Chapter 1: Demilee Ocampo

19 4 0
                                    

Devielle’s Point of View

Buong klase ay tahimik lang ako, ‘di makamove-on sa insidente kanina sa library. Hindi nga ako nakapagpaalam kay Tita dahil sa bilis ng takbo ko, halos madapa nga ako at matilapon sa sahig sa walang preno kong takbo para lang makalabas ‘don.

Hingal na hingal akong dumating sa classroom namin. Pagkarating ay sinalubong ako ng mga nagtatakang mukha ng mga classmate ko. Nakatungo akong naglakad papunta sa upuan ko’t tahimik na umupo. Inulan ako ng mga tanong ng kaibigan ko pero hindi ako umimik.

Nagsimula ang klase pero hindi ko magawang makinig sa Teacher namin. Usually kasi ay nakatutok ang isip ko sa mga discussions, nagtataas ng kamay at nagr-recite pero ngayon ni wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

Hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase at oras na ng recess, masyadong okupado ang isip ko. Hinablot ako ng mga kaibigan ko at nagsimula na namang magtanong ng kung ano-ano. Tahimik lang ako habang naglalakad.

Ano ba nangyari sayo Devi? Bakit hingal na hingal ka kanina?” Tanong ni phoebe na may halong kuryosidad. Siya yung kaibigan ko na sincere sa lahat ng bagay, she’s honest in everything that’s why I’m lucky to have her as one of my best friends. She’s our Vice President by the way. Hindi parin ako umimik, nakapahalumbaba at kagat- labi lang ako dahil ayaw kong magsalita.

“Oo nga, did the Zombies chased you?” Si Isabelle naman ang nagtanong saakin. Siya yung kaibigan kong may topak sa pag-iisip. Hindi naman siya baliw pero yung mga pinagsasasabi niya puro walang kwenta palagi. No offense. I can tell that she’s a joker coz she’s quite amusing.

Ano namang klaseng tanong yan Isa.” Pagmamaktol naman ni Lizzy kay Isabelle. Nagpout na lang si Isabelle at nanahimik na lang katulad ko. Ganyan talaga sila pero mamaya yan parang wala lang nangyari. Si Elizabeth kasi palaging nagkakaroon ng mood swing yan, bipolar ganun.

Teka nga Devi, kanina ka pa tahimik. Ano ba’t nangyari at nagkakaganyan ka?” She added. Humarap siya sa akin at tinignan ako ng seryoso na siyang dahilan para tumigil kame sa paglalakad. Nakataas ang kilay at nakapameywang pa.

Ano pa’t naging magkaibigan tayo kung hindi mo man lang masabi saamin kung ano ang problema.” Dismayadong saad ni Lizzy. Mas lalo akong napatungo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sinenyasan siya ni Phoebe kaya naglakad ulit kame. So ngayon walang nagiimikan Saamin and that made me feel bad.

Ewan ko ba kung bakit ganito ako kung umasta. Kaibigan ko naman sila pero bakit hindi ko masabi? It’s absurd for me to not tell my friends when their the one who willingly wants to help. But it’s nothing serious tho, nakakita lang naman ako ng journal na pagmamay-ari ng babaeng namatay. Not sure if the girl I saw back there WAS actually the girl who died.

Ako na mismo ang huminto, nagpakawala ako ng hininga at nilakasan ang loob ko. “Sorry guys, it’s just that hindi ko alam ang sasabihin ko, it’s kind’a stupid to let you know.” Malumanay kong sabi. Humarap naman sila saakin.

Devielle's JournalWhere stories live. Discover now