Be happy for me

148 15 1
                                    

Othani's POV

Nasa bahay ako ng biglang tumawag si Benidict. Wala akong balita sa naging takbo ng kasal nila ni Astrophile dahil kakauwi ko lamang galing Negros. Minsan lang ako makatawag kay Astrophile dahil napaka hina ang signal sa Negros.

Hello Benidict? Napatawag ka?

Pumunta ka sa Ospital. Ngayon na. Itetext ko sayo ang Address.

At binaba niya na ang tawag. Tinext niya agad ang address at pumunta naman agad ako doon.

Doon ko nakita si Astrophile. Ngayon ko nalang ulit siya nakita. Putlang putla na siya. Sobrang payat at nangingitim ang baba ng kaniyang mga mata. Muka siyang pagod na pagod na. Hindi ko na napigilang mapasigaw.

BENIDICT! ANONG NANGYARI SAKANIYA? ANONG GINAWA MO! GAG* KA! PINAGKATIWALA KO SIYA SAYO ANONG GINAWA MO!

Lalo akong nag init ng hindi siya sumagot. Sinuntok ko siya ng malakas na kinadugo ng labi niya.

Hindi ako ang tamang tao para mag salita.

Susuntukin ko pa sana siya ng biglang gumalaw ang kama sa likod ko. Gumising si Astrophile.

Bakit ka nandito Othani?

Benidict: I can't let you die alone Astrophile. I called him. Honestly I called everyone. Even Star. I'm sorry. I just can't help it.

Pag kasabi non ni Benidict ay umalis na siya. D-ie? Sino? Si Astrophile?

Ngumiti sakin ng mapait si Astrophile.

Hindi talaga maasahan ang isang yon.

Patukoy niya kay Benidict.

A-nong me-r-onn? Anong pinag sasabi niya?

Mamatay na ako Othani.

Doon na. Bumagsak lahat ng luha ko sabay pag durog ng puso ko. Ang babaeng mahal ko.

Nagbibiro kalang diba!? Ano ba baby sis! Wag kang ganiyan!

Pinaliwanag sakin lahat ni Astrophile kahit hirap na hirap na siya mag salita. Habang patuloy parin akong umiiyak. Totoo nga sinasabi niya.

Bakit Astrophile? Bakit mo nagawa yon? Bakit ka nag sinungaling?

Hindi ko na sinabi Othani. Ayokong saktan kayo. Ate ko lang ang nakaka alam.

Ang sakit naman baby sis! Bakit ka ganyan! Edi sana hindi nalang ako nagpupunta sa Negros para naalagaan kita.

You need to accept it big bro. Your baby sis is dying.

Ang hirap naman non!

Mangako ka sakin Othani!

Lalo na akong nalunod sa kakaiyak.

Hindi ka mag oover time sa trabaho mo para hindi ka magkasakit okay?

Bakit ka ganiyan? Lalaban pa tayo! Mabubuhay kapa baby sis!

You need to accept it. Mamatay na ako Othani.

Hindi!

We're all going to die. I'm just going first!

Stop it! You'll going to survive okay?

I won't. You really need to accept it.

I love you Astrophile.

Thank you.

I know. Si Star parin ang mahal niya at hindi ako.

Thank you for loving and staying with me. Thank you for everything. Thank you for protecting me. Thank you Othani. I love you. You know that. I really love my big bro.

Niyakap ko siya. Sobrang higpit na yakap. Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Ang babaeng mahal na mahal ko ay unti unti nang mawawala.

Kahit anong mangyari nandito ka. Isa ka sa bumuo nito. Kahit na tumigil na ito sa pagtibok.

Sabi niya sabay turo sa puso niya.

And please Othani

Be happy for me.

Galaxy Against Us ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon