Chapter 22

41 27 6
                                    

Rhianna

42 new messages
28 missed calls

IYAN ang bumungad sa akin paggising ko. Namumugto ang mga mata ko dahil sa walang hanggang pag-iyak. Wala akong makakapitan ngayon, lalo na't hindi kami magkaayos ni Sam.

Minabuti ko munang umalis sa Batangas at pumunta sa Pangasinan, isa pang probinsya.

Mas mabuti na muna ito para malayo sa mga tao at sa gulo. Kailangan kong magmuni-muni tungkol sa mga bagay-bagay.

Bibisita kaya si Aiden ngayon sa salon?

Bigla akong napailing sa naisip. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok sa isip ko. Hanggang dito ba naman guguluhin niya ako. Ironic. Kapag kasama ko siya naiinis ako dahil magulo siyang kasama. Kapag wala naman siya hinahanap ko yung pag-iingay at presensya niya.

Biglang tumunog yung phone ko. Nakita ko sa caller ID na si Sam ang tumatawag. I badly miss my best friend, Sam, but he's not like the old Sam anymore. I miss the old him. Yung Sam na kakampi ko kahit anong mangyari.

Bumuntong hininga ako at ni-reject ang tawag. Tulad ng sinabi niya kahapon, parang lumalayo na rin ang agwat ko sa kaniya. Parang hindi ko na rin siya kilala.

I'm sorry, Sam. kailangan ko ring mapag-isa.

Dumungaw ako sa labas ng bintana sa second floor kung nasaan ako. Gawa sa mga bato at kahoy ang mga bahay at walang pintura hindi tulad ng nasa syudad. Halos bawat bahay ay may mga tanim kaya kahit tanghali na ay medyo mahangin pa rin.

I smiled faintly. This is a good place to rewind. Buti na lang talaga andoon si Cyndi. Hinatid niya ako kaninang madaling-araw rito. Siya yung may-ari ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Nagpatulong ako sa kaniya kahapon at sinabi kong gusto kong magpakalayo-layo kahit saglit lang. Nag-suggest siya sa akin na dito muna ako pumunta para may magbantay rito kahit saglit at pumayag ako. Nag-iwan lang siya sa akin ng maliit na mapa para alam ko daw kung saan yung mall at iba pang lugar.

Sinabi niyang susunduin niya ako sa loob ng tatlong linggo. At sa tatlong linggong iyon, nangako siyang wala siyang pagsasabihan ng pinuntahan ko. Of course, I agreed. This is what I need the most right now. Peace and silence.

###

PAGKATAPOS kong maglibot sa mall ay umuwi na ako para kumain ng tanghalian.

Napagpasyahan kong kumain sa labas ng bahay kung saan may maliit na mesa. Ang sarap langhapin ng simoy ng hangin, malamig at sariwa.

Inilabas ko ang tupperware ko kung saan nakalagay ang ininit kong ulam at nagsimulang kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may natanaw akong magkasintahan sa harap ng bahay na tinutuluyan ko. Halata sa itsura kasi magkaakbay sila. Kakalabas lang nila at umupo sila sa isang maliit na upuan. Nasaktuhan pasa harap ko. May kalsadang naghihiwalay sa dalawang bahay pero kahit ganoon ay mukha pa ring malapit dahil sa walang masyadong dumaraang sasakyan.

Binuhat ko ang upuan ko at lumipat ng pwesto para hindi ko makita ang PDA na magkasintahan. Naaalala ko kasi ang ex ko. Ganoon din kami dati, sweet at walang problema, akala ko wala. Kaya inakala ko panghabambuhay na pero mali ako.

Maghihiwalay din kayo! Tsk.

"Hi. Bago ka rito?" Narinig ko ang boses ng isang babae sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

"Excuse me, miss. Bago ka ba rito?" Nagulat ako may kumalabit sa akin kaya napalingon ako. Nasa harap ko na pala ang probinsyanang babae. Tumango ako bilang sagot.

"Ahh. Kaya pala hindi mo alam na bawal kumain sa labas ng bahay na 'yan," aniya na ipinagtaka ko. Seryoso ba?

"Ahh. Ganun ba?" Kinuha ko ang pagkain ko at akmang papasok sa loob pero pinigilan niya ako.

"How rude. Kaya siguro mag-isa ka lang. Sa ugali mo walang papatol sa iyo." Kumulo ang dugo ko sa narinig kong sabi ng lalaki. Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa loob. Ni lock ko na rin ang pinto. Ayokong mapaaway lalo na't hindi ko 'to teritoryo.

Hanggang dito ba naman may magpaparamdam sa akin na walang taong kayang mahalin ang isang tulad ko?

Napapalo ako ng noo dahil sa naisip. Sabi nang nandito ako para makalimot at mag-isip isip hindi para maging bitter, eh.

Pero ano bang pakialam ng mag-jowang iyon kung sa labas ako kakain?

Tinawagan ko si Cyndi para makasigurado.

"Hello? Bakit ka napatawag?" bungad niya.

"May itatanong lang ako. Bawal bang kumain sa labas ng bahay niyo?" Natahimik siya sa kabilang linya.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi may magjowang nagsabi sa akin no'n. Sa may tapat ng bahay niyo," naiinis kong sumbong.

"M-Magjowa?" nauutal niyang tanong.

"Oo...?" 'di siguradong tanong ko dahil sa tono ng pananalita niya. Ba't parang may mali?

"P-Pero walang n-nakatira sa tapat n-ng bahay namin. " Nagtindigan ang lahat ng balahibo ko at nanlamig ang kamay ko sa narinig. Kumabog ang dibdib ko at kinapos ng hangin dahil sa takot.

H-Hindi kaya—?

Nawala ang pag-o-overthink ko nang marinig ko ang malakas na tawa ni Cyndi. "Priceless siguro yung mukha mo!" aniya at humagalpak ng tawa.

"Langya. Kainis ka! Kita nang mag-isa lang ako, tatakutin mo pa ako!"

"Joke lang kasi 'yon. Malay ko bang kakagatin mo. Atsaka mag-asawa yun, oy. Ayaw nila na pinapanood silang mag-PDA kaya ayaw nilang magpatambay sa labas. Reklamo ko rin 'yon, eh. Feeling batas kasi."

"Sige, na. Bye," ani ko nang malinawa. "Ay yung parlor pala ikaw muna bahala." Akma kong ibababa ang tawag pero nag-"wait" siya. May tinawag din siya sa kabilang linya.

"Where are you?" Kahit hindi ko nakikita yung nagsasalita, alam ko kung sino siya. Si Aiden.

"None of your business," masungit kong sagot. Pagkatapos niyang mawala ng isang linggo, nag-de-demand siyang malaman kung nasaan ako. Teka, ano bang pakialam ko?! Buset naman, oh!

"Ay nagtampo si misis," narinig kong boses ni Cyndi kaya kumunot ang noo ko.

"Pupuntahan kita," sambit naman ni Aiden.

"No/Yes!" sabay naming sigaw ni Cyndi.

"Naka-loudspeaker 'to?" mahinahong tanong ko.

"Yes, misis," may halong birong sagot niya at mahinang tumawa. Napamura ako sa isip.

"Hoy, Cyndi! 'Wag mong subukang sabihin sa kaniya kung saan ako pumunta kundi malalagot ka sa'kin!" sigaw ko.

"Kahit suhulan niya ako?" inosente niyang tanong.

"Subukan mo! Ililibing talaga kita nang buhay!" banta ko kahit alam kong hindi ko magagawa iyon.

"I'll give you one thousand," pagpaparinig ni Aiden. Walangya, ang lakas ng trip!

"Paano ba yan, Rhianna, mahirap tumanggi." Aba't--?!

"Mukha ba akong katumbas ng isang libo?"

"But to think of it, parang kailangan mo nga ng kasama d'yan dahil sabi mo magtatagal ka. Baka mamaya mabaliw ka kapag ikaw lang mag-isa. Malay mo mahanap mo pa yung the one mo."

"Ano?"

"Trust me, makakapag-isip ka nang maayos kapag may napagtanungan o may naka-kwentuhan ka. P.S., 'di to dahil sa suhol, ah. I care for you, sis."

"Anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

"Sige, bye na." Hindi na niya ako hinintay sumagot at ibinaba na niya ang tawag.

###

It Started with a Bet (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon