Astrophile Perigrine

146 17 1
                                    

Star's POV

Isang buwan na ang nakakalipas.

Matagal tagal narin. Sa loob ng isang buwan hindi na ako muling bumalik sa Perigrine's Star Company. Wala na akong balita sa kung anong nang yayari kay Othani o kay Astro at sa kasal nila ni Benidict.

Wala na akong balak mang gulo pa sakanila. Sinusubukan kong mabuhay ng mag isa. Hindi ko na rin binuksan ang libro ni Astro. Ayoko ng malaman kung ano pa ang nandon. Tutal wala narin naman akong magagawa. Kung noon ako ang laman non siguro hindi na ngayon. Hindi nga man niya lang inabalang kunin. Hindi pala yon importante gaya ng inaakala ko.

Wala na si Rigel sa bahay na tinitirahan ko. Gusto ko munang mapag isa kaya dun muna siya sa bahay nina Vega tutal wala naman sina Vega at Chase dahil nasa Negros nanaman.

Siguro babalik nalang ako samin para tuluyan ko ng malimutan si Astro.

Tama. Isang buwan narin naman.

May mga bagay na nangyayari at lahat yon may dahilan. Panahon narin siguro para tuluyan ko ng bitawan kung ano man ang meron sa aming dalawa. Gusto ko ng lumaya. Hahayaan ko na siyang sumaya. Para saan pa ang paglaban kung hindi naman ako ang gusto niyang kasamang lumaban?

Tinext ko si Rigel na babalik na ako sa totoong bahay namin. Kung saan ako nababagay.

Eto na ang huli. Huling babalik ako sa lugar na to. Kakayanin ko maging masaya para sa babaeng pinaka mamahal ko. Para kay

Astrophile Perigrine.

Galaxy Against Us ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon