Chapter 5
Hindi ko alam kung pinaparusahan ba ako.
Weeks ago. Nag simula nang gumawa yung mga walang pusong mga bakla, kaya ako no choice para makagraduate ako. Nandito ako sa harapan ng bahay nila west. Nag doorbell ako. Hmp tagal naman!
"Sino yan?" Shems! si tita marian!
"Ah.. si kyl drea po." Biglang bumukas yung pintuan. Sinalubong ako ng ngiti ni tita kaya ngumiti rin ako.
"Good morning, iha nasa kwarto pa si west. Pasok ka." Pumasok nako. Wala paren palang pinagbago yung loob ng bahay nila west. Actually malaki bahay nila kesa samen. Dati kase lagi ako nandito kaya napansin kong walang nagbago.
May nagtanong ba?
Grrr! Sabi ko manahimik ka lang dyan.
"Antagal mong hindi nabisita dito, iha" nakangiti paren si tita. May naglapag ng juice kaya uminom muna ako bago sumagot.
"Uh... busy ho kase, pasensya napo." Guilty much akes! Syempre knows nyo naman kung bakit wit akong pumupunta sa bahay nila west.
"Liar." Napatingin ako sa likod. Ang gwapo, naka tshirt na white lang sya at naka boldshort na green.
"A..ano?" Umiling sya at hinila ako paakyat. Napatingin ako kay tita at nagsalita ng sorry. Ngumiti lang ito saken.
"Aray putek! Saglit nga!" Sigaw ko ng nawala na sa paningin namen si tita.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pumasok kame sa kwarto nya. Ngayon lang ako nakapasok dito sa loob ng 17 years existing ko!
Lalaking lalaki yung kulay, black and gray. Ang ganda
"Ano? Tatayo kana lang dyan?" Napatingin ako sakanya na naka upo sa sofa tapos may table kung saan nandun yung laptop nya. Hmp! Yaman. Ako ganda lang tsaka talino.
"Hmp! Sungit!" I mumbled. Tsk sapakin ko to e.
Umupo ako na medyo malayo sakanya kaya nagulat ako ng hilahin nya ako.
Shit! Ang init ng pisngi ko. Waaah don't do this west! Baka mawala na naman yung tinibag kong pader saten dalawa!
"Ano ba! Pwede naman tayo gumawa ng medyo malayo ako ah?" Ayie. Pero gusto ko talaga na malapit ako sakanya.
Landi mopo ano?
Chee! Pakielemero tong konsensya nato.
"Tss." Sungit talaga. May tinype sya sa laptop nya kaya nag tingin tingin ako sa mga papel na nasa harap namen.
"AYAW kona!" Sabi ko at ininat ko yung braso ko. Napatingin sya saken kaya umayos ako ng upo.
May tinawagan sya sa landline nila tas bumalik sya sa upuan nya.
"Stop that, wait for the food and eat" Parang nangningning yung mata ako makakapag pahinga nako. Napatingin ako sa relo ko.
Hala! Magtatanghali na. Tumayo nako ng may kumatok. Yaan na siguro yung pagkain.
"Ma'am eto napo yung pagkain." Wow! Mukhang masarap to ah!
"Ay ako napo." Kinuha ko ito at sinara yung pintuan gamit ang paa ko.
Nilapag ko yung tray sa table.
"Tara west! Kain na tayo!" Sabi ko sakanya ng maayos kona ang pagkain.
Nakita kong tumayo sya at lumapit na.
"Hmm, mukhang masarap to" sabi ko at kinuha na yung kutsara ng may maalala ako,
"Ay wait, wag mo munang kainin!" Pigil ko ng isusubo nya na yung pagkain.
"What the?! Bakit ba?" Irita nyang sagot. Gutom na gutom na siguro sya.
"Pray muna tayo okay?" He sighed and nod kaya pinagsiklop kona ang kamay ko at pumikit.
"Dear god, thank u for the food na nasa harapan namen, thank u rin po sa mga blessings, i love you god. Amen" Ngumiti ako at tumingin sa harap ko.
Agad akong napaiwas, shems! Kaloka! Nakatitig sya saken or imagination ko lang? Yaan na nga!
"Let's eat na!" Natatawa kong sabe para mawala yung awkward.
"Maganda ka pag nakangiti" Huh?!