Letter 14

2 1 0
                                    

February 20, 20xx

Hello Sinta. Happy Tuesday! Pasensya na ha? Hindi ako nakapagsulat sayo nitong mga nakaraang araw. May outreach kasi at sobrang naaaliw nanaman ako ng mga bata. Ung mga ngiti nilang sobrang carefree nakakadala sinta. Namigay kami ng mga tsinelas, bigas at iba pang pagkain. Sinta, ikaw kamusta ka? Kahit anong ikukuwento mo game ako dyan! Kumain ka na ba? Mamaya pa ang clase kong hapon e. May mga nakaligtaan akong lessons kaya makikisabay ako sa pang hapon at panggabing klase ni Mam Pearl e. Uh, makikita kaya kita? Daan ka sa library ha? Hehehe Te quiro!

--- moonlight

UNSENT LETTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon