito. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Napailing nanaman siya, dahil alam naman niya sa sarili na walang dapat makaalam kung ba't nga ba siya naroon.

"Mahangin dito." Malamig pa rin niyang sinabi.

"Hindi ka dapat nandito." Nag-taka naman ito sa sinabi ng babae. Ba't bawal siya sa gubat na 'to samantalang halos gabi-gabi siya pumupunta dito. "Hindi ka pwede dito."

Tinawanan niya ang babaeng kausap. "Talaga? Sa'yo ba 'to? May titulo ka ng lupang 'to?" Nilapitan niya ang babae at tinignan naman siya nito ng masama.

"Binalaan na kita."

"Hindi ako natatakot, ano ba kasi meron dito? Ba't hindi mo magawang sabihin sa'kin?" Nilapit niya ang kanyang mukha sa babae, ngayon halos sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. 

Nakatingin lang siya ng mabuti sa babae, ganon din naman ang ginagawa ng isa.  Bigla naman siyang nakaramdam ng lamig kahit walang hangin, ang kanyang balahibo sa braso ay biglang nag sitaasan. Kinabahan siya bigla. 

Tila ba nag-uusap silang dalawa sa pamamagitan ng mata. 

"Sinabi ko kasi sa'yo umalis ka na dito." Sambit ng babae.

"Wala kang kasama, pano ka?" Natakot siya para sa dalaga dahil alam niyang madaming loko lokong dumadaan dito lalo na tuwing gabi. 

"Kaya ko sarili ko." Sasagot na sana siya pero tinakpan bigla ng dalaga ang kanyang bibig. Nararamdaman niyang may kakaibang nangyayari sa likod niya. " 'Wag kang mag-sasalita at lilingon kahit anong mangyari."  Putangina, ano ba nangyayari? Agent x94 thought. 

Makalipas ang ilan sandali tinanggal na ng dalaga ang kanyang kamay sa bibig ni Agent x94. "Tara na." Pag-aaya nito.

"Hindi pwede." Tinignan siya ng dalaga na may halong pag-tataka. Ba't nga ba niya gugustuhin mag-isa dito sa gubat kung pwede naman siyang pumunta sa ibang lugar. "Ano? Hindi pwede nga!" Inis nitong sinabi.

Hinawakan ng dalaga ang kanyang dalawang kamay. Laking gulat nalang niya dahil sa isang iglap nasa isang maliit na bahay na sila.

Inunahan na siya mag-salita ng dalaga. 

"Ba't ang bigat mo? Tao ka ba?" Napalunok siya dahil sa sinabi nito.  "Hindi ka naman mataba pero ang bigat mo. Tao ka ba?!" Sabi ng dalaga habang tinututok ang kutsilyo sa kanya. Alam niya sa sarili na kahit anong mangyari dapat maging mahinahon siya dahil kapag hindi mababaliwala ang lahat ng pinaghirapan niya sa pananatili sa earth.

Tinawanan niya ito bilang depensa sa paratang. "Alam mo ang weird mo, syempre tao ako. Ikaw, tao ka ba?" Ibinalik niya ang tanong sa dalaga. Nag-tataka na rin siya kung bakit kakaiba ang asta nito. 

Ibinaba ng dalaga sa lamesa ang kutsilyong kanyang hawak at umupo. "Tao ako pero iba ako sa kanila."

"Panong iba?"

"Hindi ka ba naweiweirduhan sa kilos ko?" Umiling ito kahit ang totoo ay naweiweirduhan nga siya sa kilos ng babae. 

"Sinungaling." 

"Mag-tatanong ka tapos hindi ka naniniwala."

"Just so you know, I can read people's mind." Nag-taka siya sa sinabi ng babae, dahil alam naman niya sa kanyang sarili na hindi siya tao.

"Ah." Tumango siya. "Ano ka ba? Ba't ka ganyan?" Umupo na din siya sa kabilang upuan na nasa harap lang ng dalaga. 

"Makulit ka ba? Para kang sirang plaka, tao nga ako." Inis nitong sagot.

"Eh bakit kasi ganyan ka?"

"Wala kang pakialam."

Tinignan niya ang kanyang cellphone upang alamin kung anong oras na. Mag aala una na ng madaling araw ang nakalagay sa cellphone niya. Iniisip ba niya kung uuwi na ba siya pero sa hindi niya maintindihan na kung ano tila bang parang may nag-sasabi sa kanya na 'wag niyang iwanan ang babae mag-isa dito.

"Di ka pa uuwi?" Tanong niya dito.

"Paano ako uuwi kung nandito na ako sa bahay ko?" Pamimilisopo nito.

Hindi na siya ulit nag-salita. 

Sa halos tatlong oras na nag-stay siya sa bahay ng dalaga, wala siya ginawa kundi mag-tanong. Ang dalaga naman ay ilag sa ibang tanong niya. 

"Wala ka pang balak umalis?"

"Pinapaalis mo na kaagad ako?"

"Kaagad? Kanina ka pa nandito."

"Sabi ko nga." Tumayo na siya mula sa kinauupuan. "Alis na ako." Bago pa naman siya makalakad, hinawakan ng babae ang kanyang kanan kamay. "Bakit?"

"Umupo ka nga muna, ako naman mag-tatanong." Ginawa niya ang sinabi ng babae.

Nag tanong tanong ang dalaga tungkol sa kanya at hindi niya alam kung bakit pero kahit na ngayon palang sila nagkakilala tila bang parang napakagaan ng loob niya dito. 

"So, hindi ka nga tao?" 

"Tao nga ako." Tinawanan niya ang babae.

Binatukan siya nito. "Sabi sa'yo kaya ko mag-basa ng pag-iisip tapos ako pa lolokohin mo." 

"Oo na, hindi ako tao. Galing ako sa Watport." Hindi niya alam kung bakit niya sinabi 'to pero wala siyang naramdaman na takot sa babaeng 'to na kahit sabihin niya kung sino siya, panatag pa rin ang kanyang kalooban.  

Ngumisi ang babae. "Sabi ko na eh."

Hindi nag-tagal naging kumportable ang dalawa sa isa't isa. Masaya silang nag-uusap tungkol sa kani-kanilang tao pero nililimitahin pa rin niya ang pag-bigay ng inpormasyon sa babae dahil na rin sa pag-iingat.

"Ano nga pala ang tatawag ko sa'yo?" Tanong ng babae. 

Napaisip 'to kung ibibigay ba niya ang kanyang pangalan.

"Ano pangalan mo, uy." Sabi ulit nito.

"Secret." Nginitian niya ang dalaga.

"Okay, alam ko na ang tatawag sa'yo.. Hindi tao."

Natawa siya dahil nacornyhan siya sa itatawag ng babae sa kanya. "Okay, tawag ko naman sa'yo ay tao."

      Tao at hindi tao.  Napakaunique ng tawag namin sa isa't isa. Sobra. Agent x94 thought. 

Hindi nga siya nangamba sa pag-sabi ng kanyang tunay na pagkatao sa isang tao pero nangamba siya dahil alam niyang nakagawa siya ng kasalanan sa mga kanyang kapwa taga Planet Watport. 

        Agent x94 committed a sin. THAT ONE SIN. That one sin that could destroy all.

----------------------------

Agent X94Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon