Chapter XVIII

260 12 41
                                    

I can't save the world, Haven, but I'll save you... even it's the last thing I do. ~ J.M Darhower

Jaycee Cellyne ~ Requin

Marahas akong tinulak sa bartolina ng mga umakay sa aking pulis. Ang balikat ko ang ipinangsalag ko ng tumama ako sa pader. Hindi naman ako gaanong nasaktan pero napamura pa rin ako sa gulat. Lintek na mga pulis, hindi man lang nagpasabi na itutulak nila ako. Willing naman ako magpa-push!

Agad akong lumayo sa marungis na pader na nasandigan ko at saka ko pinagmasdan ang loob ng bartolina. Maliit lang ang espasyo sa loob nito at napakadumi pa. Hindi naman sa nagiinarte ako pero nakakadiri talaga ang lugar na ito. Amoy kalawang pa ang buong lugar.

Kung alam ko lang na dito ako pupulutin dahil sa pakikipagbasag-ulo ko, nagpakaduwag na lang sana ako. Wala naman talaga akong balak na gumawa ng eksena, lalo na I’m supposed to keep a low profile. Pero imposible rin na hindi ako makakatawag ng pansin. Nakuha ko lang naman ang atensyon ng lahat ‘unintentionally’ dahil sa ipinamalas kong galing sa laban. Simula nga ng lumaban ako sa arena, naging puntirya ako ng kapwa ko preso.

Hindi ko alam kung anong rason nila, siguro ay naiinggit sila sa taglay kong lakas at kagandahan o kaya naman gusto lang talaga nila ako itumba. Isa ako sa mga may posibilidad na makalaya sa kulungang ito, sa palagay nga ay hindi na posibilidad iyon kundi sigurado na. Lagi kasi akong pinapasaringan ng mga pulis na konting panahon lang ang itinagal ko rito. Sabi pa nila, nakakapanghinayang daw ang ganda at kaseskihan ko.

Ano kayang nakakapanghinayang doon? Gusto din kaya nilang gumanda at sumeksi tulad ko? Mga bading pala ang mga pulis na ‘yun eh. Delikado si Ean at Zerref sa kanila.

Speaking of Ean, araw-araw na lang na ginawa ni Lord ay pinapagalitan niya ako dahil sa gulong pinapasok ko. Walang palya ‘yan promise! Napipikon na nga ako. Hindi ko naman kasalanang mapaaway. Kaya lang ako pumapatol kasi inuunahan nila ako. Minsan nga may nagbalak na sumaksak sa akin habang nagkukunwari akong tulog. Tapos nagkaroon din ng eksena sa paliguan. Ay ewan ko ba, bentang-benta ang ganda ko sa kanila.

Mabuti nga na si Ean at Zerref ang nakakahuli sa amin kapag may nangyayaring gulo. Hindi na nila kami pinapaabot sa bartolina.

Pero ngayon ay ibang kaso na. Ang nangyaring gulo sa canteen ay naging malaking riot. Hindi ko rin kasi napigilan ang sarili kong maasar at pumatol sa namatid sa akin, nag-planking lang naman ako sa sahig. Tumama pa ang mukha ko sa lapag. Sino kayang hindi maiinis doon? Ingat na ingat kaya ako sa maganda kong mukha. Kahit nga nag-aaway kami noon ni CJ, hindi ko hinahayaang mahawakan niya ang mukha ko. Medyo naiinggit din kasi ang kakambal ko sa akin, palibhasa wala siyang pretty face. Haha

Isa pang dahilan kaya ako lumaban ay para patunayan kay Ean na kaya ko ang sarili ko. Hindi naman sa lahat ng oras ay kakailanganin ko ang tulong niya. At dahil na rin sa ipinaglalaban ko, hinayaan niya akong makulong sa bartolina. May kasamaan din ang ugali ‘nun eh, porket din ko siya sinusunod inabandona na ako. Anong klase siyang bestfriend?

Mahihinang kaluskos ang nagpabalik sa diwa ko. Naging alerto ako at nakinig ng mabuti. Makakahinga na sana ako ng maluwag at iisiping napa-paranoid lang ako nang may kung anong usok ang pumasok sa bintana ng bartolinang kinaroroonan ko.

Sa umpisa’y kaunti lang iyon pero ng nagtagal ay kumapal na rin ang usok. Awtomatiko kong tinakpan ang aking ilong. Akala ko ay nasusunog na ang kulungan ngunit ng malanghap ko ang usok, napagalaman kong hindi iyon galing sa sunog. May halong kemikal ito.

Mr & Mrs UNDERCOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon