Chapter 6 | That Fuckin Drug

198 9 1
                                    

Ilang araw ng balisa si Charlotte, tuwing tinatanong ko naman siya lagi lang niya akong sinusungitan. Di kaya meron lang siya? Alam mo na. Tuwing susunduin ko siya sa klase niya kapag magkaiba kami ng class, parang ayaw niya ako makasama. Napakagulo talaga ng babaeng yun, lakas ng topak. Kung ano ano nasa isip ko nang biglang dumating na ang hinihintay ko.

"Nicholas!" Tuwang tuwang bati sa'kin ni Fawn. Si Fawn isa siyang moon fairy. Simula ng ipinadala ako ni Pierre dito sa mundo ng mga tao, kilala ko na siya. Dahil siguro pareho kaming taga otherworld kaya madali kami naging mag-kaibigan. 

"Fawn!" Nakangiti kong tawag sa kanya at nakipag apir ako.

"Tatawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Eto talaga si Fawn, napakamatampuhin. Oh well, karamihan kasi ng mga fairies na kilala ko napakamatampuhin. 

"Uy, di ah! Lagi kaya kitang inaalala." Sabay tumawa ako.

"Ano ba kasi kailangan mo?" Nakangiting tanong ni Fawn.

"Nakikita mo yan bahay na yan?" Sabi ko habang nakaturo sa bahay ni Charlotte. "Can you do me a favor?" Fawn nodded. "Pwede bang magpalindol ka? Pero dyan lang sa bahay na yan."

Ang mga katulad ni Fawn na moon fairy ay kayang gumawa ng earthquakes, tsunamis, tornardos and hurricanes. Minsan din sila ang nagiging dahilan kung ba't mas napapaaga ang pag-gagabi dito sa mundo ng mga tao.

Ilan sandali pagtapos kong utusan si Fawn, kita kong lumabas si Charlotte pero ang ikinagulat ko ay nung mabilis siyang nakalabas sa bahay niya. Seriously? How can she do that? May kakaiba talaga dito kay Charlotte at kailangan kong malaman yun sa lalong madaling panahon.  

Buti kamo, bago pa siya nakalabas ng bahay e naka invisible na ako. Imposible naman makita niya si Fawn. 

Nag-katitigan kami ni Fawn.

"Tao yun?" Tanong niya sakin.

"Sabi niya."

"Parang hindi."

"Kaya nga eh." 

Dineactivate ko na ang pagkainvisible ko at tinawag si Charlotte. Gulat na gulat naman si Charlotte nung tinawag ko siya. Nag-teleport na din ako sa harap niya.

"Bilis mo ah." Seryoso kong sinabi sa kanya. Si Fawn naman nandito lang sa tabi ko.

"Naramdaman mo yun?" Tanong niya.

"Alin?" Kunwari wala akong alam.

"Lumindol! Sobrang lakas kaya. Ano ba yun?"

"Hindi naman lumindol."

Tumingin siya sa bahay niya. Kita niyang walang damage 'to. "Ewan, lumindol talaga e. Ba't ka nga pala nandito?"

"Wala lang. Lagi naman ako nandito diba?" 

"K." Sungit diba? Papasok na siya sana sa bahay niya kaso hinarang ko kaagad sya. Ha, baka akala niya siya lang mabilis tumakbo. "Problema mo?"

"Umamin ka nga sa'kin, tao ka ba o hindi?"

"Mortal ako. Tao. Human. Ano ba ba't ayaw mo maniwala?"

 "Eh ba't parang hindi ka tao kumilos?"

Tinignan niya ako ng masama. "Ikaw nga hindi tao pero hindi ko pinaghihinilaan yang kilos mo."

Agent X94Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon