Ina

4 0 0
                                    

Pinagmamasdan ka habang kalong-kalung ka
Maliliit na kamay humahaplos sakanyang pisngi
Walang kapantay na kasiyahan ang hatid
Ng isang batang paslit

Bawat punong lumalago
Kasabay ng iyong pagtakbo
Inang naghahabol
Tawa nyang walang kasing labis

Paglalayag ng kanyang anak
Hindi na mapipigilan kailan man
Ngiti ng isang inang naghirap
Sa pagpapalaki ng kanyang anak

Bawat araw na lumilipas
Ngayon natuto na ako sa tamang pagsintas
Kulay pilak na ang buhok ni Inay
Nakangati parin habang ako'y sinusuklayan

Natapos na ang kanyang sakripisyo
Sa bawat apak ng aking paa sa paaralan
Isang inang lumuluha
Sa wakas, ako'y nakapagtapos na

Sa bawat oras na umiindak
Ang aking puso ay nawasak
Isang mainit na yakap
Sa akin nagpapatahan

Sa bawat bilang ng aking kasiyahan
Kasama ang aking Inang pumapalakpak
Kasama sa pagbuka ng aking pakpak
Pagibig ni Inang, isang katutak.

Snowflakesskittle // Happy Mothers Day, Ma! This poem for ya, pa eliminate nung brokenhearted chuhu, bc I never experience that hahaha. Mahal po kita :")

UNPOETICAL ANTIDOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon