10 Tanong Para kay Michael Bay

16 0 0
                                    

Ginoong Michael Bay, may ilang mga tanong lang po ako sa inyo tungkol sa Transformers: Age of Extinction.

1. Dapat ba na may at least isang character na nag-i-stutter sa pelikula n'yo? Tribute ba yun kay Shea Leboeuf?

2. Bakit kung saan pupunta yung anak ni Mark Walhberg, dun din napupunta ang labanan ni Optimus at Galvatron?

3. Hitech ang mga kalaban pero bakit sila gumamit ng lambat para hulihin si Optimus? Bakit di nila ginamit yung malaking magnet na ginamit nila nung bandang huli? Para ba makasabit si Mark Walhberg habang tinatangkang iligtas ang anak n'ya na nahuli rin sa lambat?

4. Bakit nung una itim na kotse si Bumblebee pero yellow pa rin pag nagtransform siya na robot?

5. May kaugnayan ba ang agawan ng teritoryo ng China at Pilipinas sa pagpili n'yo sa Hongkong bilang shooting range ng mga triggerhappy n'yong robot?

6. Hindi naman kasama ni Optimus si Bumblebee nung ginising n'ya yung mga robot na dinosaur. Paano nila alam na hindi s'ya isa sa mga kalaban nung lumusob na sila?

7. Nakakalipad pala si Optimus. Andaming pagkakataon dun sa huli na mas nagpa-easy sana sa buhay nila kung lumipad-lipad s'ya. Bakit hindi n'ya agad ginawa?

8. Bakit di n'yo na binalik si Megan Fox?

9. May katuloy pa ito dahil buhay pa si Galvatron/Megatron, di ba? Kelan n'yo talaga tatapusin ito?

10. Tagalog ang mga tanong ko, naiintindihan mo ba mga 'to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mug ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon