Star's POV
Kahapon ay hinatid na namin si Astro sa huli niyang hantungan.
Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Hawak ko ngayon ang diary niya.
" Astrophile
- a person who love stars.See? Dala dala ko sa pangalan ko ang pagmamahal ko sayo. I love you Star."
Napangiti nalang ako. Akala ko ako yung nang iwan siya pala.
Malapit ko ng maabot ang dulo. Pag buklat ko ay may cellphone. Ang cellphone na may case ni Nami. Napangiti ako.
Binuksan ko ito. Pangalan ko parin pala ang password.
Nakita ko na ang nakalagay sa wallpaper ay
" Punta ka sa apartment ko. May box don. Kunin mo yung camera. Panoodin mo lahat."
Pumunta ako sa apartment niya. Sinunod ko ang gusto niya. May nakita nga akong tape recorder.
Binuksan ko ito. Mayroon doong anim na video.
Pinanuod ko ang una.
Nandon si Astro sa video at nagsasalita siya.
" Hi Star! May sakit ako! Mamatay na ako! Bat dika pa bumabalik? Pag nahanap kita nako patay ka sakin! Okay na rin na wag kang magpakita. Kasi ayokong mamatay ng nakikita kang malungkot sa tabi ko. Mahal na mahal kita!"
Pinanuod ko ang pangalawang video. Ibang iba na ang itsura niya mula sa unang video. Namayat siya naging maputla at mukang pagod na pagod na.
" Star! 5 araw nalang daw ang itatagal ko. Kung mamalasin mas maaga pa akong mawawala. Masaya ako kasi inakala mo na ikakasal kami ni Benidict. Sa wakas. Hahaha. Kung sakaling mapapanood mo man to hindi na kita makikitang umiiyak kasi patay na ako hahaha."
" Apat na araw nalang! Wag mo akong kakalimutan ha? Wag kang iiyak!"
" Tatlong araw nalang! Mahal na mahal kita Star! Ikaw na ang bahala sa lahat okay? Sana buksan mo pa ulit yung puso mo."
Namumugto na ang mata ko. Pinanuod ko na ang pang huling video.
Eto ang video namin kung saan kaming dalawa ay sumasayaw. Miss na miss na kita Astrophile. Ako naman yung iniwan mo eh!
Pag katapos ng video ay nakuhanan din ang pag iyak ko hanggang sa mamatay kusa ang video.
Biglang lumamig ang hangin. Pinatugtog ko ang kantang
The night we met. Ang kantang sinayaw namin.
Pumunta ako sa veranda at dinama ko ang hangin. Sumayaw ako at iniisip kong kasama ko parin siya.
Saksi ang Veranda sa pagmamahalan naming dalawa.
Ang babaeng iniwan ko.
Ang babaeng pinagtabuyan ko.
Ang babaeng akala ko masaya na sa iba.
Ang babaeng bumubuo sa buhay ko.
Ang babaeng mahal ko.Ay tuluyan ng nawala.
At iniwan ako.
BINABASA MO ANG
Galaxy Against Us ( Completed)
FantasyI know nothing with any certainty, but the sight of stars makes me dream My name is Astrophile Perigrine Monteclaro. I'm an orphan. I lived alone in my apartment in Cavite. One night changes my whole life. I met him in the middle of a starry nigh...