Chapter XVI

263 13 15
                                    

You know what charm is: a way of getting the answer 'yes' without having asked any clear question. ~ Albert Camus

Caesee Jordane ~ Karma

Mariin akong nakapikit. Hihintayin ko na lang ang pagtama sa akin ng malaking tipak ng pader. Hindi na rin naman ako makakailag, huli na ang lahat. Kasalanan ko naman eh, hindi ko napakiramdaman ng maayos ang paligid ko. Siguro ito na ang huling sandali ng buhay ko. Nakakahiya nga lang ang pagkamatay ko …

Isang undercover agent namatay dahil nabagsakan ng pader! What the heck?! Siguradong pagtatawanan ako ni JC sa dahilan ng pagkamatay ko.

Nakarinig ako ng tunog ng pagbagsak malapit sa akin. Gumuguho na marahil ang bahay. Nakakapagtaka lang, sa mga oras na ito dapat natamaan na ako ng pader, dapat nasasaktan na ako o kaya nama’y dapat patay na ako. Takteng kamatayan ‘yan! Pinaghihintay ako?! Aba makakatikim siya ng salita sa akin, makikita niya!

Pero teka …

Baka naman kaya pinaghihintay ako ni kamatayan eh para makapagpaalam ako? Hmm sige na nga, hindi ko sasayangin ang opportunity.

Goodbye Earth, Goodbye JC and Crystal, Goodbye friends, Goodbye Co-agents, Goodbye favorite actors actress and musicians. Goodbye Jamie Dornan, I really love you Mr. Grey. Goodbye wattpad authors, Goodbye readers. Wala ng susunod na chapter. This is the end of Mr and Mrs Undercover. Goodbye . . .

The end.

“Ano bang pinagsasabi mo?” Oops, did I say it out loud?

Agad akong dumilat ng marinig ko ang boses na ‘yun. Tumambad sa akin ang mukha ni Rake, he looks like he’s hurt. Nakangiwi siya at hindi maipinta ang mukha. Tinitingnan niya rin ako ng matalim. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba, ngayon ko lang napagtanto na mas nakakatakot si Rake kesa kay kamatayan. Although I didn’t get to his face kasi nga buhay pa ako. Like duhh!

“How long . . . were you going to . . . stare at me?” Pahinto-hinto niyang tanong. Nagtaka ako sa inaasta niya. Kinakagat niya ba ang dila niya kaya ganyan siya magsalita?

“A-ano bang nangyayari sa’yo?” Lakas-loob kong tanong. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa mukha niya. Nakakatakot man siya pero hindi pa rin maitatangging gwapo siya. Ang swerte ng magiging asawa ni Rakey.

Ehh? Ako nga pala ang asawa niya. Mas lalo yata akong nagiging slow ‘pag nakatitig sa mukha ni Rake. This is bad for my health.

“Hindi mo ba makita ang sitwasyon natin?” Rinig ko sa boses ni Rake ang iritasyon. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin kaya naman maagap kong binaling sa paligid ang atensyon ko para umiwas rito, sa sobrang talim kasi ng tingin ni Rake pakiramdam ko kaya na akong hiwain nito. Pamatay! Promise.

Hindi pala tuluyang nasira ang bahay pero gumawa ang pag-sabog ng matinding pinsala. Iyon ang nakakapagtaka, bakit may naganap na pagsabog at anong pinagmulan nito?

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Rake. Saka ko lang napansin na ang lapit pala ng mukha niya sa akin. Halos wala ring pagitan ang mga katawan namin, bigla ko ding naramdaman ang pagkakahapit ng kamay niya sa bewang ko. Ang isa niyang kamay ay nakatukod sa pintuang nasa likuran ko, kung saan ako nakasandal.

Pumikit at bumuntong-hininga si Rake, pagkatapos ay malumanay na nagsalita. “Pwede mo ba akong tulungan CJ?” Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nakikiusap. Ang alam ko lang nawala na ang nakakatakot niyang aura at napalitan ng gentle side which I’ve never seen before. Nakakagulat at nakakamangha.

Mr & Mrs UNDERCOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon