Tahimik man sa gilid
Siyang nagmamasidmasid din
Bawat paglayag ng iyong bangka
Siya'y palaging nakaalalayHindi man niya ipakita
Siya'y tunay na ika'y pinagmamalaki
May tropeyo man o wala
Ikaw ang unang nyang kayamananAng Amang walang tigil ang serbisyo
Minsan nagkakasakit kahit walang bisyo
Mapakain lamang ang mga anak
Isasantabi na lang ang alakKailan man hindi mamumuntawi ang pagod
Kahit ang katawan na ay uugod ugod
Nakangiti pa rin sasalubong saiyo
Kay dami mang naitaloMga bagay bagay na kanyang iniisip
Nawawala kapag tiningnan ang iyong silid
Mahimbing na natutulog
Napakalaking kayamananKaya heto ako Itay
Nabibingi sa palakpakan
Nasisilaw sa mga liwanag
Liwanag ng kasiyahanPara sainyo ito ni inay
Sa lahat ng sakripisyong inyong inilantay
Ang kayamanan ng inyong pagmamahal
Naririto na't kayo naman ang pagaalayan
BINABASA MO ANG
UNPOETICAL ANTIDOTE
PoetryWelcome peeps, to my not so cool reverbarating choice of words.