Stage 3: Acceptance

267 10 5
                                    

CHAPTER 3

VICTORIA

"Let's spend the lenten season somewhere, leading lady. What do you think?" tanong niya habang nakatuon ang atensyon niya sa laptop. He's reading different articles sa tabi ko habang ako, naglalaro ng Candy Crush sa Ipad.

"Pwede. Sige, sa bagay wala namang trabaho sa mga araw na 'yon kaya pwede tayong magliwaliw," sagot ko.

Apat na buwan nang nanliligaw sa akin ang masugid kong manliligaw. He always find time to be with me kahit na marami siyang pinagkakaabalahang trabaho. We're having a lot of fun kapag magkasama kami. Nasabi ko na rin ang tungkol sa panliligaw niya sa mga anak ko, pati na rin sa pamilay't mga kaibigan ko noong nakaraang dalawang buwan at masaya ako sa naging reaksyon nila na tanggap nila ang panliligaw sa akin Gabby, dahil na rin siguro naiintindihan nila ako sa naging desisyon kong buksan muli ang puso ko para magmahal ulit at maghanap ng makakasama sa buhay.

He is very sweet and a gentleman pagdating sa akin. Lagi niya akong kinakamusta kung okay lang ako, magkasama man kami o hindi. Kahit na nahihirapan kami sa sitwasyon naming patago, lagi siyang gumagawa ng paraan para ipakita sa akin na mahalaga ako sa kanya.

Habang tumatagal ang mga araw ng panliligaw niya, lalong gumagaan ang loob ko sa kanya. Everytime na pagod ako at magkasama kami, he's always there to comfort me.

Naalala ko nga noong nasungitan ko siya dahil may period ako, lahat ng pagtataray at iba pang mood swings ko ininda niya.

"Nakakainis naman 'tong traffic na 'to! Ang aga-aga palang, traffic na rito sa Edsa. Bakit kasi hinahayaan ng gobyerno na magkaganito, pwede naman kasing isang lane lang ang isara. Tapos meron pa 'yang road widening-road widening na 'yan. Sayang lang binabayarang tax sa mga 'yan. Nakakabwisit!" reklamo ko sa may passenger's seat habang nakakunot ang mga noo ko.

"Sandali, hahanap ako ng ibang route," sagot niya ng marahan.

"Mabuti pa! Anong oras na, male-late na ako nito. May pictorial pa ako mamaya sa Flawless," reklamo ko ulit at napakapit nalang ako sa headrest ng upuan.

Pagkatapos niyang makahanap ng alternative route ay iniliko niya ang kotse. Wala ng masyadong sasakyan doon kaya mabilis na ang biyahe.

Papunta kami sa set ng taping ng teleserye ko. It's his free day kaya he decided to accompany me papunta roon. Pinauna ko na ang make-up artist ko kasama ang driver ko sa set kaya baka nandoon na ang mga iyon.

Nakakita ako ng mga nagtitinda ng prutas sa dinaanan namin kaya ipinahinto ko yung kotse sa kanya.

"Bakit?" tanong niya.

"Gusto ko ng apple tsaka yung pakwan doon oh," sagot ko at itinuro ang hilera ng nagpu-prutas.

"Sa supermarket nalang kita bibilhan mamaya. Baka dagsain pa ako ng tao, magalit ka na naman dahil male-late ka na," he said and drove again.

"Gabby, gusto ko nga. Nagugutom ako, hindi ata enough yung breakfast natin kanina. At saka, hayaan mo sila doon. Mag-uumpisa naman 'yon kahit wala ako," pagmamaktol ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko but I'm craving.

"Sa supermarket na nga-" I cut him there.

GALOR: An Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon