FOUNDATION DAY na busy na lahat ng tao sa school.
After pala naming magkasabay pauwi ni Reyven naging ok naman kami. Mukhang naging close na din kami. Ayun nga inintriga din ako ng mga makukulit kung friends kesyo bat daw parang naging close kami, na bat magkasabay kaming umuwi, my something daw ba sa aming dalawa ni Reyven.. Hay naku napaka malisyosa talaga nila pagdating sa ganong bagay. Tinukso pa nga nila kami kasi nung break time sumabay sya amin. Kaya naging close na din sila ng barkada ko matapos ang araw na yun. Next day nun naging busy na kaming Student Council Officers para eh ready ang lahat para sa foundation day namin.
At hito na nga ok naman lahat umaayon naman according to our plan. Kaya lang hito nakakapagod panu ba naman punta dito punta doon yung ginagawa ko. Ako kasi ang nakatuka pra eh check lahat kung ok na at kung maayos ba naman ang ginagawa ng lahat. As I see masaya naman lahat ng tao dito sa school ngayon nag eenjoy naman lahat. kaya kahit papanu sulit naman pagod ko at tingin ko ganun din naman lahat.
Basang basa na ako ng pawis nanglalagkit na nga ata ako eh ang init init pa naman din ngayon. Pinunasan ko naman sarili ko hindi ko ma take ang panlalagkit ng pawis ko eh. Umiinom ako ng tubig uhaw na uhaw na kasi ako ng may biglang tumawag sa akin.
"RC."
"Oh Psyche kaw pala."
"Kanina kapa namin hinahanap ah saan ka ba nagsusuot?"
"Kung saan-saan. Ako kasi incharge sa pag check kung ok yung mga booth. Oo nga pala kamusta yung sa atin?"
"Ay ganun? mabuti nalang at nakita ka namin dito. Ang hirap mong hanapin ngayon eh. Ayon ok naman. Si Shiz yung nakatuka sa photography, ako ,si Smirka at Reyven nakatuka sa pag lilayout ng pictures, Si Lechar At Liz yung sa Facilities at props ganun din yung iba nating classmates. Maayos naman lahat kasi nagtutulungan ang lahat."
"Mabuti naman kung ganun. Teka bat nyo pala ako hinahanap?"
"Syimpre para kumain at magpahinga naman. BAt hindi kaba napapagod dyan sa ginagawa mo."
"Oo nga RC pahinga ka naman maawa ka naman sa sarili mo. Pwede kanang awardan ng BABAENG WALANG PAHINGA nyan sa ginagawa mo. Kami na naaawa sayo eh."
Bigla na lang sumabat si Lechar na kakarating lang din.
" Tama ka dyan Lech." Hito ring isa pa na si Shiz sumabat din sa usapan.
Ano ba tong mga kaibigan ko bigla nalang sumusulpot ng hindi mo namamalayan. Parang mga kabuti eh bigla biglang sumusulpot kung saan saan.
"Hay naku huwag na nga kayong mag alala sa akin ok naman ako eh at kaya ko pa naman. Tara kain na lang tayo at gutom na din naman ako. Tamang tama need ko na rin ng break."
Ayon nag lakad na kami papuntang cafeteria at nag order ng makakain. Umupo kami sa upuan namin sa loob ng cafeteria. Ang iingay talaga namin pagmagkakasama kami. KAya ayan nakukuha namin attention ng lahat ng tao sa paligid namin. Well wala naman kaming pakialam sa kanila hindi na namin pinapansin yung mga tao sa paligid namin. May sarili kasi kaming mundo eh. Tawanan nanaman kaming apat nina Psyche, Lechar, Shizune at syimpre ako. Ang dalawa kasi naiwan pa sa photo booth namin.
"Teka RC hinahanap ka rin pala ng LOVER BOY mo samin kanina."
Hito nanaman sila sa panunukso nila samin ni Reyven. Minsan naiirata na talaga ako.
"Ano ba kayo hindi ko Lover boy yun noh!"
"Hindi bah?"
"Tumigil ka Shizune ha sapakin kita dyan eh gusto mo?!"
"OH! easy lang pikon agad."
"Hindi ako pikon ha? Naiinis lang ako panay tukso nyo samin eh nakakahiya tuloy sa tao."
"Ayun eh naiilang."
"Kaw ba naman sa lagay ko Psyche di ka maiilang."
Hindi na sya sumagot ngumiti na lang sya sakin para pagsang ayon.
"Hoy ano naman pinagtatalunan nyo dyan?"
"Oh nandito na pala kayong dalawa eh."
"Tagal nyo ah.. Kala ko sa susunod na taon pa kayo makakaalis doon na dalawa ni Liz, Smirk ah."
"Akala ko nga din Shiz eh buti na lang nandoon si Reyven sa kanya na lang namin iniwan."
"Ayos kung ganun dalhan na lang natin mamaya ng pagkain yun. For sure gutom na din yun."
"Aba my awa pakayo doon sa tao Shiz ha."
"At ano namang ibig mong sabihin Psyche wala kaming awa?!"
"Hindi naman. Panu eh panay utos nyo doon sa kanya kanina."
"Sinabi mo pah. Kawawa na nga eh."
"Abah isa ka rin naman sa nag-uutos sa kanya Liz no. Pasalamat na lang kayo mabait yung tao. Hindi na umaangal."
"Naman no sa ganda nating to makakaangal pa ba yun."
"Hoy kayo talaga. Kinakawawa nyo pala si Reyven?"
"Uuuuy... Concerned oh."
"Ayaw mo talaga ako tigilan sa panunukso mo sa aming dalawa Shiz noh!"
"Joke lang" (^_^)
"Oo nga pala, Psyche."
"Ano yun RC?"
"May nais palang makipag kaibigan sayo kasamahan ko sa Council si Rez."
"Huh? yung Auditor nyo?"
"Yup! sya nga yung sa kabilang room lang natin."
"Ah yung cutie?"
"Oh yes! Sya nga Smirk. Paggwapo talaga kilalang kilala mo."
"Naman no ako pah."
"Ikaw pa talaga talas ng radar mo basta gwapo eh. Oh bat naman gusto makipagkaibigan sa akin nun."
"Tatanga-tangahan tayo dito friend? Obvious ba ang nais nung tao eh manligaw sayo."
"Alam ko Shiz naninigurado lang hindi naman ako assuming eh."
"Oh ano na Psyche? ok lang sayo? Hinihingi CP# mo saakin eh."
"Hmmm.. Ok."
"Ayos ah. Bibigay ko na lang mamaya."
Si Rez pala as i"ve said already kasamahan ko siya sa council Auditor sya namin. One of the popular guy din sya sa school. Gwapo din kasi at Athlete din sya sa Taekwando. Naging friend din kami kasi nga kasamahan ko sya sa Council. Alam nyo nakipaglapit lang pala sa sya sakin kasi matagal na palang my gusto sa bestfriend kung si Psyche kaya lang nahihiyang manligaw natotorpe at baka daw bastedin. Kaya ayun ng malaman na friend ko si Psyche He grab the opportunity para mailakad ko sa bestfriend ko.
Well he pick the right person. Kasi hindi naman ako nag atubili. Hindi rin naman ako nagalit sa kanya nung malaman ko ang reason bat nakipagkaibigan sya sa akin. Mabait naman kasi sya eh. Makakapagkatiwalaan naman siya. At huo nga pala bago ko sya nilakad kay Psyche sinindak ko nga na huwag nya sasaktan at lulukuhin Bestfriend ko kung hindi malalagot sya sa akin. Kilala ako ng lahat pag nagagalit ako kaya yung iba takot sa akin.
My natuklasan din pala kami ky Psyche kaya pala pumayag sya sa sinabi ko eh yun pala my Crush din pala sya ky Rez. Nagulat kami lahat sa rebelasyon nyang yun. Well ako yung unang natuwa dun panu mukhang magiging ok din naman eh.
Oh my gosh LumaLovelife na BFF ko... Hahaha :-D
BINABASA MO ANG
The Geek and the Hearthrob
RomanceA story of a high school girl who fall inlove with her classmate that is well known as the Hearthrob... they were Senior Student the guy is a transferee. While the girl is a Student Council Vice Pres. in their school. All the Students in their sch...