Mahika

2 0 0
                                    


Sa bawat araw na dumadaan
Walang ibang nais hilingin kundi ikaw
Sa posteng kumikislap ang ilaw
Kasabay ng pikit ng aking mga mata

Sa bawat taong dumadaan
Ibat ibang karakter ang lulan
Sa mundong nais kong takasan
Mga nais sabihing hindi malakasan

Sa bawat hangin na dumadampi
Iisa lamang ang aking kakampi
Namumuhay sa iisang pantasya
Sa walang katapusang pagasa

Sa bawat patak ng ulan na bumabagsak
Sa aking kalamnan ang puso'y winawasak
Sa mahikang walang kasiguraduhan
Walang katapusang kaparusahan

UNPOETICAL ANTIDOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon