Devielle's Journal: Prologue

40 8 3
                                    

“Good Morning po Titang Librarian.” Bati ko sa babaeng poker face na naman. Ganun ba talaga paglibrarian? Masyadong seryoso.

“...” Tinignan niya lang ako saglit tsaka kinuha ang listahan niya. May hinanap siya roon. Pangalan ko ata. May hiniram kasi akong mga libro eh kailangan ko ng ibalik.

“A journal of Life and Death; Demian—The story of Emil Sinclair’s Youth.”

Napakagat ako sa labi.

“Ah eh Tita hindi ko po nadala, hayaan niyo bukas isasauli ko na, hehe.” Kinakabahan kong tugon, tapos ngumiti ng bongga.

Bakit pala Titang Librarian ang tawag ko sakanya? Pinsan kasi siya ng mama ko kaya Tita ko siya. Pero hindi sila close ganun din kame, pero heto nagf-feeling close ako.

Marami ka ng libro na hiniram sa Library na hindi mo sinauli hindi lang yan. Hinahayaan lang kita pero wag mong sobrahin. Responsibilidad kong ingatan ang kahit ano mang librong nandito kaya ako ang malalagot. Last warning mo na’to Devi, kung hindi mo pa isasauli ang mga hiniram mo hindi kana makakapasok sa Library.” MMK lang? Tinakot pa ako.

Well. ang dami na nga, mga sampu ata, hindi ko alam. Lagi ko kasing nakakalimutan dalhin. Minsan hindi ko na mahanap sa sobrang dami ng libro ko sa bahay. May mini library kasi ako.

“Promise po, Bukas. Hehe.” Hindi siguradong sabi ko’t napakati na lang ng ulo. May inabot siya sa akin, isang papel. Listahan siguro ‘to ng mga hiniram ko. Binilang ko naman.

“Eighteen?!” Hindi ko napigilang mapasigaw sa gulat.

shishhh!”

Natauhan naman ako. Hehe, sige po punta lang ako sa History section.”

“Magingat ka.”

Iniwan ko na siya ‘don. Tsk! Sumakit ulo ko ano bang pinagsasabi niyang magingat? Na baka iexpel ako dahil lang sa mga libro Ayt! Walang kwenta.

Habang naglalakad binasa ko yung mga nasa Listahan. “Studying Sociology, Psychopathology, Absurdism and Existentialism—”

May bumangga saakin na siyang nagpatigil saakin or so I thought, mukhang ako pala ang nakabangga. Hindi naman ako nadapa o nahulog yung gamit na dinadala ko dahil wala naman talaga akong dinala pwera sa Listahan. Tinignan ko yung babae na ngayon ay pinupulot ang nahulog niyang gamit. Tinulungan ko naman siya.

“Ah miss okay ka lang? Sorry hindi kita nakita.” Pinagmasdan ko ang itsura ng babae, kakaiba ang aura na nararamdaman ko sakanya. Nanlaki na lang yung mata ko ng ngumiti siya, yung sinister smile, nakakakilabot siya. Yung itsura niya kasi may pagkasame kay slendrina, mahaba ang buhok na itim, tapos yung mata niya pagtitigan mo baka tutunaw kana. Bigla na lang siyang tumayo tsaka nilagpasan ako. Wala man lang ni anong tugon, kahit tango lang.

“Miss—” sandali akong natigilan at napatitig sa babae. Hindi maprocess sa isipan ko, ayoko namang takutin ang sarili ko pero totoo ba ‘tong nakikita ko?

“B-bakit may pahid ng dugo ang u-uniform niya?” Utal-utal kong tanong sa sarili ko. Sa nakikita ko ngayon, hindi sariwa ang dugo, natutuyo na ito sa damit niya.

Kumurap-kurap ako tapos pagtingin ko nawala yung mantsa sa uniporme niya. Baka nag mumuni-muni lang ako dahil sa napanood kong horror movie kagabi. Oo, ganun na ata pag nagwild yung imagination mo, kung ano-ano na lang ang gugunigunihin.

Hindi ko namalayan na nasa History Section na pala ako. Bigla na lang may pumasok sa isip ko, sabi daw nila eto yung part ng library na pinagmumultuhan. May namatay kasi na estudyanteng babae dito. Bigla na lang akong kinabahan.

Sinuri ko yung paligid, malalaki at nagtataasang Bookshelf na puno ng libro tapos sa side may mesa na kung saan ka pwedeng magbasa. Sobrang laki kasi ng Library dito eh. May iba’t-ibang sections na malaki ang espasyo.

Naglakad ako tapos tinignan ko ang bawat libro na nakapatong sa bookshelf. Hindi katulad sa ibang sections wala masyadong taong pumupunta rito. Siguro nga takot sila, unang beses ko nga rin dito eh. Napaisip ako, shit! Sana mali yung iniisip ko. Yung babae kanina—

May naapakan ako—Ano ‘to? Libro? Kinuha ko naman tapos binuklat ko, nabasa ko sa pahina na isa itong Journal. Anong klaseng journal naman ‘to? Baka may nagmamayari nito o ‘di kaya part ng kung anong History.

Pagpalit ko sa sunod na pahina, ‘don ako kinilabutan ng todo. Nakasulat doon is;

DEMILEE OCAMPO
IS THE OWNER.

Pangalan ‘to ng babaeng namatay, sakanya ‘to? Nabitawan ko iyon at namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papaalis sa section na iyon.

†††

A/N: First Story ko sa Account na ‘to and I hope you’ll Enjoy it! Beware! HAHAHA!

Devielle's JournalWhere stories live. Discover now