{syll: isang malupet na fast forward brought to you by master. sekreto nila.}
x--
Khaleesi
"Make sure to do your best for the Outreach program tomorrow or I will not let you all attend prom, Understood?" Banta ng Philosophy instructor namin. Sumagot naman ang mga ka-klase ko ng tamad na 'yes maam' bago siya umalis para sa break namin. Pustahan wala talagang nakaintindi sa sinabi niya at sumagot lang para maka-alis na sya. Ganyan yan sila.
Pero hindi niyo din naman sila masisisi dahil nakaka-tamad nga namang kumilos sa panahon ngayon dahil sa init sa labas. Hindi naman mainit sa classroom dahil naka-aircon kami, pero alam niyo yung nakakatamad lang talaga kumilos at gusto mo nalang kumain ng pakwan? Yun ang nararamdaman namin lately.
March na at halos ilang linggo na din ang nakalipas simula noong sports festival at kumalat sa school naming kami na ni Jeonghan. Sa una maraming kung ano ano ang sinabi pero eventually, tumigil na din sila. Meron pa din naman ngayon pero compared sa bulong bulongan nila before, mas okay.
"Ano ba yan magco-college na tayo." Reklamo ni Dite habang inaayos nya ang mga gamit niya. Itong babaeng ito, ang daming reklamo sa buhay lately.
"Ano ngayon? Ayaw mo?" Nakangising tanong ko habang nilalagay sa bag ang books ko.
Umiling siya. "Gusto syempre. Pero ang bilis lang."
Bumuntong hininga ako. Ngayon at minention niya yan, hindi ko rin maiwasang mapa-isip. Ang bilis naman ng panahon. Parang kelan lang totomboy tomboy pa ako noong elementary, tapos tignan mo ako ngayon. Naga-ayos na, magco-college na, may boyfriend pa. Nakakalungkot din pero kahit papaano may excitement naman na katiting.
Biglang sumulpot sa harapan namin si Jeonghan at Joshua. "What are you two talking about?" Tanong nila.
"College." Maikling sagot ni Dite habang nag-simula na kaming mag-lakad sa hallway, papuntang cafeteria.
"Saan niyo balak pumasok?" Tanong ni Joshua.
"Wala pa kaming idea." Sabay na sagot namin ni Aphrodite bago tumawa. I mean, college yung topic namin kanina pero hindi kung saang college.
"Kayo?" Tanong ko sa kanila.
Mabilis namang sumagot si Joshua habang si Jeonghan walang sinagot. Tinignan ko siya. "Wala ka pang naiisip na university?" Tanong ko sakanya.
Umiling lang sya sa akin habang deretsong nakatingin sa daanan namin. Napaisip ako, ayoko maging paranoid pero pwede nga palang hindi kami magka-pareho ng college ni Jeonghan ano. Wow ayan tuloy, nadagdagan yung list of worries ko.
Mabilis lang kaming naka-dating sa cafeteria at kami ni Dite naki-upo sa Seventeen. Nagka-salubong ang tingin namin ni Jun. Nauna siyang ngumiti kaya naman nginitian ko nalang din siya pabalik.
Hindi ko alam kung kelan nag-simulang palagi na naming kasama ang Seventeen. Late ko nalang din napansin. Kung tutuusin, madalas na sila pa nga ang nagyayaya sa aming sumama kami sa kanila kaya siguro nasanay nalang din kami ni Dite.
Nag-laro kami ng maiba taya at yung onting naiiba, sila yung oorder. Wala eh tamad kami dito lahat. Hindi namin napigilan tumawa nang lahat kami naka-baba ang kamay habang si Seungkwan yung naiiba.
"Hoy grabe dinadaya nyo ko eh!" Reklamo ni Seungkwan.
"Ang tagal na nating nilalaro to at ni isang beses hindi tayo nandaya." Sagot naman ni Vernon kaya nanahamik nalang si Seungkwan. Asuus. Tahimik agad pag si Vernon ang nag-salita. Hmm my bromance senses are tingling.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan +++ former title: seducing jeonghan [completed]