CHAPTER VII

4.8K 215 16
                                    




NATIGILAN SI James nang maramdaman ang labi ni Dina. Halos hindi siya nakaimik at nang bumitiw ang babae ay tumingin lang ito sa blangko niyang mukha sa walang imik na bumalik na sa loob.

Hindi alam ni Dina kung ano ang gagawin dahil hindi man lang natinag ang lalaki sa halik niyang iyon. Kaya bago pa siya mapahiya ng lubusan ay mabilis siyang bumalik sa loob. Mukhang mali ang aksyon na ginawa. Talagang hindi na yata siya maaalala nito.

Nang makabalik sa loob ng ospital ay hindi niya maiwasang mapaluha. Ganoon ba sila kadaling makalimutan nito at maging ang mga halik na pinagsaluhan nito ay hindi nito maalala.

Naiwang natitigilan ni James. Sa totoo lang ay talagang tinablan siya sa halik na iyon ni Dina. Hindi niya malaman pero kakaiba ang naramdaman niya ng maglapat ang labi nila. Gustong-gusto niya itong yapusin pero pinipigilan siya ng utak at sinisiksik doon na asawa ito ng kakambal.

Hindi niya gusto ang ideya na magugustuhan niya ang babaeng asawa ng kakambal kahit pa wala na ito. Habang nakatanaw sa papalayong babae ay hindi niya mapigilang mapabuntong hininga. Hindi niya aakalaing makakarating siya sa puntong iyon ng buhay niya.

He felt something towards Dina pero pinipigilan ng isip dahil hindi tama. Napalunok na lamang siya saka umalis na. He needs to report sa opisina nila dahil siya na ang hahawak sa trabahong iniwan noon ng kakambal na si Jacob.

Lulan ng kaniyang sasakyan ay hindi niya maiwasang alalahanin ang mga sandaling kasama ang kakambal. When they we're kids, people keep looking sa mga bagay na pagkakaiba nila. They really look alike. Sometimes it was an advantage to him but more likely its a disadvantage after all. People always comparing them that instead of looking on the positive side. They looked at the negative and that makes there bond vanish as days goes by. He started feeling strange. May mga panahong nakikita niya ang inggit sa mata ng kapatid. May galit na hindi niya mawari.


Sa alalahaning iyon ay hindi niya namalayang lumuluha na pala siya. Hanggang sa biglang tila kumudlit sa kaniyang isipan.
.
.
.
.
.
"You're drunk! Whats your problem?" Ani ni Jacob sa kaniya. Nainis kasi siya sa kakambal dahil tila ba mas malapit ito kay Veronica. Jacob knows that he like Veronica pero kung umasta ang kakambal ay binabakuran nito ang babae.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Alam mong gusto ko si Veronica pero lagi kang naririyan? Well, mas matalino ka nga naman, basagulero lang. Babaero pa! Bakit hindi mo na lang siya ibalato sa akin?" Galit na tinig niya.

Nakita niyang tumingin lamang sa kaniya ang kakambal. Sa totoo lang ay ayos na sana dahil mula ng naging basagulero ito at bulakbol ay napansin na rin siya ng magulang. Naging malapit na rin sila ni Veronica. Tingin pa nga niya ay tila nagkakagusto na rin sa kaniya ang babae pero biglang may mabuting hangin na nasagap ang kapatid at bigla ay bumait ito at inaayos ang buhay.

"Best friend ko si Veronica, anong mali doon. Of course magkasama kami.." giit ni Jacob.

Ngumiti si James sa kakambal. "Mahirap kasi sa'yo, insensitive ka. Alam mo bang patay na patay sa'yo si Veronica pero hindi mo siya nilalayuan." Lasing na turan ni James. Iniwan na lamang ni James ang kambal at hinanap ang kaibigang si Drew upang maihatid na siya pauwi nito.

Si Jacob naman ay wala nang nagawa kundi ang uminom na lamang din kesa maipagmatigasan sa kakambal. Imbes na matuwa ito sa pagbabago sa kaniya ay tila ba naging mitsa pa ito ng muling sagupaan nila. Nasaan na ang samahan nila five years ago.

Mas lalong nainis si James ng hindi mahagilap ang kaibigang si Drew at nalaman na lamang sa isang kaibigan na umalis daw ito kasama ang isang babae. Napailing na lamang si James. Kailangan na yata niyang magtaxi pauwi. Nasa talyer kasi ang sasakyan niya at sinundo lang siya ng kaibigan.

A TWIN's SECRET(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon