I'll be alright. Just not tonight.

165 18 3
                                    

Astrophile's POV

Nagising ako na nasa puti akong kwarto. Patay na ba ako? Ganon ba kalakas ang pag kaka bagok ko para mamatay ako? Muntik ko na talagang akalain na patay ako kung hindi dumating ang doctor para tignan ako. Lumapit ito saakin at nilentehan ang mga mata ko.

May binulong ito don sa nurse na katabi niya pero hindi ko maintindihan. Isa pa wala akong pakialam sa piangsasabi niya ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung naasan na si Star? 

Akma akong tatayo nang bigla akong maliyo. Naging kulay itim ang paligid at eto nanaman nawalan nanaman ako nang malay. 

Nagising ako sa tapik saakin. 

Minulat ko ang aking mata pero bakit ganon? Kulay itim parin ang paligid.

Bakit wala akong makita?! Ang dilim! Tulong! Tulong!

Calm down Ms. Monteclaro. Malakas ang pagkaka tama nang ulo mo baka tumama pa ito sa bato kaya nag karoon ka nang temporary blindness. Wag ka mag alala pansamantala lang ang iyong pagkabulag. 1-2 months lang ang tinatagal nang temporary blindness. Makakakita ka ulit after 1-2 months o kung mag papagaling ka agad ay mas mapapabilis pa ang pagbalik nang yong paningin. So please calm down. 

Nang malaman kong pansamantala akong mabubulag ay umiyak ako nang umiyak nang araw na yon. Buti nalang at nasa tabi ko si Star. Hindi siya gaano nag sasalita. Parang nag iba rin ang boses niya at parati siyang inuubo. May mga oras rin na ayaw kong kumain dahil hindi ako makakita na para bang wala na akong silbi sa mundo. Kahit pansamantala lang ito ay ayoko maging pabigat kay Star. Eto nanaman ako naiiyak nanaman ako pero bago paman tumulo ang luha ko ay agad ko na itong pinunasan. Kailangan kong lumaban. Pansamantala lang naman to eh. 

5 days din ako nag stay sa ospital sa wakas pauwi na ako sa apartment namin. Akay akay ako ni Star. Laking pasasalamat ko nalang talaga na nandto siya lagi sa tabi ko. Sa loob din nang limang araw ay inubo nga si Star at nagkalagnat pa kaya hindi na naibalik ang boses niya. Nagtataka parin ako pero hindi nalang ako nagsalita.  Ang tagal tagal kasi bumalik nang paningin ko eh. Hindi ko narin natanong si Star tungkol sa bakit siya umalis saan siya nag punta. Tuwing nag babakasakali akong magtanong ay iniiba niya ang usapan. Minsan niya naring sinabi saakin na wag nalang daw namin pag usapan kaya hindi na ako nangulit pa. Isa pa tama nga rin naman dahil baka pag awayan pa namin ang mahalaga ay bumalik siya.

*AFTER 1 MONTH*

Isang buwan na ang nakakalipas. Tuloy parin ang pag papa chechk up namin ni Star. Sabi nang doctor sa isang buwan daw ay babalik na ang paningin ko o kung papalarin ay mas mabilis pa nang isang buwan. Matagal tagal narin akong inaalagaan ni Star. Bawat galaw ko ay kasangga ko siya. Para siyang naging kanang kamay ko. Kaya ngayong araw ay naisipan kong pumunta sa open field sa dagat don na kami lang ang nakaka alam. Hindi lang pala kami pati rin yung kababata kong lalaki na hindi naman ako binalikan. 

Star!

Hmm?

Tara sa open field

H-a-aa?

Sa open field dun sa dagat!

W-a-laa namang dagat dito ah?

Hindi mo ba natatandaan? Tara na! Alam ko namang binibiro mo lang ako.

A-hh eh? Hindi ko matandaan yung daan sorry hehe.

Yun ang sabi ni Star. Medyo nag duda ako. Imposibleng makalimutan niya yon. Nung nagka ubo siya parang nabawasan ang memorya niya? Imposible yon. Hindi ko pa naiwasang magtanong.

Galaxy Against Us ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon