CHAPTER 1
VICTORIA[Year 2011]
Kakatapos lang ng Christmas Day at nasa set ako ngayon, nagte-taping. It's been a week since my birthday pero tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga greetings and gifts sa akin. Nakaka-flatter lang dahil nandiyan ang mga Lornatics, children, friends and relatives na walang sawang nagbibigay ng love and support for me lalo na sa special day ko.
I was about to go out to check my queue pero may bigla akong may narinig na ingay. I heard a very familiar voice. A voice that I'm longing to hear. Kahit boses palang ang naririnig ko, alam kong gwapo na ang may-ari nito.
Biglang may pumihit ng door knob. He entered. I was surprised to see his handsome face again. How I missed my leading man!
Nginitian niya ako as he entered the room. Ako lang mag-isa sa rito dahil nagte-take ng scenes ang isa kong kasama. Laking gulat ko nang may mga dala-dala siyang paper bags.
"Hi," bati niya.
I smiled at him genuinely. Hindi ko na ata maitago ang masayang ngiti nang makita ko siya. We've been working together since then pero after ng teleserye namin, hindi na kami ulit nabigyan ng bago. Nakakalungkot nga dahil we love to work with each other. Napakasaya at napakagaan ng trabaho kapag siya ang katrabaho ko.
"Hi. What are you doing here?" I asked him.
Nilapitan niya ako at unti-unting inilabas ang mga nasa paper bags.
"I dropped by to give you these. Belated Happy Birthday, leading lady," he said as he held me a bouquet of red roses.
Ang ganda ng pagkakagawa ng bouquet at mukhang fresh pa.
My smile widened as I got the bouquet.
"Malapit lang naman yung set namin at naalala ko na birthday mo pala last week, so I decided to give you my gifts. Balak ko din sanang bilhan ka ng cake pero may chocolates naman diyan, dark chocolate kasi alam kong you're on a diet. Ayokong masira 'yon," sabi niya as he put the paper bags on the side table.
"Sus. Nag-abala ka pa. Alam ko namang busy ka kaya naiintindihan ko po iyon," sabi ko at umupo ako sa may bed at inilapag ang bouquet sa tabi ko.
"Okay lang. Baka magtatampo ka na naman sa akin dahil nakalimutan ko," sagot niya at umupo sa tabi ko.
After that, silence dispersed between us and now we're just looking at each other's eyes. He still has these beautiful pair of brown expressive eyes. Isa sa mga parte ng mukha niya na gustong gusto kong titigan.
Nagulat ako nang biglang hawakan niya ang kamay ko. His touch gave me a thousand voltage of currency.
Ano ba itong nararamdaman ko? It felt so strange. Dati hindi naman ako naiilang kapag ginagawa niya 'to sa akin. We even took sweet photos during our free time sa set noon. Nakayakap. Hinahalikan pa nga naming ang mga pisngi ng isa't-isa at naghoholding hands pa kami. Pero bakit ganito na lang ang dulot ng paghawak niya kamay ko? Naloloka na ba ako?
Sinubukan kong iiwas ang kamay ko but he's holding me firmly so I let him hold my hand as long as he want.
"Can I take you to a dinner tonight? I already talked to direk, at sabi niya okay lang. O diba, ang lakas talaga ng dating ng leading man mo," he said, still looking straight to my eyes.
Hindi ko alam pero nagiging jelly na ata ang tuhod ko sa mga titig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko so I chuckled awkwardly.
Nakita ko na lumawak ang pagkakangiti niya.
BINABASA MO ANG
GALOR: An Untold Love Story
FanfictionA Gabby Concepcion and Lorna Tolentino short-story. A love that rose from the on-screen tandem and will be ruined by a trial. Let's see the stages of their untold love story.