Stage 2: Courtship

224 11 3
                                    

CHAPTER 2

VICTORIA

It's been almost a month since Gabby confessed to me. Masaya naman ang naging takbo ng panliligaw niya sa akin dahil he never failed to send me sweet messages everyday. Hindi rin siya nagsasawang padalhan ako ng flowers na minsan ay nagiging dahilan ng tuksuhan ng mga kaibigan ko. Hindi niya rin nakakaligtaang tumawag sa akin araw-araw.

Alam ko na pursigido talaga siya sa panliligaw sa akin dahil he always find time to be with me. Nakikita ko rin ang mga effort niya hindi lang sa mga material na bagay o sa mga matatamis na salita kundi ang mga acts niya kapag magkasama kami. Hindi nga lang kami lumalabas dahil iniiwasan namin ang issue. Sa bahay ko lang kami nagkakasama o kapag nayaya, sa bahay ng mga close friends namin.

Like today, he'd take me for a movie date. We're in his car hitting the road going to his place. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay niya pero familiar ako sa daan.

I was busying myself scrolling my IG Account. There were many messages coming from my Lornatics children, nakakatuwa. They are really shipping me and Gabby. Halos puro GaLor pictures ang naka-tag sa akin kahit na iba ang mga katambal ko sa project.

While scrolling, I saw our picture together. Sa set ito ng DMII, naka-violet ako at naka-blue siya. May mga stains kami ng fake blood sa kamay at labi.

Ang cute ni Gabby dito kaya napangiti ako. I stared at the picture.

My Goodness! Naka-holding hands pa kami dito habang siya may hawak na cellphone. Hindi ko na maalala kung sino kausap niya sa phone that time pero pinuntahan ko siya para mag-picture kaming dalawa na ni-request ng isang staff noon.

He saw me smiling.

"What are you looking at? Pa-ngiti ngiti ka pa diyan," sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero hindi ko siya sinagot.

Baka kapag sinabi ko na ang cute cute niya sa picture namin, asarin pa ako ng mokong na ito.

At saka malaman niya na may gusto na rin ako sa kanya, hindi pa pwede. We still need time to build a strong foundation bago kami tuluyang pumasok sa isang relasyon.

Kailangan ko rin ihanda ang sarili ko para magmahal ulit at ipagkatiwala sa kanya ang puso ko.

He focused on driving again habang ako ay tinitignan ko pa rin ang picture namin.

I noticed that my hair was messy kaya natawa ako. Hindi masyadong maganda ang pagkakaayos ng buhok ko but we still look stunning in this photo.

Bakit ba ako kinikilig sa picture naming 'to? May iba pa yatang pictures na mas sweet kaming tignan.

Hindi na suguro napigilan ni Gabby ang curiosity niya kaya inihinto niya ang kotse sa tabi. Buti nalang wala masyadong sasakyan kaya hindi kami nag-cause ng traffic.

Napaangat ako ng mukha sa paghinto namin at tinignan ko siya.

I'm still flashing a smile.

He looked at me seriously.

"Sino ba yang ka-chat mo? Huwag mo sabihing Lornatics o Galorians yan dahil hindi naman ganyan ka-sweet ang ngiti mo kapag may nagcha-chat sayo," seryoso niyang sabi.

I put my phone back to my lap pero nakalimutan kong patayin kaya nang tingnan niya ito ay bumungad sa kanya ang picture namin na kanina ko pa tinitignan at ang dahilan kung bakit kanina pa ako nakangiti.

"Sino yang kasama mo sa picture?" seryoso pa niyang tanong.

Mukhang hindi niya ata namukhaan ang sarili niya. Susme. Masyado ba siyang cute dito at hindi niya na-recognize ang sarili niya. Mokong talaga.

GALOR: An Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon