Rhianna
ITO ang huling araw namin sa probinsya. Hindi na raw ako susunduin ni Cyndi dahil may sasakyan si Sam at alam na niya ang daan. Naiwan ako sa taas dahil ako yung may pinakamaraming in-empake. Noong pumunta kasi sila rito ay tig-iisang malaking bag lang ang dala nila. Ewan ko kung paano nila 'yon napagkasya sa lagpas isang linggo naming pamamalagi rito.
Pagsara ko ng maleta at bumuntong-hininga ako. Saka ko natantong hindi ako nakapag-isip nang maayos rito. Ay mali— nakapag-isip pala pero hindi ko iyon nagustuhan. Hinding-hindi.
"Ayos na ba 'yan?" tanong ni Sam at umupo sa gilid ng kama.
"Oo."
Ibinaba niya ang maletang nasa kama. Siya na ang naghila nito at nagkarga sa likod ng sasakyan. Saka ko lang nalamang ako na lang ang natitira sa bahay. Lahat sila ay nakaupo na sa kotse. Nasa passenger seat si Darwin, samantalang nasa likod sina Jim at Aiden.
"Tara na," ani ni Sam at pumasok na rin sa kotse, sa driver's seat.
Papasok na rin sana ako nang tumambad sa harap ko si Aiden. Siya yung nakaupo sa gawi malapit sa akin. Bigla akong napaatras.
"Mag-co-commute na lang ako," naunang saad ni Aiden at lumabas ng kotse. Sus, gusto niya lang makakilala ng bagong chicks sa byahe, eh.
Napapukpok ako ng ulo dahil sa inis. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Kainis.
"Tama! Tama! Mag-commute ka na nga lang. Isama mo si Rhianna!"
Gulat akong napatingin kay Darwin. Loko-loko talaga, nandamay na naman. Akala ko ba gusto niya ako pero bakit ipinagtutulakan niya ako? Ayoko rin yung katotohanang gusto niya ako pero mas ayokong itinutulak niya ako sa iba, lalo na kay Aiden.
Lumabas si Darwin at binulungan ako.
"You'll thank me one day. Alam ko namang nagkakagusto ka na sa kaniya kaya mas maganda kung magkakaroon kayo ng oras. Pero kung magbago ang isip mo. Andito lang ako. Ako ang sasalo sa'yo," aniya sabay kindat bago bumalik ulit sa kotse.
"Ano?" kunot-noo kong tanong. Sa lahat ng sinabi niya, yung huling linya lang ang naintindihan ko.
"Sabi ko 'wag ka nang papasok dito dahil sabay na kayo ni Aiden para 'di siya loner!"
"No/Hindi pwede," magkasabay na saad nina Jim at Sam kaya natawa si Darwin.
Tumingin siya sa akin at walang boses na nagsalita, 'sabi ko sayo, eh.'Naguluhan ako kay Darwin. Pero mas lalo akong naguluhan sa sarili ko dahil may parte sa aking ayaw magpapigil sa dalawa. Tsk! Ang gulo ko. Kaasar!
"Ano sasama ka ba o hindi?" monotonong tanong ni Aiden habang nakatingin sa tapat ng bahay.
Anong isasagot ko?
"Sumama ka na. 'Di ba didiretso ka pang parlor? Sakto dun din ang punta ni Aiden. Diba... Aiden?" malokong saad ni Darwin at sinamaan siya ng tingin ni Aiden.
"Mahal pamasahe," pag-angal ni Jim sabay palo sa upuan sa tabi niya. "Besides kasya pa siya dito,"
"Ako uupo dyan. Ayokong katabi si Sam sa unahan." Makahulugan siyang tumingin kahit hindi ko talaga maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Ano na?" tila inis na sabi ni Aiden.
"Oo na, oo na!" inis kong sabi pero sa loob, gusto ko talaga. Bwisit, ang hirap umamin sa sarili!
"Ingat ka, Rhianna." Paalam ni Jim at nginitian ako ng malungkot na ngiti.
"See you around," paalam ni Sam. "Mag-turn on location ka para alam ko kung nakarating ka na sa salon. No offense, Aiden, gusto ko lang masigurong ligtas na makakauwi ang kaibigan ko."
Halos maiyak ako sa sinabi ni Sam kung hindi lang sumigaw si Darwin at kumaway-kaway.
"Have fun!"
Pag-andar ng sasakyan ay saka ko lang natantong wala akong dala bukod sa maliit kong shoulder bag. Nataranta ako at napasigaw. "T-Teka!"
Susunod na sana ako pero may humawak ng braso ko. Nilingon ko ito at nakita si Aiden na seryoso ang tingin.
"Ano pang tinitingin tingin mo d'yan? Sila na ang bahala sa gamit mo," malamig niyang sabi at bumitaw. Nauna na siyang maglakad. Ang sarap upakan pero dahil hindi ko alam ang daan, sinundan ko na lang siya.
###
Ang daming pasaherong bumabyahe mula sa probinsya papunta sa syudad kaya puno ang bus na sinakyan namin. Mabuti na lang ay saktong may isang bumaba pagkasakay namin kaya nagkaroon ng bakanteng upuan. Bilang isang maginoo, ako ang pinaupo ni Aiden.
Actually, wala talaga siyang sinabi. Kusa lang talaga akong umupo.
Maya-maya ay tumigil ang bus at may sumakay na isang chinitang babae, maputi at matangkad. Siguro mas matanda ako sa kaniya ng dalawa o tatlong tao. Walang bakanteng upuan at karamihan ng mga pasaherong nakaupo ay tulog kaya walang nagpaupo sa kaniya. Tumayo na lang siya sa tabi ni Aiden.
Umandar ang bus kaya nabigla ang babae at na-out of balance. Napakapit siya kay Aiden at nag-sorry pagkatapos. Ginantihan siya nito ng ngiti at sinabing ayos lang.
Awtomatiko akong napaiwas ng tingin. Hindi ako mamamatay-tao pero mukhang mapapatay ko 'tong babae sa tingin.
Kalma, Rhianna. Kalma! Gentleman lang siya kaya niya inaalalayan niya yung babae.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang kalabitin ako ni Aiden. Paglingon ko ay nagsalita siya. "Rhianna, paupuin mo muna si Lily."
Napakunot ang noo ko. Ang bilis, ah. Kumapit lang yung babae sa kaniya, nalaman niya na agad yung pangalan. At kanina hindi niya ako pinapansin tapos ngayon biglang ganito.
Sinamaan ko rin siya ng tingin. Alam niya bang kanina pa akong pagod sa mahabang lakaran namin kanina?
Hindi ko siya pinansin at nagpatugtog na lang sa phone ng Someday we'll know ng New Radicals.
"Get up," dinig ko pang sabi niya pero nagbingi-bingihan ako. Sinabayan ko na lang ang kanta habang nakapikit.
"Is true love once in a lifetime? Did the captain of the titanic cry? Someday we'll know if love can move a mountain..." I hummed.
Maya-maya ay may humila ng braso ko patayo. Sa sobrang lakas ng paghila niya ay halos mapayakap ako sa kaniya. I mean, not with open arms. Napahawak ako sa dibdib niya. Nakapa ko ang bandang puso niya at naramdaman ang malakas at mabilis na pintig nito. Pagod ba siya? Baka siya yung may gustong umupo?
Inihiwalay niya ako sa kaniya para alalayang umupo ang babaeng sinasabi niyang si Lily. Muling sumama ang timpla ng mukha ko.
Inayos ko ang earphone sa tainga ko at tumingin na lang sa dinadaanan.
"Don't be mad at me," bulong ni Aiden. Nagpanggap akong walang narinig pero sa loob-loob, naghintay ako ng paliwanag niya. Sa kasamaang palad, wala na siyang sinabi pa.
Nagkrus ako ng braso. Huminga ako nang malalim at pumikit. Naiinis ako pero hindi ko alam ang saktong dahilan kung bakit. Selos? No, no. Dahil sa matagalang pagtayo ko? Malamang 'yon nga.
"PWD siya. Malabo ang mata at may hika. Ayaw mo naman sigurong hikain siya rito, 'di ba?" biglang saad ni Aiden sa tabi ko.
"'Di mo naman kailangang mag-explain," ismid ko habang nakapikit pa rin. Deep inside, I felt relieved.
"I know. Gusto ko lang sabihin. At kung kailangan mo rin ng makakapitan, pwede kang kumapit sa akin. At kapag nahulog ka, don't worry, sasaluhin kita."
Saka ako napamulat ng mata. Pagtingin ko sa kaniya ay tila nagkaroon kami ng sariling mundo. Ang alam ko lang ay nakatitig din siya sa akin at nawalan na ako ng pakialam sa paligid. Shit, this is bad.
"Sorry for acting like a jerk these past days. I was just..."
"Just what?"
Tipid na ngumiti si Aiden. "Wala. Ang sabi ko masaya talaga ako dahil sinamahan mo akong mag-commute."
###
BINABASA MO ANG
It Started with a Bet (Love Duology #1)
RomansaOriginal date Published- (05/31/18-11/18/18) Date Revised- (06/17/22‐??) Language: Filipino, English